( ZAYNAH POV)
Bigla kong naimulat ang mata ng makarinig ako ng sunod-sunod na sigawan at maging iyak. Asar na kinuyom ko ang kamao. Hindi na yata ako makakahanap ng katahimikan kahit kailan k*ngina!
"Tama na Miranda! Nasasaktan ako." dinig kong sabi ng isang babae na umiiyak. Kasunod no'n ay narinig ko ang impit na sigaw niya na para bang sinaktan siya.
Napabuntong-hininga ako at tumayo na mula sa pagkakahiga. Saka ko tinahak ang daan papunta sa kinaroroonan ng mga boses.
"You bitch! Ang kapal ng mukha mong humarang sa dinadaanan ko! Who are you to did that to me!?" sigaw ng babae.
How shallow. Nang dahil lang sa dahilan na iyon ay mang-aapak na siya ng ibang tao. I really hate people like them. So childish.
Nang makarating ako ay nakita kong sinasakal niya ang babae na pilit kumakawala sa pagkakahawak niya. Lumapit ako sa kanila at basta ko lang na tinapik ng malakas ang babae dahilan para mabitawan niya ang babae.
"Kung mamimili ka rin lang naman ng kakantiin , ako nalang. Tutal inistorbo mo naman ang pagtulog ko at nandidilim ang paningin ko sayo." malamig ang boses na sabi ko.
"What the hell!? Ang lakas ng loob mong kalabanin ako!" Napaatras ako ng tinulak niya ako. Napangisi naman ako. Saka tumingin ulit sa babaeng hinahabol pa rin ang hininga.
"Ganyan ba talaga kayo? Pinapatulan ang mas mahina sa inyo?" Malamig kong saad at tiningnan ko ulit siya na nanlilisik na ang paningin sa akin.
"Mas mahina ka kung gano'n. Iyon lang ang kaya mo." Nakangisi ko nang sabi sa kanya. Naningkit naman ang mata nito. Ayoko sa lahat ay 'yong may nakikita akong nabubully. At higit sa lahat ayokong may gumagambala sa pagtulog ko.
"How dare you say that ---"
"Just sayin' the truth " Pinutol ko agad siya. Naririndi na ako sa linyang iyan.
Pero nagulat ako sa sunod na nangyari at iyon ang hindi ko pinaka-inaasahan. Mabilis akong nakaiwas sa ginawa niyang iyon. Damn! How did she do that? She smirked. Bagaman nagulat ay hindi ko iyon ipinakita at nanatili lamang akong walang emosyon.
"Don't you dare try to mess with me. " nakangising aniya. Saka niya ibinato lahat ng kutsilyo na hawak niya na bigla nalang lumitaw sa mga kamay niya.
Yeah knives. A hundred of knives. Damn it! Mabilis ko iyong iniwasan. How is it even possible! I don't understand it. Not at all.
K*ngina talaga. Wag lang akong magkakasugat because if I do, darn you bitch. I won't hesitate to k*ll you! I dont care if you have a magic or whatever you call it! Nitong nakaraang araw lang ay grabe ang inis ko tungkol sa mga walang kwentang bagay na pinagsasabi nila. But here I am. I didn't know such thing exist.
I hate to admit it but Magic does exist.
"P-paano mo naiwasan lahat nang iy-yon? " gulat na tanong niya.
"Simple lang... Tanga ang user" sambit ko.
"Get out of my way. " Natigil ako nang may nagsalita sa malamig na boses.
Napalingon ako sa nagsalita at gano'n nalang ang pagsalubong ng kilay ko ng mapansin ko ang mata niya at buhok. Kulay pula. Pero mas kapansin-pansin ang mata niya na walang man lang kaemo-emosyon at malamig ang paraan ng pagkakatitig niya. Sa unang tingin ay nakakatakot ang awra niya. Pero sa paningin ko, mukha siyang adik. But who is he to said that to me? Sarkastiko akong lumingon sa paligid. Bakit dito niya pa piniling dumaan? Sa lawak nang madadaanan baka nga pwede na iyong maging entablado.
Napipika ko siyang tinitigan ulit. Sinamaan niya ako ng tingin na ginantihan ko and in just a matter of second, he looked away. Tss. Napatingin ulit ako sa nagngangalang Miranda. Lumapit ako sa kanya at bumulong.
"Do it again and you'll surely taste the hell. And I'm telling you, I am the living hell." sambit ko.
Saka ko siya tinalikuran. Sandali ko pang tiningnan ang lalaking pula. Such confidence he got.
