Share

CHAPTER SEVEN

Catharyn's POV

PAGKAPASOK ko sa bahay nila ate ay agad ako nitong pinaupo sa kanilang sala. "Sabihin mo nga sa 'kin, ano bang nangyari?" tanong ni ate habang binibigay sa 'kin ang isang baso ng tubig. 

Agad kong kinwento ang totoong nangyari sa 'kin kay Ate at hindi mapigilan ni Ate na magalit sa 'kin nang malaman niya ang totoo. 

"Alam mo kung anong nangyari sa 'kin noon. Bakit tumulad ka pa?" kalmadong tanong ni Ate sa akin pero alam ko na sa loob loob nito ay galit na siya.

"Gusto ko kasi siya ate," lumuluhang turan ko.

"Hindi porket gusto mo siya ay dapat mo ng ibigay ang pagkababae mo. Hindi mo ba alam na kasalanan 'yang ginawa mo? Na ibinigay mo ang sarili mo sa isang lalaki kahit hindi ka kasal?" tanong ni Ate.

Tanging hikbi ko nalang ang naririnig ni ate dahil sa kawalan ko ng salita. Alam ko na mali ang ginawa ko pero masisisi niya ba ako gayong si Xannon ang tinitibok ng puso ko? 

"Gusto ko siya, ate eh" lumuluhang turan ko. 

"Gusto! Gusto! Gusto! Lagi nalang 'yan ang lumalabas dyan sa bibig mo, Catharyn! Mahirap bang ipasok dyan sa kukote mo na hindi ka niya gusto at mali ang ginawa mo?!" inis na sabi niya dahilan para lalo akong umiyak at humikbi. 

"Paano nalang kung magbunga 'yang ginawa niyo?! Kaya mo na bang itaguyod 'yan?! Bago ka pumasok sa ganyang sitwasyon siguraduhin mo muna na kaya mong tustusan ang pangangailangan ng magiging anak mo! Kapag nagbunga 'yan? Matutustusan mo ba? Hindi ba siya magiging kawawa?!" galit na tanong ni ate. 

Alam kong mali ang ginawa ko pero sapat na rason na ba ang opinyon ni Ate para magsisi ako? Nawa'y hindi magbunga ang ginawa naming dalawa ni Xannon dahil alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa.

Taon ang lumipas at nagbunga nga ang nangyari sa amin ni Xannon. Noong una ay hindi ko matanggap ang aking anak subalit no'ng nahawakan ko na ito ay ibang saya ang lumukob sa aking buong pagkatao. Daig ko pa ang nanalo sa lotto! 

"Mom, what are you thinking?" tanong ng tatlong taon kong anak na si Xandro.

Agad akong lumingon sa 'kanya at nakangiting nagsalita. "Wala, baby," turan ko. 

Dinig ko ang buntong hininga nito at nakita ko ang pag-kunot ng kanyang noo dahilan para matawa ako. 

"Mom! Don't call me baby. I'm not a baby anymore!" inis na sigaw nito dahilan para tignan ko siya ng masama.

"Xandro, watch your tone. Masamang sumigaw sa nakatatanda, remember?" I warned him.

He immediately shut his mouth up then after a second he spoke. "I'm sorry mama," nakayukong turan nito pagkatapos ay kinutkot ang kanyang daliri.

"It's okay, son. Naiintindihan kita," wika ko pagkatapos ay inangat ang kanyang ulo at ngumiti ako.

"Thank you, mama!" maluha-luhang wika nito pagkatapos ay niyakap ako.

Heto, heto ang yakap ng anak namin ni Xannon, marahil ay mahal ko nga siya pero sa kasamaang palad ay may mahal siyang iba at iba ang habol niya sa akin na kung saan ay hindi pagmamahal.

Napagdesisyunan naming pumunta ni Xandro sa mall upang bumili ng kanyang mga laruan.

 Nagpapasalamat ako sa aking kapatid dahil simula nang manganak ako ay siya na at ang kanyang asawa ang katuwang ko sa pag-aalaga ng aking anak. Maliban pa roon ay siya ang nagpasok sa 'kin sa kompanyang kanyang pinapasukan. 

