Share

Chapter 5

NAPANSIN ni Leigh habang naglalakad siya sa hallway ay hindi maalis ang mga tingin ng mga estudyante sa kanya at kahit saan siya pumunta ay nakasunod ang mga tingin nito sa kanila.

Napakunot ako ng aking noo. May dumi ba ako sa mukha? May bogger ba ako? Hindi naman ako nangulangot para may kumalat o maiwan na kulangot sa mukha ko.

Kinuha ni Leigh ang kanyang panyo at pasimpleng pinunasan ang kanyang mukha pero kahit ganoon ay hindi pa rin maalis ang mga tingin nito sa dalaga. Iginala niya niya kanyang mga mata sa buong paligid at talagang lahat sila nakatingin sa dalaga.

“Ano bang meron sa mukha ko at pinagtitinginan nila ako? Imposible naman sa damit—sabay tingin sa aking suot. –maayos naman ang damit ko. Bakit kaya sila nakatingin sakin? Ano bang problema nila?” naguguluhang tanong ni Leigh sa kanyang sarili na hindi mawari kung ano ba ang nangyayari sa mga taong nasa kanyang paligid.

Halos lahat na kanyang madaanan ay napapatingin sa kay Leigh—kahit saan siya pumaroon ay hindi maialis ang kanilang tingin at talagang sinusundan nila ang dalaga ng mga tingin nila.

“Yikes! Ano ba ‘yan nakakatakot na ang ginagawa nila talo ko pa nito ang may nagawang karumaldumal na krimen o kaya parang napakarumi kong tao sa mga tingin nila,” wika ni Leigh sa kanyang isipan habang tinitignan ang mga taong kanyang madaraanan.

“Don't mind them Leigh maglakad ka na lang,” mahinang saad ng dalaga sa kanyang sarili.

Napailing na lamang ang dalaga at napakuyom ng kanyang kamay. “Yah tama! Maglalakad na lang ako hindi ko na lang sila papansinin.”

At nagpatuloy si Leigh sa kanyang paglalakad na pilit na dinidedma ang mga matang nakatingin sa kanya ngunit naagaw ang kanyang atensyon nang may narinig siyang pagbubulungan.

"Siya ba 'yong sinasabing girlfriend ni Jieun?"

Girlfriend?

Dinig at kitang-kita ni Leigh kung paano pumalatak ang babae sa may gilid ng hallway na halata ang pagkadisgusto sa dalaga.

“‘Di naman pala maganda mukha pang isip bata!" sabi ni babeng kulot na tinatapunan si Leigh nang mapanlait na tingin na may kasama pang pag-irap.

“Aba't? Bitter 'te? Inaano kita?” Sa loob-loob na tanong ni Leigh sa kanyang sarili.

Gusto ni Leigh sagutin ang babae pero iniiwasan niyang masangkot sa gulo lalong-lalo na at isang malaking gulo ang masangkot sa pangalan ng halimaw na kanyang kinatatakutan.

"Christy 'wag kang magsalita ng ganyan baka may makarinig sa ‘yo isumbong ka pa kay Jieun baka ano pa ang gawin niya sa ‘yo,” pag-awat na sabi noong lalaking katabi nito.

"I don’t care! I’m just telling what’s true look. Tignan niyo naman how ugly she is.” Sabay palatak. “Ang pangit niya!" mariing patutsada ng babaeng kulot na mukhang ayaw talaga magpaawat.

Babalewalain na lang sana ni Leigh ang mga pasaring nito ngunit mukhang sinusubukan talaga nag pasensya niya ng impaktitang babae dahilan para hindi niya nagawang mapigilan ang kanyang sarili at sinagot ang mga patutsada ng babaeng impaktita.

"Aba't? Kung makapanlait ka akala mo naman ‘e, kaganda mo naman!” Sabay tinignan ito mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha nito at binigyan ni Leigh ito ng isang ngiwi. “Ikinaganda mo na ba ‘yang makapal mong make-up na para kang siopao na may pula sa gitna sa kumakabog mong red lipstick!” At ibinaba niya ang kanyang tingin papunta sa d****b nito at napapalatak. “Ipinagmamalaki mo na rin ba ‘yan?—” sabay nguso sa d****b ng nagmamalditang babae. “Ilang patong ng foam ang nilagay mo para ma-achieve ‘yang fake na d****b mo para lang bumagay diyan sa damit mo na halos kita na ang kaluluwa!”

Kasabay ng panlalaki ng mga mata ng impaktita ay napasinghap ito na halos mamula na sa galit dahil sa mga panlalit na binibigay ni Leigh sa kanya pero hindi pa doon nagtatapos na panlalait ng dalaga.

“‘Yang buhok mo—” sabay turo sa buhok ng babaeng nasa kanyang harapan. “—parang mais maliban sa wavy na nga ‘e, kinulayan mo pa ng golden yellow! Ano ka? Walking mais? ‘Yang ilong mong 'di naman matangos nilagyan mo lang ng noseline para masabing may ilong ka! Ngayon sino kaya ang mas panget sa ating dalawa ha?" nanggagalaiting tanong ni Leigh na may kasamang panunumbat sa nagmamagandang babae sa kanyang harapan.

Matapos bitawan ni Leigh ang mga salitang iyon sa pagmumukha ng nagmamagandang impaktita; isang malakas na tawanan ang bumalot sa hallway dahilan para mapatingin ang babaeng nilait ni Leigh sa buong paligid na may namumulang mga mukha.

"You bitch! How dare you to make lait me?" galit na galit na sigaw nito at akmang lulusubin si Leigh ngunit mabilis itong nahawakan ng lalaking nasa tabi ng impaktang babae.