"Now, you're the one who will get out of my way." I coldly said. Nang hindi siya kumilos ay malakas ko siyang tinabig.
With that, I left. I'm tired. I just want to sleep.
NAALIMPUNGATAN ako sa sunod- sunod na kalabog na narinig ko sa labas. Dali-dali akong tumayo at pabalyang binuksan ang pinto. At doon ko nakita ang dalawa na parehong nakasalampak sa sahig na masama ang tingin sa taong kaharap nila ngayon.
Iyong pula ang mata. Ang adik sa kanto. Mabilis siyang napatingin sa akin.
"Ano ba Ace?! Sinabing natutulog siya! Alin ba doon ang hindi mo maintindihan?Ginamitan mo pa talaga kami ng magic mo------" Napatigil ito nang magsalita ang lalaki.
"She's awake." he simply said. Masama ang tingin nito sakin. Ina-ano ko ba siya? Parang tanga.
"Zaynah----" Naputol ang sasabihin niya nang magsalita ang lalaking pula.
"So Zaynah is your name ? Sa susunod matuto kang lumugar. Hindi mo kilala ang binabangga mo. " Mariing sambit niya.
Kailangan ko ba talagang kilalanin lahat ng nakakabannga ko. Too bad, I'm not interested.
"Okay." walang gana kong sagot. Pagod ako at ayokong makipag-argumento.
Hindi siya nakaimik. Maya-maya lang ay umalis na din siya matapos akong titigan. Napatingin naman ako sa dalawa na nakatunganga. Tinalikuran ko nalang sila at lumabas. Nagugutom ako. Nasaan ba ang cafeteria rito. Lumiko ako sa isa pang pasilyo at doon ko nakita ang cafeteria. What I mean, a restaurant. Hmmm bigtime. Hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil gawa rin ito sa ginto. Siguradong kapag may nakapasok na mortal na tao rito, simot lahat.
Mortal. Funny, nakikimortal na din ako. Pumasok na ako at doon ko nalaman na libre pala ang pagkain. Ngayon lang kasi ako kumain rito. Kung sinuswerte nga naman. Magandang tambayan 'to. Inayos ko ang salamin ko bago lumapit sa food area at kumuha ng pagkain. Saka umupo sa pinakahuling table.
"Mauubos niya ba iyan?"
"Anong kataka-taka diyan. Kita mo naman ang itsura diba? Patay gutom iyan."
Hindi ko pinansin ang kaliwa't kanan na tsismisan. Walang may pake. Masyado ng sanay ang tenga ko diyan. Nagsimula akong kumain. Hmm ang sarap naman ng pagkain dito. Pwede kaya magtakeout ? Napangiwi ako sa naisip ko. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain hanggang sa matapos ako. Nang matapos ay bumalk na ako sa dorm ko.
Mabilis akong napatigil nang pagkabukas ko ng pinto ay parehong natumba ang dalawa. Kunot-noo akong napatitig sa kanila.
"Ah hehe, hinahanap kasi namin ang little monster, nakapasok sa kuwarto natin" Paliwanag ni Arriane.
Palusot.
(ZAYNAH'S POV) "Okay ka lang ba baby?" Napaismid ako. "Hindi, ang sakit na ng tenga ko sa kakadaldal mo." reklamo ko.Narinig ko sa kabilang linya ang matinis niyang tawa. "Time's up dear. Mission accomplished" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Magtatanong pa sana ako pero binagsak na niya ang telepono. Aissh! Naiinis na lumabas ako ng kwarto kasabay ng pagteleport ko pabalik sa kanila. Pero wala na sila. Napalingon ako at do'n ko nakita ang anak ko na patakbong pumunta sa akin. Sinalubong ko ang yakap niya at hinalikan siya sa noo. "Where are they baby? Hmm." I asked. She pouted. Saka siya kumalas sa akin at hinawakan ang kamay ko. Tumakbo siya kaya nagpadala ako. Hanggang sa.... "Happy Birthday, love" Ace greeted me. Napakurap-kurap ako. He's now standing infront of me with a
(ZAYNAH POV)Years later..."Your Majesty, King Zerif wants to talk to you." Nag-angat ako ng tingin sa kanang-kamay ng aking Ama at saka ko siya tinanguan. Mabilis na tinapos ko ang ginagawa ko at sumunod sa kanya.Narating namin ang hardin at nakita ko agad si Ama na nakangiti na sa akin. Katabi niya ang Mama na ngumiti din sa'kin at bumalik na ulit sa ginagawa niyang pamimitas ng bulaklak."Dear I---""I am fully aware of my obligations and responsibility as a heir of your throne, as the reigning Queen. But I told you that I can't make it now. And don't make as an excuse that you're old because you were not. You can still handle the Magiczard with that state of yours. Piece of cake" Pangunguna ko na sa kanya. My father looks amazed then later on he burst with laughter."I understand." sabi niya ng makabawi saka mahina akong tinapik sa balikat. 
