Share

CHAPTER 5

(ZAYNAH POV ) 

"Zaynah..."

I'm here again..in the darkness. But there's a light from the east and I badly want to go there but I can't do it. It is like someone's blocking me.

"Be ready my Princess. " 

I opened my eyes then I sighed when the realization hits me. Damn that dream. Simula yata pagkabata ko ay napapanaginipan ko iyon. Hindi ko naman maintindihan. Umalis ako sa kinahihigaan ko at dumiretso na sa banyo. Ilang oras ang ginugol ko para sa sarili ko bago ako matapos. Saka ako lumabas na. 

 "Zaynah?" tawag ni Arriane sa akin.

Napatingin ako sa tumawag sa akin. Napansin kong hindi niya kasama si Haydee. Himalang naghiwalay sila.

"Want to come with us? Mission. " walang paligoy-ligoy na tanong niya at mukhang excited. "Ako ang bahala kay Headmistress." 

Mission? Nasa isang quest ba ako? Napabuntong-hininga ko saka napaisip. What does it feels like when you're in a mission? There's no harm in trying anyway and it's boring so I'll give it a try.

"Okay" maikling sagot ko.

Sumunod ako sa kanya papunta sa opisina ng Headmistress.

"Zaynah you're here."  bungad niya agad pagkapasok ko. I mentally rolled my eyes.

"Obviously." pambabara ko sa kanya. Napasinghap naman silang naroroon maliban sa lalaking pula.

"What takes you here? Do you have any concern? Don't you like your new school?" tanong niya.

"And you know very well the answer to that question" prangkang sagot ko sa kanya. Bahagya siyang natawa at tinitigan lang ako. She's always amused when it comes to me.

"Is it okay if she'll come with us?"  tanong ni Arriane.

"Why not ? Kung kaya niya ay pwede siyang sumama." ani nito. Sumulyap ulit ito sa akin. Siniringan ko naman siya.

"So the Oradon asked for help. Their magic wand is missing. Someone stole it and you need to find it. You only have 5 minutes to prepare." sambit nito. Mabilis na lumabas ang dalawa. Tss. Sumunod kaming natira sa loob.

"Zaynah right? Zach Stanford. Prince of Earth Kingdom and an Earth user elementalist. " pagpapakilala ng isang lalaki.

"Ian Lee sub-elementalist. Thunder. I'm no Prince. Just an ordinary Magiczardnian." Sunod ng isa.

Oh yeah. I forgot that I'm here in this crazy world where magics does exist, and yeah royalties.

"Enough for that. "  singit no'ng pula ang mata.

 "And that's Ace Davids. Prince of Fire Kingdom and a Fire user elementalist. Strongest in the campus. Rank 1 " bulong sa akin ni Zach.

Is that so? Hindi halata. Napangisi ako nang maalala ang ginawang pag-iwas niya ng tingin sa akin. Rank 1 pala ha?

" Zaynah wala ka lang bang dadalhin?" tanong ni Haydee nang matapos silang 'mag impake'. Ilang araw ba ang mission at mukhang outing ang pupuntahan nila.

"Nah it won't kill me. " bored na sabi ko.

Natawa naman sina Zach at Ian sa sinabi ko samantalang napanguso nalang si Haydee at Arriana.

"Are you ready ?" The Headmistress asked. Tumango kaming lahat."Then goodluck." 

We were about to leave when the Headmistress said something.

"Zaynah, you'll surely like a Goddess if you don't have that disguise of yours. Don't hide it dear. " nakangising sabi niya sa akin. 

Damn it! Siniringan ko siya at nanguna na sa paglakad. Kailangan ba talagang sabihin iyon? Asar na inayos ko ang salamin ko.

"Zaynah waaait!" Humabol ang dalawang babae sa akin. 

"Why do you have this kind of mission?" Tanong ko sa dalawa na nagkatinginan.

"The usual reason, to fight the darkness and evils. Hindi na siguro mawawala ang kasamaan sa mundo kay ang pinakamisyon talaga naming mga elementalist ay sugpuin ang kasamaan and that's the Dark Shadows" paliwanag ni Haydee 

" Dark Shadows?" pag-uulit ko.

