"Gusto mo ng gummy bear?" masigla kong alok kay Corazon nang salubongin ko ito papasok ng aming silid.
Nakasanayan ko na ang bumili ng mga gummy bear na ito, dahil masarap naman kahit papaano.
"Umagang-umaga naninira ka ng araw ko," masungit nitong tugon saka lang ako nilagpasan.
"Bakit ba napakasungit mo pagdating sa'kin, 'diba nga dapat nagpapakitang gilas ka sa pamilya ng boyfriend mo," sinabayan ko ito sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa upuan niya.
"Alam mo mr. gummy bear kung dapat man akong magpakitang-gilas — hindi sa'yo 'yon." Pinandilatan pa ako nito ng mata.
"At bakit naman hindi kapatid ako ng boyfriend mo, ako pa ang magsasabi sa magulang namin kung gaano ka kabait, pero sa tingin ko hindi ka pasado sa kanila." Napahawak ako sa baba ko at umakto na parang nag-iisip.
"Bakit ba napaka kulit mo layuan mo nga ako p'wede ba." Naitulak ako nito ng marahan sa balikan saka ito naupo sa silya niya sa unahang iyon.
"Pag naghiwalay kayo ni kuya ako na siguro ang pinakamasayang tao sa araw na iyon, ewan ko lang kung may mas isusungit ka pa." Tumawa ako rito ng nakakaluko ngunit inis itong pinanlisikan ako ng mata.
Kung sakali man talagang mangyari ang araw na iyon subra akong matutuwa dahil baka doon may pagasa na ako sa'yo Corazon.
"Gummy bear for you, enjoy." Inilapag ko na ng kusa sa desk ng upuan niya ang isang plastic na may lamang gummy bear, alam ko naman kasing hindi niya iyon tatanggapin kaya iniwan ko na.
"Ang gummy bear na 'to ay kasing kunat ng pagmumukha mo!" Tatalikod na sana ako ngunit sinigawan ako nito.
Muli ko itong nilingon habang may ngiti sa mga labi ko.
"Kasing kunat man iyan ng pagmumukha ko, ngunit sinasabi ko sa'yo, masarap ako." mabilis na kindat ang ginawa ko na ikinatigil niya, hindi na ito nakapagsalita pa habang pigil na pigil naman ako ng tawa.
Ang inisin siya sa araw-araw ay para bang nagbibigay sa akin ng lakas ng katawan, sapat na sa aking mapansin niya ako kahit sa paraan lang ng pang-aasar sa kanya.
Mabilis na akong tumungo sa sarili kong upuan, mabuti na lang at kaming dalawa pa lang ni Corazon ang nandito sa silid kaya walang mga kamag-aral na mangangantiyaw sa amin.
Ang oras ay muling tumakbo ng mabilis, tapos na ang unang klase namin kay Mrs. Tan sa subject na Filipino kaya naman may ilang minuto kami para makapag recess.
"Corpuz!" papalabas na sana ako ng silid na iyon nang ikinagulat kong tawagin ako ni Mrs. Tan habang nakaupo pa ito sa unahan.
Tanging kaming tatlo na lang ng anak nito ang naiwan sa silid na iyon matapos magsilabasan ng iba.
Tanging paglingon lamang ang ginawa ko rito at hindi na nagsalita, sunod na napatingin ako sa mga papel na hawak nito iyon ang mga papel namin sa pagsusulit na ginawa kani-kanina lang.
Marahan akong lumapit kay Mrs. Tan dahil mukhang may gusto itong sabihin sa akin, matapos kong makalapit sa mesa kaharap niya ay siya namang paglapit ni Corazon sa amin.
"Nabanggit ni Cora sa akin na kapatid mo pala si Brent, bakit hindi mo kaya gayahin ang kapatid mo. Naging istudyante ko na rin kasi ang kuya mo at madalas siya ang nangunguna sa klase, pero ikaw Benny anong meron sa'yo nakita ko ang mga grades mo mula sa pinaggalingan mong school puro pasang awa ang mga marka mo, pati sa mga pagsusulit natin hindi ka manlang nakakakuha ng mataas." Tumingin pa ito sa hawak n'yang mga papel.
Ikinabagsak ng mga balikat ko matapos marinig iyon sa guro, hindi ko akalaing mapupuna pa nito ang mga marka ko dati.
"Kulang ka lang sa tiyaga iho, bakit hindi mo kaya gawing inspirasyon ang kuya mo napakatalino niya, mag-aral ka rin ng mabuti upang maabot mo rin ang kaya niya," dagdag pa ng guro.
Napatingin ako kay Corazon na kasalukuyang nasa harapan ko at nakatingin din sa'kin, pilit akong ngumiti bago nagsalita.
"Sinubukan ko na po ang lahat para lang mapantayan siya simula pa noon kung alam n'yo lang, at pagod na po ako," saad ko habang pinipilit pang 'wag maging malungkot ang tinig kong iyon upang hindi nila mahalata ang sakit na nararamdaman ko sa loob ko.
Akala ko dati ang pagkumpara ng magulang sa anak niya ang pinakamasakit ko nang maririnig, ngunit may mas isasakit pa pala, ngayong narinig ko mismo mula sa ibang tao na ipagkumapara ako sa sarili kong kapatid.
Bakit ba hindi na lang nila tanggapin na magkaiba kami ni kuya —magkaibang-magkaiba.