"Christy, huminahon ka," awat noong lalaki habang hawak ang balikat nito na nagpupumilit pa ring makalapit kay Leigh.

"No! She make insulto me too much! I can’t let this impaktita just to ruin my image!" sigaw nito at may nanlilisik na mga mata habang dinuduro-duro si Leigh.

“Insulto?” pag-uulit na sabi ni Leigh at nagpamaywang sa harapan ng feeling magandang babae sa kanyang harapan.  “Hoy! Ikaw ang unang nang-insulto tapos ikaw pa ‘tong mukhang agrabyado? Kung makapang-impaktita ka, mas impakta ang pagmumukha mo ‘yan! Lalong-lalo na ugali mo! At para sa kaalaman mo ikaw ang naunang nanlait hindi ako! Kung ayaw mong malait 'wag kang manlait lalo na kung alam mong dehado ka!" gigil na pangaral ni Leigh sa babae sabay pinasadahan nang mapanuring mga tingin mula ulo hanggang paa nito.

Muling nagsitawanan ang mga estudyanteng nakakasaksi sa mala-shooting act na ginagawa nina Leigh at ng babaeng kulot.

"I hate you!" nanggigigil at namumula sabi ng babaeng mapanlait na feeling victim pero ang totoo ay defeated sa kamalditahan ni Leigh.

"I hate you more!" saad ni Leigh na may buong diin at hindi aatrasan na awra ang babaeng kulot sa kanyang harapan.

Nang sa tingin ni Leigh ay hindi na ito lalaban ay tinalikuran niya na ito at naglakad palayo sa lugar na ‘yon at duimiretso na sa kanyang classroom.

Napapalatak si Leigh nang makaupo na siya sa kanyang upuan na may kasamang panliliit ng kanyang mga mata. “Manlalait ka pikon ka rin pala. Mga tao nga naman, mapanlait pero hindi nila tinitignan ang sarili nila kung hindi ba sila kapintas-pintas. Bulag sa sariling kagandahang peke naman. Makaalis na nga lang dito, mga taong tulad nila hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras,” mahina niyang usal.

Muli siyang napapalatak sa labis na pagkadismaya at the same time, palatak na may tagumpay. “Akala mo naman kung sinong maganda nagmukha tuloy siyang katawa-tawa sa kapipilit na maging maganda. Hindi na nga maganda sa pisikal na anyo pati ugali nakikisama,” saad ni Leigh na may nakaramdam nang irita nang maalala niya ang aastahin ng babaeng kulot kanina.

Sa labas ng university,

Dahil sa labis na pagkabagot ni Leigh ay naisipan niyang maglakad-lakad ngunit hindi niya alam kung saan siya pupunta.

"Saan kaya ang—"

Hindi natuloy ang kanyang sasabibin nang biglang may humatak at tumakip sa kanyang bibig. “WT! Anong nangyayari?”

Pilit niyang tinignan kung sino ang humatak sa kanya ngunit hindi niya magawang makita kung sino ito dahil sa may mga suot itong maskara itim.

"Hmm! Hmm!"

Pilit na kumakawala si Leigh sa pagkakahawak ng lalaki ngunit mas malakas ito at kahit anong pwersa ang kanyang gawin ay hindi niya magawang makakawala sa mga hawak nito.

"Bilisan mo na!" saad ng lalaking nasa itim na van.

Shit! Ano ‘to? Saan nila ako dadalhin? Anong ginawa ko para masangkot sa ganito?

Mabilis at buong lakas na hinatak ng lalaking may hawak kay Leigh papunta sa iitim na van at dali-dali itong isinakay doon habang nanatili ang kamay nito na tinatakpan ang kanyang bibig.

Sino ba sila?

Iginala ni Leigh ang kanyang mga mata ngunit wala siyang makita na magbibigay sa kanya ng clue kung sino ang mga taong ito o kung sino man lang may pakana ng lahat ng ito.

“Shit! Sino may gawa nito?” natataranta niyang tanong sa kanyang sarili na pilit na inaalala kung sino ang maaaring gumawa nito sa kanya at isang tao lang naman ang sumagi sa kanyang isipan na nakairingan niya kani-kanina lamang.

Si Walking mais! Siya lang naman ang nakasagutan ko kanina. Maaaring siya ay may kagagawan nito! Pero kailangan ba talagang umabot siya ganito? Anong balak niya sa pagpapadampot niya sa akin?

Gulong-gulo ang isipan ni Leigh nang sandaling iyon at the same time binabalot siya ng kaba at takot sa maaaring gawin ng mga ito sa kanya.

No! Hindi ako pwedeng mamatay!

Ikinumpas niya ang kanyang sarili at pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ng lalaki.

“Hmm! Hmm!”

“Ano ba? Huwag ka ngang malikot!” singhal sa kanya ng lalaking may hawak sa kanya ngunit hindi nagpaawat si Leigh at pilit na kumakawala sa pagkakahawak nito dahilan para maibaling sa kanila ang tingin ng lalaking nasa tabi ng driver seat.

"Pare, ang ingay! Patahimikin mo nga ‘yan!" iritang saad ng lalaking sabay may hinagis na bote sa lalaking may hawak kay Leigh.

Gamit ang isa kamay ng lalaking may hawak kay Leigh ay dinukot nito ang panyo sa kanyang bulsa at binuhos ang laman ng bote sa panyong hawak nito. Matapos noon ay biglang itinakip sa ilong ni Leigh ang panyong binuhusan niya ng likido nasa bote. Akala ni Leigh ay wala lang ‘yon ngunit nang dumikit iyon sa kanyang ilong ay bigla siyang nakaramdam nang kakaiba at habang tumatagal na nalalanghap niya iyon ay nakaramdam siya na unti-unting pagkahilo hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Ano na ba ‘tong nangyayari?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status