Share

CHAPTER THIRTY-SIX: S2

PAGKAUWI ko sa kwarto na inuupahan ko ay agad akong humiga sa kama at doon pinakawalan ang isang malalim kong buntong hininga.

Humiga ako sa aking higaan at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit sa bawat pag-pikit ko ay siya ang nakikita ko.

Nahihibang ka na talaga, Amelia!

Marahan kong pinukpok ang ulo ko gamit ang aking kamay pagkatapos ay bumuntong hininga. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nagdesisyong magbihis ng madalas kong outfit na kung saan ay naka-pants ako at oversized shirt.

Napagdesisyunan ko nalang na lumabas sa maliit na kwartong inuupahan ko at pumunta sa isang affordable na store. Agad akong pumasok sa store na 'yon at naghanap ng maaari kong inumin at kainin.

"Magkano ho?" tanong ko nang makapili ako at inilabas ang wallet ko.

"215 po lahat," ani kahera.

Akmang maglalabas na sana ako ng pera mula sa aking wallet kaso biglang may nagsalita sa aking likuran dahilan para mapalingon ako roon.

"Idagdag mo na ang 215 pesos na 'yan dito," wika ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenie Alagos Enriquez
update naman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status