Share

Angel With A Shotgun
Angel With A Shotgun
Author: Roviiie

Prologue: Angel With A Shotgun

Bata pa lang ay pangarap na ni Chase ang makasali sa isang organisasyon kung saan s'ya ay magiging isang ganap na secret agent. Samantalang hindi naman ganoon ang pangarap ni Ezra dahil pag do-doctor naman ang gusto nito.

Kambal man sila ay magkaiba pa rin ang kanilang gusto, pero madalas na iisa lang ang tumatakbo sa kanilang isipan na parang bang nababasa nila ang iniisip ng isa't-isa. Ang pamilyang Mendivel ay kilala dahil na rin sa yaman at nagkalat na negosyo sa bawat panig ng bansa.

      "Ezra, alam naman nating simula bata pa tayo ay pangarap ko na 'to" may inis sa boses ni Chase habang isa-isang inilalagay sa backpack ang mga gamit na dadalhin n'ya para sa unang misyon. 

"Chase, Masyadong delikado 'to! Paano kapag napahamak ka doon!?" Sa inis n'ya ay napakamot nalang s'ya sa ulo nang di-oras at inagaw ang mga gamit na planong dalhin ng kakambal. 

Second year highschool na sila sa isang sikat na paaralan sa siyudad ng Manila. Laking gulat n'yang nakasali na pala ang kakambal sa organisasyong matagal na nitong pinapangarap.

Kaya pala noong nakaraang taon ay hindi ito magkanda-ugaga para sa pag-aaral habang kasabay noon ay ang training sa Black Crystal Revolution. Kung hindi n'ya pa ito nahuli sa aktong pagpunta sa organisasyon ay malamang hindi din sasabihin ni Chase ang tungkol rito. 

Isang linggo na ang nakalipas pero walang Chase ang nakabalik. Puno ng pag-aalala ang pamilyang Mendivel dahil sa pagkawala ng anak. Puno naman ng kaba ang dibdib ni Ezra dahil nangako pa ang kakambal nitong makakabalik pero hanggang ngayon ay wala pa ito.

"Anak, Ezra., wala bang sinabi sayo ang kakambal mo kung saan s'ya pupunta? Alam nating lahat na sayo lang hindi magsi-sikreto si Chase,"

Umiiyak na ang mommy Emerald n'ya habang ang daddy n'ya at ang nakatatandang kapatid na si Shan ay abala sa pakikipag-usap sa mga pulis. 

"Mom-"

Hindi pa man s'ya nakakapagsalita ay may pumasok na dalawang lalaki at napahinto ang daddy n'ya sa pakikipag-usap sa kapulisan. Maging ang mommy n'ya ay doon napunta ang atensyon sa panauhing bagong dating.

Nakasuot ang mga ito ng puting t-shirt at pinatungan ng black leather jacket habang nakapantalon ito ng itim. May suot rin itong itim na sumbrero. Sa tingin n'ya ay nasa mid 30's na ang dalawa. Kung hindi s'ya nagkakamali sila ang kinuhang private investigators ng daddy n'ya para mahanap si Chase. 

"Magandang umaga sa inyo Mr. and Mrs. Mendivel. Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Napag-alaman naming sumali ang anak n'yong si Sanford Chase Mendivel sa Black Crystal Revolution. Ang organisasyong ito ay tumatanggap ng mga request sa ibang tao tulad na lang ng pagliligtas o pagtatanggol sa mga taong nangangailangan. Ang bawat miyembro ang naaatasang gumawa ng misyon. Mahigpit na training ang pinagdadaanan bago tuluyang maging kasapi ng organisasyon. Tumutulong sila sa mga nangangailangan lalong-lalo na sa mahihirap. Nitong nakaraang buwalamang ay naging ganap na kasapi si Chase at nitong nakaraang linggo nama'y ang unang misyon n'ya. Pero sa kasamaang palad may posibilidad na maaaring patay na s'ya.." lintaya ng isang private investigator habang ang isa namang walang mababakas na emosyon sa kaniyang mukha habang nagmamasid. 

Parang libo-libong kutsilyo ang tumarak sa dibdib ni Ezra ng mga oras na 'yon. Para siyang sinampal at nabingi sa narinig.

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha n'ya habang ang mommy n'ya ay nawalan ng malay dahil sa narinig. Umiiyak na sinalo ng daddy n'ya ang ina nito. Habang ang kuya Shan naman n'ya ay nakatulala. Ito ang pinaka masakit na araw para sa mga Mendivel at ito rin ang araw na sana ay ipagdiriwang ni Ezra at Chase ang kanilang kaarawan. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Caraan Alinsunurin Lenard
buhay pa siya matalino siyang bata
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status