Share

Chapter 7

Author: SleepyGrey
last update Last Updated: 2021-10-17 12:00:00

NABULABOG ang tahimik na pamamahinga ni Kenji nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa para tignan kung sino ito pero hindi ko kilala kung sino ang tumatawag.

Unregistered caller calling...

Napakunot siya ng noo. "Sino naman 'to?" walang kainte-interes na tanong niya sa kanyang sarili.

Pinagmasdan  niya lang ang screen ng kanyang cellphone na halatang walang balak na sagutin iyon na patuloy sa  pag-ri-ring. Hindi rin nagtagal ay natigil din ito. Ibabalik niya na sana muli ang cellphone sa kanyang bulsa nang muli itong mag-ring na siyang ikinairita.

"Makulit din 'tong kumag na ‘to,” banas niyang saad.

Wala siyang nagawa kun'di sagutin ang tawag. Nang i-slide niya ang answer button sa screen ng kanyang cellphone ay isang malakas na boses ang bumungad sa kanya.

"Kenji, Kenji! Haha!" humahagalpak na tawa nito.

Nagsalubong ang dalawang kilay sa pamungad na gin

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • I Hate You, I Love You (Tagalog)   Chapter 12

    “ANO?” malakas na bulalas ni Kenji na may kasamang panlalaki ng kanyang mga mata. “Ayoko!” mariin niyang pagtutol.“Wag ka ng maarte! Umihi ka na riyan at ako na lang ang magtatapon,” sabi ni Leigh sabay abot ng empty shell na parang wala lang sa kanya ang kanyang gagawin.“Ayoko—”Hindi natuloy ni Kenji ang pagtutol nito nang putulin ito ni Leigh. “Mamili ka, tumagal tayo rito dahil sa pagmamatigas mo at sumabog ang pantog mo o iihi ka riyan?” panghahamong tanong ng dalaga.Hindi maipinta ang mukha ni Kenji nang sandaling iyon na kitang-kita ang pagtutol nito sa suhestiyon ng dalaga.“Pero—”“Wala ng pero-pero umihi ka na riyan!” sabal na utos ni Leigh na determinadong paihiin ang binata sa empty shell ng IV fluid.“Go! Umihi ka na,” wika ng dalaga habang nakapamaywangan ito sa harap ni Kenji.Sa kabila nang hindi maipin

  • I Hate You, I Love You (Tagalog)   Chapter 11

    KANINA pa gising si Kenji ngunit nang paggising niya ay hindi niya na nakita si Leigh sa couch. “Nasaan na kaya ‘yong babaeng iyon?” tanong niya sa kanyang sarili na nakakaramdam na ng gutom nang sandaling iyon. Gumuhit ang pagsuya sa kanyang mukha dahil kung kailan nagutom siya ay saka naman ito wala sa kanyang tabi lalo na’t hindi pa siya malayang makagalaw lalo na at lagi niyang dala-dala ang IV pole na siyang lalo niyang ikinabanas. Lumipas pa ang ilang sandali ng kanyang paghihintay nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang k’warto. Napakunot-noo si Kenji nang makita niya ang itsura ni Leigh kung saan balot-balot ang mukha nito na tila isang terorista. “Bakit ganyan itsura mo?” tanong ni Kenji na may pagkabanas sa kanyang tinig dahil sa nagugutom na ito. Hindi naman sinagot ni Leigh ang tanong nito imbes inuna niyang tanggalin ang scarf and shades na suot-suot niya bago hinarap ang masungit na si Kenji. “Dahil sa b’wiset na ito!”

