"Magaling ka pala, kinilabitan ako sa boses mo, walang'ya nain-love na yata ako sa boses mo Ben," natatawang saad ni Owen sa akin.
"Mas kilabutan ka pa lalo, alam kong g'wapo ako pero hindi ako bakla gago," singhal ko rito saka kami naglakad na palabas.
Tuluyan akong natanggap sa music club na iyon, matatanggihan ba naman nila ako sa ganda ng boses ko baka kahit lalaki kiligin kapag kinantahan ko.
"Bro, pauwi ka na ba dalhin mo na 'tong gamit ko pauwi may practice pa kasi ako." Pabatong ibinigay ni kuya ang bag nito sa akin na mabilis ko namang nasalo, hindi na ako nakatanggi pa dahil matapos niya iyong maibigay sa akin ay agad na rin siyang tumalikod paalis na hindi manlang muna nagpasalamat.
"Kapatid mo si Brent?" gulat na tanong ni Jade sa akin habang pinapanood namin ang papalayo nang bulto ni kuya.
"Oo," tipid kong sagot.
"Siya ang captain ng basketball, bakit hindi ka na lang sa basketball club sumali nandoon naman pala ang kuya mo," saad naman ni Austin pero hindi na ako nakasagot pa dahil wala naman silang alam kung paano kami magturingan ni kuya.
Mula sa malayo ay tanaw pa namin ito hanggang sa makita namin na salubungin nito si Corazon at yakapin. Unang beses kong nakita ang matamis na ngiting iyon ni Corazon na kahit malayo sila ramdam ko ang saya nito, ang matamis na ngiting iyon ay hindi para sa akin kun'di para sa kapatid ko.
Anong ibig sabihin noon?
"Kilala niya si Corazon?" wala sa sariling naitanong ko iyon.
"Si Corazon ay ang shota ng kuya mo," sagot ni Owen.
Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong bag ni kuya matapos marinig iyon, kapag minamalas ka nga naman.
Nu'ng araw na iyon nalaman ko na ang unang babaeng hinangaan ko ay malabo na palang maging akin dahil pag-aari na ng kuya ko.
"Pumayag si Mrs. Tan na magkaroon ng boyfriend ang anak niya?" naitanong ko pa rin iyon.
"Hindi mo ba kilala ang kuya mo? Kapatid mo siya pero wala ka manlang kaalam-alam, top student ang kuya mo rito at sikat na basketball player dito sa school, sigurado kahit sinong ina naman mas pipiliin ang karapat-dapat para sa anak nila, subrang perfect kaya ng kuya mo."
"At matalino pa," pagpapatuloy ni Jade sa sinabi ni Owen.
'Tama nga kayo subrang perfect naman talaga ni kuya dahil siya lang naman ang pinaka-magaling sa paningin ng lahat kahit pa mismong mga magulang namin at sa kaniya naka centro ang atensyon, samantalang ako tila ba isa lamang akong anino na taga-sunod sa kaniya umaasang may makakapansin kahit isa lang.' saad ko iyon sa isip ko na hindi ko na isinatinig pa, wala na rin namang saysay pa.
"Una na ako," nagpaalam na ako sa mga ito na mauuna nang umalis hindi na ako naghintay ng sagot nila at agad nang tumalikod.
Agad na akong nakauwi ng bahay matapos ang ilang minutong ginugol ko sa taxi na sinakyan ko pauwi.
"How was your school Ben?" salubong na tanong ni mom ng makapasok ako ng bahay matapos kong makauwi.
"Ayos pa naman nakatayo pa," pilisopo kong sagot rito na ikinasalubong ng kilay niya.
"Ang kuya mo nasa'n hindi pa ba kayo sabay na umuwi?" Inabot ko kay mom ang dala-dala kong bag ni kuya at tiningnan naman niya iyon bago tinanggap ang inabot ko.
"Ayan ang bag niya, nauna nang umuwi sa may-ari," walang modo ko pa ring sagot saka ko na ito tinalikuran.
Dumiretso na ako sa silid ko at hindi na hinintay pang magsalita ulit si mom para kausapin ako, subrang layo ng loob ko sa mga magulang ko pati na rin sa kapatid ko dahil hindi ko naman ito nakasamang lumaki.
