Share

Kabanata 53

Nakadalawang hakbang na ako sa palapag ng hagdan paakyat nang maramdaman ko na naman ang mga matang tila nakamasid sa akin, sigurado na akong si Mom iyon dahil siya lang naman ang madalas na nagmamasid sa akin lalo pa kapag pababa at paakyat ako ng hagdan.

Wala si Azon para tulungan ako sa pag-akyat ngayon dahil nag-prisenta ito kanina na sumama sa katulong na mamalengke at ngayon ay hindi pa nakababalik.

"Mom?" pagtawag ko kay Mom dahil nasisigurado kong nasa malapit lang siya.

"W-wala siya may nilakad ang Mom mo," tinig ni Dad ang sumagot.

Hindi ko inasahang si Dad iyon, alam ko naman kasing si Mom lang ang madalas na nagmamasid sa akin.

"Kailangan mo ba ng tulong anak?" Nanlambot ang mga tuhod ko ng marinig ang sinabi niyang iyon.

Tama ba ako ng dinig at tinawag niya akong anak.

Matagal na panahon kong pinakaaasam na maramdaman na ituring niya rin akong anak.

Pilit kong binabalanse ang mga paa ko sa pagkakatayo dahil sa pa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status