(ZAYNAH'S POV)"Anong ibig niyong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Ace sa Hari. A smile crept into his lips as he look at me. Then he wave his hand.Tumambad sa amin ang ilusyon ng propesiya at nakasaad dito na ang nakatakda para sa akin ay si Chris. Mahigpit na hinawakan ni Ace ang kamay ko.Pero nanatili ang paningin ko sa propesiya dahil unti-unting naglaho ang mga letra at napalitan ng katagang hindi ko lubos maintindihan.'A pure and sacred love arises. She , the legend found her mate. Rejoice ! For the new hope is coming. Legend to a legend! 'Naguguluhang napatingin ako ulit sa Hari na may namumuo nang luha sa mata.Saka siya unti-unting ngumiti sa akin. Hindi ko alam pero may umusbong na tuwa sa dibdib ko. Wala akong maintindihan sa nangyayari maging ang sinasabi ng propesiya. Pero ang puso ko, nakaramdam ng saya. Na tila ba naintindihan nito ang nais
(ZAYNAH'S POV) It’s been a month since my life became lifeless. It’s been one month since I last saw him… and give myself to him. Nakatingin lang ako sa kawalan, nakatulala. Pakiramdam ko ay babagsak ako anumang oras. Hindi ko kaya ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Gusto kong umatras. Gustong-gusto kong lumayo dito at maniwala sa sinabi ni Hera sa akin kanina habang inaayusan nila ako. 'Someday you'll have your own fairytale. You'll live happily ever after. Because you deserve to be happy Zaynah. And I promise you that' "Your Majesty, ayos lang po ba ang pakiramdam niyo?" tanong sa akin ng dama. Pilit na tumango ako. Sinalubong naman ako ng Hari at Reyna na may mga ngiti sa labi. "I want to congratulate you in advance, my Princess. Be happy." madamdamin na sabi ng Reyna Ngumiti ako ng pilit. I hope I'll be happy. Today is
(ZAYNAH'S POV) "Nandito na tayo." biglang usal ni Haydee na nasa tabi ko. Hinawi ni Arriane ang mga halaman na nagsisilbing harang sa lugar at do'n tumambad sa akin ang mga lahi ng dwarves at elves. Natanaw ko rin ang mga maliliit na bahay na palagay ko ay siyang tinutuluyan nila. Namangha ako sa ganda ng lugar. Napakalinis nito at ang cute pang tingnan. Sa gilid naman ay may natanaw akong falls at may mga naglalarong mga dwarf at elf do'n. Lahat natigilan sa ginagawa at napako ang paningin nila sa akin. Saka taranta silang nagtitipon at agad na lumuhod sa harapan ko. Nagulat naman ako do'n. "Mahal na Prinsesa. Kinalulugod po namin na nandito kayo. Pasensya na po at hindi kami nakapaghanda sa pagdating niyo." Maya-maya ay usal ng isang matandang dwarf na nasa gitna. Tinanguan ko lang ito sa kawalan ng sasabihin. "Naku, Pinuno. Biglaan lang talaga hehe." Napapakamot sa ulo na s
(ZAYNAH POV)Dahan-dahan na nililipad ng hangin ang buhok ko. Naramdaman ko ang paglapit niya at pagtabi niya sa akin pero hindi ko pa rin siya nilingon.I isolated myself to them. As long as I can, I want to be alone.It's been three days since it happened. Pero sariwa pa din sa akin ang lahat. The scene, the pain, the longingness...it's still here. Deep inside me, to my unfixable heart."It's funny to think how I can make other people happy but I can't even make it to myself." he said. I heard him sigh pero hindi ko pa rin siya nilingon. Hindi ko maiwasang sisihin siya at ang sarili ko kung bakit ganito ang naging kalagayan ko. If he's not a god and If I'm not goddess. Definitely there will never be an us."I'm sorry," bulong niya."Your sorry can't change anything so stop it because it's useless." malamig na tugon ko. Sandaling katahimikan ang namayani sa