Halos dalawang taon pa nga lang yata akong nakatira sa bahay na ito kasama sila, kaya naman hirap na hirap akong pakisamahan silang lahat.
Sa pudir ni lola ako lumaki simula ng magkaisip ako at lumaki, kaya naman hindi ninyo ako masisi kung bakit hindi ko magawang tratuhin ng maayos ang mga magulang ko, kung paano dapat tratuhin ng isang anak ang kanilang mga magulang.
Simula ng magkaroon ako ng muwang sa mundo wala akong ibang hiniling kung hindi ang maransan ang buhay na may kumpletong pamilya na nakakasama sa tahanan ngunit ipinagkait nila sa akin ang pagkakataong iyon.
Abala sa trabaho sina mom at dad kaya si lola ang nag-alaga sa akin, simula noon.
Ngunit nakakapagtakang si kuya nga nagagawa nilang alagaan pero ako hindi, bukod tanging ako lang naman kasi ang pinaalagaan nila kay lola habang si kuya ay nakakasama nila sa isang bahay kaya kahit si kuya hindi ko rin magawang kilalanin ang ugali dahil lumaki akong hindi ito kasama.
Sa murang isipan ko, minsan ko nang naitanong sa sarili ko,
'si kuya lang ba ang mahal nila?'
'si kuya lang ba ang anak nila?'
'bakit si kuya lang lahat ang napagtutuunan nila ng pansin?'
Kung ang simpleng mga bata noon ay walang ginawa kung hindi ang maglaro at magsaya, ako hindi, dahil sa mura kong edad wala akong ginawa kung hindi ang magtanim ng sama ng loob sa mga magulang ko kasabay ng inggit sa sarili kong kapatid.
Hindi ninyo ako masisi dahil kahit isang beses hindi ko manlang kasi naranasan na tumira sa isang bahay noon kasama sila at masasabi kong isa kaming pamilya, dahil kahit si dad hindi ko rin maunawaan na tila ba sa tuwing nakikita ako nito parang isang pagkakamali na nabuhay ako sa mundong ito.
Iyon ang hindi ko maunawaan, kahit katiting manlang sanang pagmamahal mula kay dad ay tila mahirap pang makuha ng isang tulad ko.
Simula pagkabata ay lumaki ako sa piling ni lola, ipinaramdam nito sa akin na kamahal-mahal rin akong anak, ngunit kahit na ibuhos pa siguro ni lola sa akin ang buong pagmamahal niya ramdam kong hindi iyon sapat dahil kulang na kulang iyon, ang pagmamahal mula sa mga magulang ko ang tanging pinakahahangad kong maramdaman, hindi nila ako pinabayaan dahil naibibigay naman ni mom lahat ng gusto ko kahit hindi nila ako nakakasama ngunit lingid sa kaalaman nilang hindi iyon ang nais ko.
Hanggang sa nasanay na lamang akong hindi na umaasa pa na maramdaman iyon mula sa kanila, nabuhay ako sa sama ng loob habang ang inggit ay tuluyang namahay sa buong pagkatao ko, 'yung inggit na kahit pinipilit kong kalimutan hindi ko magawa, 'yung inggit na unti-unti akong pinapatay.
Sino ang hindi maiingit kung si kuya ay minamahal nila habang ako ay hindi.
Sino ang hindi maiinggit kung si kuya nakikita kong may mga bagong mga gamit samantalang ako wala.
Sino ang hindi maiingit kung si kuya ay nakakakain ng masasarap na pagkain samantalang ako hindi.
Sino ang hindi maiingit kung umpisa pa lang ginawa mo na ang lahat upang ipagmalaki rin nila ngunit hindi pa rin naging sapat.
Ramdam ko ang hirap, ngunit alam kung hindi nila iyon mauunawaan. Sinubukan kung makakuha ng matataas na marka baka sakaling maipagmalaki nila ako ngunit kahit anong subok ko kulang pa rin upang mapantayan ko ang galing ni kuya, kulang na kulang ang 90 porsiyentong marka ko kumpara sa 98 porsiyentong marka ni kuya.