  • I Hate You, I Love You (Tagalog)   Chapter 10

    Nasa kalagitnaan si Leigh ng kanyang pagtulog nang makarinig siya ng pagkatok sa pinto. Napabangon siya sa kanyang pagkakahiga at kinusot ang kanyang mga mata para gisingin ang inaantok niyang diwa dahil sa hindi siya pinatulog ng mga salitang binitawan ng kanyang Tita Hany at maging ng sitwasyon ni Kenji.“Rounds lang po, Ma’am,” sabi ng nurse nang makapasok sa k’warto.“Okay po,” mahinang sagot ni Leigh na patuloy pa rin sa pagkusot ng kanyang mga mata kasabay ang mahabang paghikab.Pupuyos-puyos pa ang mga mata ni Leigh na tinignan ang ginagawa ng nurse na chini-check ang IV fluids ni Kenji at saka isinusulat sa chart na hawak nito.“Ang swerte naman ng boyfriend mo sa ‘yo, Ma’am. Ikaw pa talaga ang nagbabantay sa kanya. Napakasweet niyo naman po,” nakangiti at kinikilig na sabi ng nurse nang humarap ito kay Leigh.“Nagka

  • I Hate You, I Love You (Tagalog)   Chapter 9

    "Halimaw, lumaban ka!" mangiyak-ngiyak na bulong ni Leigh na may labis na pagmamakaawa habang pinagmamasdan niya ang pulang ilaw ng OR. Hindi niya alam kung ano bang nangyayari sa kanya nang mga sandaling iyon. Bakit bigla na lang kakaiba ang nagiging reaksyon ng kanyang katawan sa mga nangyayari kay Kenji. Hindi niya alam ngunit labis siyang nakakaramdam ng takot, pangamba sa kung ano ba ang magiging kalagayan ng binata habang nasa loob ito ng OR. Mamatay ba talaga ito o magiging malala ba ang kondisyon nito? Samu’t saring katanungan ang nagsilitawan sa kanyang utak habang naghihintay sa labas ng OR. Hindi niya nais mamatay ang binata sa ganoong paraan lalo na nang sandaling malaman niya na wala na itong mga magulang ay nilamon siya ng pagkaawa para rito. Iniisip niya na marahil kaya ito nagkaganito ay dahil sa pagkawala ng magulang nito at maarahil kung nabubuhay pa ang mga ito ay siguro malabo humantong ito sa ganito o kaya mangyari ang lahat ng ito sa

  • I Hate You, I Love You (Tagalog)   Chapter 8

    NATAUHAN si Leigh nang biglang nakita niya sa likuran ni Kenji si Zyrus na tumatakbo papalapit sa kanila at may dalang patalim. Ngunit bago niya pa masabihan ang binata ay huli na ang lahat, naramdaman niya na lang ang pagdiin ng katawan nito sa kanyang katawan. Itiningala niya ang kanyang mukha at saktong nakita niya na may pulang likido ang bumahid sa suot nitong uniporme. "Ke-kenji…” mahina niyang usal sa pangalan ng binata. Napatingin si Kenji sa kanya ng ilang segundo bago ito tumayo na tila ‘di man lang iniinda ang saksak sa kanyang likod. Hinarap nito si Zyrus at isang malakas na suntok ang muli niyang ibinigay at sinundan pa iyon ng isa pa at ng isa pa hanggang sa napatumba niya itong muli. "Tarantado!" Pasigaw niyang sabi sabay hugot ng kutsilyo sa kanyang likod at saka ibinaling ang kanyang tingin kay Leigh. "Ayos ka—" Hindi na nito nagawang matapos ang kanyang sasabihin nan

  • I Hate You, I Love You (Tagalog)   Chapter 7

    NABULABOG ang tahimik na pamamahinga ni Kenji nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa para tignan kung sino ito pero hindi ko kilala kung sino ang tumatawag. Unregistered caller calling... Napakunot siya ng noo. "Sino naman 'to?" walang kainte-interes na tanong niya sa kanyang sarili. Pinagmasdan niya lang ang screen ng kanyang cellphone na halatang walang balak na sagutin iyon na patuloy sa pag-ri-ring. Hindi rin nagtagal ay natigil din ito. Ibabalik niya na sana muli ang cellphone sa kanyang bulsa nang muli itong mag-ring na siyang ikinairita. "Makulit din 'tong kumag na ‘to,” banas niyang saad. Wala siyang nagawa kun'di sagutin ang tawag. Nang i-slide niya ang answer button sa screen ng kanyang cellphone ay isang malakas na boses ang bumungad sa kanya. "Kenji, Kenji! Haha!" humahagalpak na tawa nito. Nagsalubong ang dalawang kilay sa pamungad na gin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status