Chapter 03

"Hoy nagka-usap na ba kayo ni Gillan?" Tanong sakin ni Maxine.

"Ahm, yes? Greetings lang like hi hello"  sabi ko sakanya.

"Nag tatanong kasi si Gillan about you, kaya na curious ako." Sabi niya at agad ko siya nilapitan.

"Huwag ka magkakamali sa sinasabi mo." Sabi ko sakanya.

"Mas type ko pa si Inigo kaysa diyan kay Syeb." Sabi ko sakanya.

Syeb is attractive but Inigo I don't know, hindi ko talaga alam. I think I like Inigo but I can't see na magiging boyfriend ko siya.

Like best friend lang kami ganon.

"Pero sa'yo siya eh, sayang." Sabi ko sakanya, ayokong mag away kami dahil sa isang lalaki. Napaka immature non

"Huwag ka mag kakamali, joke." Sabi niya saakin.

Kaninang umaga pa nandito si Maxine saamin, dito na rin siya matutulog. Wala kasi mom and dad niya for a week, ayaw niya roon sa bahay nila.

from: gllansyeb

good afternoon.

to: gllansyeb

Good afternoon.

paminsan-minsan ako'y kinakabahan sa mga chats niya, hindi ko rin alam kung bakit.

Hindi maaring magka-gusto ako sakanya dahil mas bata siya ng isang taon saakin, age doesn't matter nga raw. Pero ayoko pa rin sa mas bata saakin.

Bakit nga ba kasi ang attractive ng mga mas bata saamin ng isa o dalawang taon, mga ipinanganak noong 2006 at 2007.

Samantala kaming mga 2005 ay pinagkaitan yata, o ako lang?

"Mukhang napapadalas ang pag-uusap niyo ni Gillan." Sabi niya at ngumiwi lang ako.

"Bakit Gillan ang tawag mo sakanya?" Tanong ko sakanya, curious lang ako.

"Well, iyon ng gusto niyang itawag namin sakanya. Ikaw ba?" Sabi niya at tinanong ako.

"Ewan, hindi ko pa siya natatawag sa pangalan niya." Sabi ko sakanya.

"May iku-kwento pala ako." Sabi ko sakanya at umayos naman kami ng upo sa kama.

Pinatay ni Maxine yung tv, ibinaba nag cellphone niya at umayos ng upo. Tila ba gustong-gusto pakinggan yung iku-kwento ko.

"Nanaginip ako kagabi."

"Na ano?" Tanong niya na curious sa napaginipan ko.

"Ka-schoolmate natin si Syeb, tapos he's the type of student na badboy ganon." Kwento sakanya.

"

Tapos, we're not in good terms. I don't know why. We became close, like super close. Something like we like each other ganon." Nababahalang kwento ko sakanya.

It felt so real talaga.

"Malala na 'yan, napapaginipan mo na siya." Gulat na sabi niya sa sinabi ko.

Hindi ko naman siya gaano iniisip para mapaginipan ko diba?

From: marisse

Sis, chat ka sa gdm.

Agad ako nag online ng marecieve 'yung text ni Marisse. Nag pa-plano pala sila mag meet up sa katapusan.

From: Maxine

Hindi kami sure ni Steph.

Nasa province kami ni Max, it's pandemic pa rin nakakatakot lumabas or mag commute. Wala anman mag da-drive for us, unless willing si tito. Yung dad ni Max, but nakakahiya.

We have house naman in Manila, pero mas gusto pa rin namin dito sa province. May module pa rin kami.

Agad ko minessage yung pinsan kong si Kuya James, he's older than me. He can drive and have a student license.

Pumayag naman siya since may pupuntahan din sila ng barkada niya roon, nag suggest ako na kami na bahala sa Gas at toll fee pauwi basta hihintayin kami.

From: Maxine

G kami ni Steph

Napag planuhan namin na sa Intramuros mag kita-kita, buti nalang ay bukas ang intramuros.

Kinakabahan ako, ayoko sa meet ups. Hindi naman ganon ang itsura ko sa social media, I use filters.