Noong araw ng graduation ni kuya sa elementary nandoon ako, pinanood ko siyang sinasabitan ni dad ng medalya sa taas ng intablado bilang valedictorian at nakita ko ang saya nina mom at dad na makita ang mga medalyang nakasabit sa leeg na iyon ni kuya, gusto kong maging masaya noong araw na iyon ngunit inggit pa rin ang nanaig sa akin umaasang sana ganoon din nila ako ipagmalaki.
At nang dumating ang araw din ng aking pagtatapos wala kahit isa man sa mga ito ang dumalo upang saksihan ang araw ng aking pagtatapos, tanging si lola lang ang naroon pilit akong pinapasaya dahil kahit papaano top 2 ako, wala sina mom upang batiin manlang sana ako.
Lumuluha ako noon sa harap ng hapag habang nakahain ang mainit-init pang pansit na inihanda ni lola para sa akin, pilit kong kinain iyon upang hindi naman masayang ang hinanda niya para sa akin, habang puno ng hinanakit ang nasa loob ko na wala kahit isa man ang dumalo sa araw na iyon para sa akin.
Nang tumungtong ng high school ay tuluyan ko nang binago ang sarili ko, hindi ko na kailangan ng mataas na marka wala namang matutuwa roon, simula noon kinuha na ulit ako nina mom kay lola at tumira na ako kasama nila sa malaking bahay na parang hindi ko rin naman kilala ang mga nakatira kahit pa pamilya ko pa sila, hindi na ako nakaramdam pa ng tuwa roon dahil sanay naman na akong mabuhay na wala sila.
Binago ko ang lahat sa akin ginagawa ko ang gusto ko na alam kong ikagagalit nila, nawala ang respeto ko sa mga magulang ko, pagbubulakbol na lang lagi ang alam kong gawin wala naman na akong silbi para saan pa at mag-aaral.
Noong araw na iyon sinabi ko sa sarili ko na pagod na ako, pagod na akong gawin ang lahat para lang ipagmalaki nila, pagod na akong maghangad ng pagmamahal kung alam ko namang hindi ko mararamdaman pa.
MAHIGPIT ang mga kamay ni Mom na nakahawak sa braso ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa visiting area ng kulungan para puntahan ang nais naming makita. Dama ko ang kaba sa mga kamay niyang iyon na tila ba takot rin siya sa posibleng mangyari kapag nakita na niya ang mga taong naging dahilan at muntik nang masira ang buhay niya pati na ang pamilya niya noon.Pinanatili ko ang pagiging kalmado ko dahil ayaw ko na mag-alala pa si Mom sa akin kahit ang totoo ay kahit ako mismo ay kinakabahan rin.Kasama namin si Dad na pumunta ngayon sa kulungan dahil sa kahilingan ko kagabi.Makalipas ang saglit na paglalakad ay narating namin ang lugar kung saan p'wedeng bisitahin ang mga priso, walang ibang tao sa lugar maliban lang sa isang lalaki na nakasuot ng orange na t-shirt na siyang kausuotan ng mga bilanggo.Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapatitig sa mukha ng lalaking iyon na masasabi
Hindi na umimik pa si Kuya hanggang sa tuluyan kaming makauwi ng bahay, alam na nito na kapag sa mga usapang move on agad na siyang tumitigil sa pang-aasar sa akin dahil alam niya na kahit isang taon na ang lumipas hindi ko pa rin matanggap-tanggap ang katutuhanan.Ang katutuhanan na ang mga mata na lang niya ang tanging naiwan sa akin, wala na siya."Mga Apo naka-uwi na pala kayo," saad ni Lola nang maratnan namin ito sa sala ng bahay."Good evening La," bati naman ni Kuya na nauuna maglakad sa akin."Tamang-tama kakatapos ko lang magluto at pauwi na rin sina Teresa sabay-sabay na tayong maghapunan."Nagtuloy ako sa paglalakad hanggang makalapit kay Lola. Natapon ang tingin ko sa hawak nitong brown envelope kaya natanong ko ito kung ano iyon."Ah itong envelope sa Daddy mo 'to may nagpadala lang nito kanina, nakalimutan ko dito sa sala kaya dadalhin ko na sa