" Yes, Dark Shadows. Isang uri ng mga masasamang nilalang na nais sakupin at angkinin ang dimensyong ito. Ang dimensyon na pinakamakapangyarihan sa lahat dahil hawak namin ang mga elemento. " dagdag ni Arriane.

"Hindi natin sila kauri, hindi sila Magiczardnians, nagmula sila sa kabilang dimension ng mundong ito." paliwanag ni Haydee. 

" Bakit nasa pangangalaga niyo ang mga elemento?" Tanong ko. Funny how it is, pero heto ako ngayon at curious, tanong ng tanong sa kanila samantalang halos magwala ako sa sobrang inis sa mga pinagsasabi nila dati.

"Dahil ang dimensyong ito ang napili ng gabay ng propesiya. Ang propesiya naman ay siyang hinaharap ng mundong ito. Ito ang magsasabi kung ano ang magaganap, maganda man o masamang balita. At kami ang napiling tagapangalaga ng mga elemento" paliwanag ni Arriane.

Tumango-tango nalang ako. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi nila na hindi ko namalayang kanina pa kami naglalakad at walang pahinga.

"Damn I'm tired!"  Haydee complained.

"Are we almost there? Gosh! I so hate HM, pinaglakad tayo" reklamo din ni Arriane.

"Tumigil nga kayo!" Saway ni Zach sa mga reklamo nila

"Ang aarte niyo!" Segunda ni Ian

"Excuse me?" Napipikon na nameywang si Arriane.

"Daan ka na " pang-aasar naman  ni Ian.

 "Argghhh! " 

I rolled my eyes in frustration.

"Shut up. I don't want to hear any complains and noises coming from all of you"  I said in a very cold tone that made their mouth shut.  Naririndi ako at..

Nakakairita ang tinging ipinupukol sa'min nang mga tarantado. L*tse.

Mabilis akong umiwas nang maramdaman kung may pana na papunta sakin. Gumawa naman ng barrier ang apat dahilan para tumama doon ang sibat. Naging mabilis ang pangyayari at nagsilabasan ang mga wirdong puro nakaitim at nakakadiri ang itsura. Mabilis na umatake sila Arriane sa kalaban na agad namang kumilos din.

"It's the Dark Shadow! Arriane make a barrier for Zaynah. " utos ng lalaking pula.

"Got it Ace" mabilis na sinunod ni Arriane ang utos. 

Ginawan niya ako ng barrier. Yeah I don't have a magic but it doesn't mean I'm useless. I can fight without that magic. 

In the mortal world I used to trained martial arts so I'm used to fight and KILL without any hesitation. Like what I did to that damn kidnappers when they tried to kidnapped me. Nuknukan kasi ng yaman si Auntie at madalas talaga akong pagdiskitahan. Paano ba naman , pumaparada siya na suot-suot ang mga ginto niya. Tapos uuwi ako sa bahay na parang wala lang nangyari. Like as if I was born heartless.

And one thing I hate. I don't want to be protected.

"Remove this barrier Arriane. " malamig na utos ko sa kanya. Napalunok naman siya at halos hindi makatingin sa akin.

" But.. " nag-aalinlangan siyang tumingin sa lalaking pula at sa akin.

" In the count of three. " walang pasensyang ani ko.

"Ugh fine ! Lagot ako" pagsuko niya at mabilis na itinapat ang kamay sa akin kasabay ng paglaho ng barrier.

" Damn Arriane! " Mabilis akong napansin ng lalaking pula. I just rolled my eyes.

"I don't have a choice Ace! She's scarier than you." Arriane immediately defended herself.

Napangisi nalang ako nang sumimangot siya at walang nagawa kundi ituloy ang pakikipaglaban niya sa mga wirdong Dark Shadows. Dark Shadows my ass 

Sunod- sunod na pagpapakawala ng kapangyarihan ang ginawa nila. I guess Dark shadows are strong.  Mukhang nahihirapan sila , sa dami ba naman nila.