"Excited na ako, mabuti nalang pumayag si James." Sabi ni Maxine saakin.

"Oo, pero balikan lang tayo. If ano, maulit sana maulit." Sabi ko sakanya.

"Ready ka na ba makita si Gillan?" Tanong saakin ni Max.

"Oo naman, bakit hindi?" Tanong ko sakanya. And she answered wala lang.

"We need to buy new clothes, kinakabahan ako. Maganda fashion styles nila." Sabi niya saakin, agad naman siya nag bukas ng shopee account niya at nag hanap.

Agad din siyang umalis sa shopee at nag hanap ng inpiration sa P*******t, hindi ko rin alam isusuot ko sa araw na iyon. Pero gusto ko doon lang ako sa kumportable ako.

From: gllnsyeb

Paano kayo pupunta ni Max dito?

Nagulat naman ako sa chat ni Syeb saakin, bakit kung sabihin ko ba? Wala lang.

To: gllnsyeb

Napakiusapan ko pinsan ko, may gagawin din pala siya around UST. Kaya pumayag siya.

I don't think I need to impress them, my personality is ok na.

From: gllnsyeb

Ahh, ok. Papahatid lang din ako sa mga ate ko.

Nagulat naman ako sa sinabi niya, mga ate? He only need one, maybe protective lang talaga sila.

To: gllnsyeb

Hindi ka naman pwede rin kasi lumabas, anyways tiga saan ka pala?

Hindi naman siguro masama yung tanong ko, after junior high school. Me and Max will move in Manila.

That's our plan, my parents agreed with it. Dito nalang ang ibang family namin sa bahay namin dito sa Nueva Ecija.

"Pinayagan ka na ba nila tita?" Tanong ko kay Max.

"Yes, mabuti nga at pumayag. Let's talk to them tomorrow about that." Sabi niya at tumango naman ako.

Paniguradong papayag sila tito at tita, iingatan naman namin ni Max ang isa't isa. Hindi na rin kami mapaghihiwalay, mukhang mag  kapatid na rin kami.

"Naka kuha na ako ng clothes inspo." Sabi niya at hinanap agad ito sa shopee.

"I'll buy some corduroy pants and a croptop nalang." Sabi niya saakin, ipinakita niya naman saakin yung itsura.

"Ako rin orderan mo, tapos samahan mo nito. Black at red ha." Sabi ko sakanya, idinagdag ko yung flannel and plaid jogger iyong tawag nila doon.

"Anong susuotin mo?" Tanong niya saakin.

"Gray jogger pants, shoes, tank top and flannel." Sabi ko sakanya, I have black flannel here pero gusto ko talaga yung red.

From: gllnsyeb

I saw ur tweet, u like hoodies?

I love hoodies especially when it's raining. Kahit hindi naman malamig I still wear hoodie, sanay na yung katawan ko sakanya.

To: gllnsyeb

Yup, I only have few here but I love it.

Kinabukasan, tinawagan namin ang parents ni Max. Mabuti nalang pumayag sila, pero since it's still pandemic pa raw mabuti na nandito kami sa province.

Nag paalam kami for two weeks vacation there and pumayag naman sila. Ipapahatid kami sa tito ni Max.

From: cool gang (gdm) [Max]

Guys, maybe in third week of July. Nandyan kami sa Manila for a vacation.

From: cool gang (gdm) [Marisse]

Glad to hear that, dito tayo sa condo ko sometimes.

To: cool gang (gdm)

Pwede rin doon saamin.

From: cool gang (gdm) [Inigo]

Mag papakabait na ako para payagan ako.

From: cool gang (gdm) [Azi]

Me too, I'll help na rin sa household chores and gigising ako ng maaga.

Nagtataka ako kung bakit hindi nag rereply si Syeb, pero naka seen naman siya.

From: cool gang (gdm) [Syeb]

Mom and ate's okay with it, basta susunduin ako.

Ayan tayo eh, basta gala tapos strict parents. Uso sunduan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status