After 1 YearAng kirot sa puso ko ay walang pinagbago kung paano ito paulit-ulit na nangungulila kay Corazon, kahit isang taon na ang nakalilipas ay tila ba kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon. Nangungulila ako sa mga yakap niya sa akin. At pinakananais kong marinig muli ang mga pangaral niya sa akin, mga payo niya sa kung ano ba ang tama at kailangan kong gawin.Ngunit ngayon kahit maghintay pa siguro ako buong buhay ko para lang bumalik siya ay sadyang napakalabo na dahil tuluyan na siyang naroon sa lugar kung saan matatagpuan ang totoong pahinga.Isang taon na ang lumipas at hindi ko sasayangin ang mga susunod pa dahil si Azon ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng pagasa sa ikalawang pagkakataon noong ibigay niya sa akin ang mga mata niya. Hindi ko sasayangin ang ibinigay niya sa akin at kahit wala na siya magpapatuloy ako na tanging siya ang inspirasyon.Nag-aral ako ulit at kinuha ang cour
Sadyang napakadaya ng tadhana, wala ba akong karapatan para maranasan ang sayang nais ko, bakit ganito katindi ang sakit matapos ang pansamantalang saya."Aking pinakamamahal, paano ko ngayon tutuparin ang mga pangarap natin kung mag-isa na lang ako, napakadaya mo Azon, sana kung gusto mong umalis tinanong mo manlang ako kung gusto kong sumama," umiyak kong sambit habang pinapanood ko ang puting kabaong niyang unti-unti nang pumapailamin sa lupa."Hindi ko na kinakaya ang sakit, paano kita kalilimutan? Bigyan mo ako ng lakas upang magpatuloy dahil hindi ko na kaya mahal." halos bulong sa hangin ko nang sinambit iyon sa kabila pa rin ng pag-iyak.Nagsimula nang manlambot ang tuhod ko kaya hirap na hirap man akong gawin ay pilit kong binitawan ang tangkay ng puting rosas na hawak ko para itapon sa ibabaw ng kabaong niya. Kasabay ng pagbagsak ng rosas na iyon sa kabaong ay siya ring tuluyang pagbagsak ko sa lu
"Si Azon kumusta siya, asan siya Mom?" magkasunod kong tanong kay Mom dahil hindi naman nito sinagot ang tanong ko kanina."Kailangan ko siyang makita matagal kong hinintay na makakitang muli, Kuya dalhin mo'ko sa kaniya." Sunod na pakiusap ko kay Kuya, ngunit ang ipinagtataka ko ay bigla na lamang nawala ang saya ng mga ito.Pinanood ko silang tatlo nina Mom at Dad na magpalitan ng tingin na tila ba sa paraang iyon nagagawa nilang makapag-usap.Tuluyang lumabas ang doctor at iniwan kami kasabay noon at binalot ang silid ng nakabibinging katahimikan ng wala isa man sa mga ito ang nakasagot sa tanong ko.Gusto ko pa sanang muling tanungin sila ngunit hindi ko na naituloy nang biglang may bumukas ng pinto ng silid dahilan para mapalingon kaming apat sa pumasok.Si Mrs. Tan iyon na labis kong ikinagulat kung bakit naririto siya.Ngunit bago pa man ako matuwa na makita ang dati kong g
Marahan kong minulat ang mga mata ko at labis na pagkamangha ang namuhay sa loob ko ng mga sandaling ito dahil unti-unting sumisilay sa akin ang liwanag na labis kung ipinagtaka.'Bumalik na ba ang paningin ko?' pagtataka kong naitanong sa aking sarili.Natagpuan ko ang sarili ko na nakatayo sa hindi ko malamang lugar, napakaliwanag ng paligid ngunit wala manlang akong makita na kahit ano.Walang gamit o kahit ano pa man pawang liwanag lang ang nakikita ko.Pilit kong inuunawa kung nasaan kaya akong lugar, bakit ganoon kadaling bumalik ang paningin ko?Bakit nawala bigla iyong sakit sa ulo ko?Bakit nasa ganitong lugar ako at walang makita isa man sa pamilya ko.Sa kabila ng pagtataka kong iyon ay bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob at labis na natuwa dahil hindi lang pala ako mag-isa sa lugar na ito.Hindi kalayuan ay natanaw ko si Azon na n