Share

Kabanata 60

Hindi na umimik pa si Kuya hanggang sa tuluyan kaming makauwi ng bahay, alam na nito na kapag sa mga usapang move on agad na siyang tumitigil sa pang-aasar sa akin dahil alam niya na kahit isang taon na ang lumipas hindi ko pa rin matanggap-tanggap ang katutuhanan.

Ang katutuhanan na ang mga mata na lang niya ang tanging naiwan sa akin, wala na siya.

"Mga Apo naka-uwi na pala kayo," saad ni Lola nang maratnan namin ito sa sala ng bahay.

"Good evening La," bati naman ni Kuya na nauuna maglakad sa akin.

"Tamang-tama kakatapos ko lang magluto at pauwi na rin sina Teresa sabay-sabay na tayong maghapunan."

Nagtuloy ako sa paglalakad hanggang makalapit kay Lola. Natapon ang tingin ko sa hawak nitong brown envelope kaya natanong ko ito kung ano iyon.

"Ah itong envelope sa Daddy mo 'to may nagpadala lang nito kanina, nakalimutan ko dito sa sala kaya dadalhin ko na sa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status