Share

Chapter 11

KANINA pa gising si Kenji ngunit nang paggising niya ay hindi niya na nakita si Leigh sa couch.

“Nasaan na kaya ‘yong babaeng iyon?” tanong niya sa kanyang sarili na nakakaramdam na ng gutom nang sandaling iyon.

Gumuhit ang pagsuya sa kanyang mukha dahil kung kailan nagutom siya ay saka naman ito wala sa kanyang tabi lalo na’t hindi pa siya malayang makagalaw lalo na at lagi niyang dala-dala ang IV pole na siyang lalo niyang ikinabanas.

Lumipas pa ang ilang sandali ng kanyang paghihintay nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang k’warto. Napakunot-noo si Kenji nang makita niya ang itsura ni Leigh kung saan balot-balot ang mukha nito na tila isang terorista.

“Bakit ganyan itsura mo?” tanong ni Kenji na may pagkabanas sa kanyang tinig dahil sa nagugutom na ito.

Hindi naman sinagot ni Leigh ang tanong nito imbes inuna niyang tanggalin ang scarf and shades na suot-suot niya bago hinarap ang masungit na si Kenji.

“Dahil sa b’wiset na ito!”

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status