"A newbie... "

Napalingon ako. Sandali ko pa siyang sinuri. Kumpara sa iba ay disente siyang tingnan. I guess it's their leader. Pandak ito at maitim. Kulot rin ang buhok nito at may pula na mata, nakakaasiwa din ang pagmumukha pero mas okay na siya kaysa sa iba na nakakakasuka na talaga. Isa pang adik. Napailing ako.

"..and weak." dagdag niya.

Mukhang 'yan ang hindi ko matatanggap. Buong buhay ko, kinailangan kong maging malakas dahil 'yon nalang ang meron ako tapos tatawagin niya akong mahina? Such a big mistake. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya pero nanatili akong kalmado. Pero sa isip ko ay pinapatay ko na siya. 

Limang minuto.

Limang minuto lang hawak ko na ang ulo niya.

"Try me." hamon ko, na-eexcite na mahawakan ang ulo niya. Napahalakhak naman siya. Wala namang nakakatawa.

"At talagang sinusubukan mo ako? Wala kang laban sakin. Baguhan ko lang. At sa isang tingin ko lang alam kong wala kang kapangyarihan!" Pang-iinsulto niya sa akin. Nginisihan ko naman siya.

"So what? Who says I can't fight you? I don't need that to kill you." nakangising sabi ko.

Nagdilim ang paningin niya at inilabas ang espada. Para iyon lang, napikon na. Mabilis na sumugod siya papunta sakin. Mabilis akong umiwas. Paulit-ulit na ganon. Na parang wala ako sa laban dahil para akong nasa Ballet Dance. Seryoso ba 'to?

Hanggang sa nacorner niya ako na hindi naman nagtagal. Umigkas ang paa ko at agad ko siyang sinipa. Malakas na sipa. Napaigik siya nang tumama siya sa puno. Agad akong lumapit at pinaulanan siya nang suntok. Mabilis na umikot ako at sinipa ko siya sa dibdib. Napasuka siya ng dugo. Itim na dugo.

Naalarma ako sa sunod na nangyari nang magpakawala siya ng kapangyarihan. Mabilis akong umiwas at hinablot ko ang isang Dark Shadows na kalaban ni Haydee na kasalukuyang nanlalaki ang mata  na nakatingin sakin. Mabilis ko siyang sinangga sakin at hinablot ang espada niya. Walang buhay na binitawan ko ito matapos tamaan ng magic ng leader nila. I don't know what kind of magic was that, basta maitim siya na bilog.

Mas lalo itong nagalit dahil sa ginawa ko sa tauhan niya.  Hindi ako ang pumatay. Tss. Sobrang dilim na ang anyo ng mukha ko. Naiinip na ako. 

Nagpakawala ulit siya ng magic. Sinangga ko iyon at tinapon pabalik sa kanya na ikinabigla niya. Sa loob ng ilang segundo ay nagawa kong makalapit ulit sa kanya at hinawakan ko siya sa leeg.

"You're fast. " nakuha niya pa akong puriin. Pero sige na nga.

"One wrong move and youre dead." 

He laughed sarcastically.

"And do you think you can kill me?" He asked, underestimating me.

"My pleasure." nakangising sabi ko.

Mabilis siyang umalis sa pagkakahawak ko sa kanya.

I stay cool like nothing happened then he continously attacked me. Like what happened earlier, hindi niya naman inaasahan na ibabalik ko ang bawat tira na ginawa niya. 

Wrong move. Napakatanga mo. Ang laki-laki mong tanga. Napangisi ako ng makitang nanghihina na siya. 

"Don't underestimate me. You know nothing.  " nakangising ani ko.

" Shut up! " galit na sigaw niya.

"Get up. I'm not yet done  " utos ko.

"Sinabing manahimik ka! " mas lalo lang siyang nagalit.

He attacked me again but I grinned that made him stop. 

" DIE " I whispered.

And then I throw the sword at him. With that, he fell on the ground. 

HEADLESS.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status