"What will you do with these toys?" tanong ko sa aking anak habang hawak hawak niya ang laruang kanyang napili na kung saan ay mga baril na iba iba ang klase.

"Of course I'm gonna play all of these. What's with that look? Do you want me to choose barbie instead?" tanong ni Xandro dahilan para matawa ang saleslady. 

"Nevermind. Kung gusto mo ba naman ng barbie bakit kita pipigilan hindi ba?" tanong ko dito.

Ilang minuto ang lumipas bago kami nagdesisyong umuwi sa apartment na tinutuluyan namin. Sira sira na ang kotse na aming sinasakyan. Madalas nga ay nasisiraan ako t'wing pumupunta ako sa kompanya pero wala akong magagawa dahil wala naman akong kakayahang bumili ng panibagong kotse.

Nang makauwi kami ay dali daling kinuha ni Xandro ang kanyang mga laruan at nakipaglaro sa 'kanyang pinsan. Akmang magbibihis na sana ako kaso biglang nag-ring ang aking cellphone dahilan para sagutin ko ito.

"Hello, Catharyn?! Dalian mo at pumunta ka dito sa company! May general meeting tayo," wika nito dahilan para mapabalikwas ako mula sa pagkakaupo.

Habang nasa byahe ay mas binilisan ko pa ang pagmamaneho. Ilang minuto pa ang nagdaan bago ako nakarating sa kumpanyang pinagta-trabahuan ko.

Agad kong pinakita ang QR Code ko sa guard at ini-scan niya ito tsaka ako pinapasok sa loob. Walang katao tao sa kumpanya. Marahil ay ang general meeting ang dahilan kaya iilang empleyado lang ang nakikita ko. 

Nang makarating ako sa meeting room ay kumatok muna ako bago ko binuksan ang pintuan. Sa dami ng mga empleyado ay sinikap kong hanapin si Shiena. Nang makita ko siya ay agad akong tumabi sa 'kanya at tinanong kung ano bang meron at biglang nagpa general meeting ang CEO mismo ng aming kumpanya. 

"Papalitan na raw si Mr. Chan. Iba na ang magiging CEO natin," bulong ni Shiena sa 'kin.

"Sino raw ang papalit?" puno ng kyuryusidad na tanong ko.

Nagkibit balikat na ito at nang magsalita sa aming harapan si Mr. Chan ay hindi ko mapigilang mapaiyak. Mabait at maintindihin na boss si Mr. Chan. Kung susumahin nga ay halos lahat ng empleyado ay kakilala niya na. Mapagbigay siya sa 'kanyang mga empleyado at hindi kailanman naging istrikto. 

Dinig ko ang panghihinayang sa boses ng aking mga ka-trabaho dahil sa sinabi ni Mr. Chan na may kapalit daw siya sa 'kanyang pwesto. Hindi ko maiwasang hindi rin manghinayang dahil kung susumahin ay si Mr. Chan ang perpektong maging CEO ng aming kompanya dahil sa taglay nitong kabaitan.

Akmang magsasalita na sana akong muli kaso biglang nagsalita si Mr. Chan dahilan para sa harapan mapunta ang aking atensyon. "Let me introduce to you. The new CEO and equity shareholder of SunValley Redemption Incorporation. None other than Xannon Clint Altamero!" 

Ramdam ko ang mga luhang pumatak sa aking pisngi nang mabanggit ang pangalan ng lalaking pinakahuling taong nais kong makita. Nananaginip ba ako? Kung oo ay sana gisingin niyo na ako dahil hindi ko siya kailanman nais pang makita.

Hindi ka niya mahal, Catharyn. Si Margaret ang mahal niya at s*x lang ang habol niya sa 'yo noon. Tanggapin mo nalang.

Tila ba huminto ang aking paligid at tanging tibok lang ng aking puso ang naririnig ko. Paanong nandito siya? Sa tinagal tagal ng panahon bakit ngayon ko pa siya makikita kung kailan unti unti ng humihilom ang sugat sa aking puso?

Akala ko limot ko na siya, hindi pa pala.

TO BE CONTINUED 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status