Pasensya ito lang naman ako eh.
Sunod na akong lumabas ng silid matapos ang mga sinabi ko, pansin kong ipinagtaka nila ang inasta ko ngunit hindi ko na siguro kailangan pang magpaliwanag.
Nawalan na ako ng gana upang pumasok sa susunod na klase ko, nagpasya akong tumungo sa music room dahil alam kong doon ako makakahanap ng katahimikan, bukas ang silid na iyon kaya kahit anong oras pwedeng p'wede ako pumasok dahil miyembro na ako ng music club.
Walang katao-tao sa silid na iyon ng makapasok ako, wala ring ingay dahil sarado lahat ang mga bintana. Maliwanag ang buong silid kaya nagpasya akong libangin na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtugtog ng gitara ng may makita ako sa tabi.
Naka sounds proof ang silid na ito iyon ang alam ko, pinasadya siguro iyon upang kahit anong ingay dito sa loob walang maiistorbong klase sa labas.
Paulit-ulit akong tumugtog ng gitara hanggang sa nagsawa na ako, kaya napahiga na lamang ako sa malamig na sahig at dinama ang katahimikan ng buong paligid ko, hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako.
"Hey wake up." Nagising ako sa tinig na iyon na gumigising sa akin, kaya naman marahan kong iminulat ang mata upang alamin kung sino iyon.
Mukha ni Corazon ang humangad sa akin habang nakaluhod ito sa sahig upang pantayan ako.
"Lunch break na, bakit hindi ka pumasok sa klase. Natulog ka lang ba rito buong oras?"
Hindi ako sumagot sa tanong nito, bumangon lang ako mula sa pagkakahiga at saka naupo.
"Sorry." Ikinagulat ko ang paghingi nito ng tawad sa'kin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tiningnan ko siya sa mata ngunit wala akong makita na kahit anong reaksyon doon sunod noon ay naupo rin ito sa sahig hindi naman malayo sa p'westo ko.
"Sorry for what?" pagtataka kong tanong.
"Sorry if na-offend ka sa sinabi ni mama sa'yo kanina, wala naman kasi akong makitang ibang dahilan kung bakit bigla ka na lang hindi pumasok sa klase."
"Tsk." Napangisi ako sa sinabi nito, sa unang pagkakataon ngayon lang siya nakitungo sa akin ng hindi nagsusungit. Ngayon ko lang nakita ang mukha nito na hindi nakasalubong ang mga kilay dahil sa inis.
"Hindi na bago sa akin na ipagkumpara ako kay kuya, totoo naman kasi kaya sanay na ako sa ganoon."
"Sanay ka na pala pero bakit nagpapa-apekto ka pa rin, masanay kang 'wag masaktan iyon ang dapat mong gawin alam ko at alam mo sa sarili mo na magkaiba kayo ni Brent, just accept the fact, you're just like that iyan lang ang kaya mo hindi mo kailangan pilitin na gawin ang mga bagay para lang pantayan ang kuya mo, magkaiba kayo."
Para bang hinaplos ang puso ko sa mga sinabi nito, mga salitang ipinaunawa sa akin na kailangan ko na lang tanggapin at huwag nang magpa-apekto sa mga naririnig dahil iyon ang pinaka mabuting gawin.
"Bakit bumait ka bigla anong nakain mo?" sunod na tanong ko rito habang natatawa, sunod noon ay sumalubong na naman ang kilay niya.
"Ayaw mo bang maging mabait ako?"
Napailing ako. "Haha biro lang sana maging mabait ka na lang parati," natatawang saad ko pa.
"Alam kong may problema ka nakita ko iyon sa mga mata mo kanina, gusto ko sanang tanungin ka pero alam ko namang hindi ka handang mag-kwento kaya hindi ko na lang itatanong." Tumayo na ito mula sa pagkakaupo niya at sunod na dinampot ang bag.
"Wala ka bang gagawin mamaya?" tanong na nito habang nakatayo na sa harapan ko, pag-iling na lang ang sinagot ko ibig sabihin ay wala.
"Pakatapos ng klase mamayang hapon, sumama ka sa gig namin masaya do'n malilibang ka." walang emosyong saad nito upang alukin ako, hindi na ito naghintay na magsalita pa ako at nagsimula nang maglakad papalabas.
"Sandali!" tinawag ko siya dahilan kaya napatigil ito sa paglalakad at muling humarap sa akin.
"Kung sakali bang handa na akong mag-kwento makikinig ka ba?" nahihiya man ay naitanong ko pa rin iyon sa kaniya, dahil sa totoo lang kailangan ko talaga ng isang taong handang makinig sa mga sakit na tinitago ko sa loob ko.
Hindi ko inaasahang ngingiti si Corazon sa akin matapos ang tanong kong iyon, isang matamis na ngiting pinakananais kong makita, isang ngiti mula sa kanya para sa akin.
"Kung handa ka nang mag-kwento 'wag kang magdalawang isip lapitan ako, handa akong makinig." Nakangiting sabi niya at matapos noon ay agad na ulit itong tumalikod at tuluyang lumabas ng silid na iyon.
Naiwan akong naka tanga sa kawalan, pilit kung pinapaniwala ang sarili ko na totoo nga ang ngiting iyon, ngumiti na sa akin si Corazon.
Kahit isang beses wala pang kahit isa ang nakinig sa lahat ng problema ko sa buhay, wala kahit isa ang nagpalakas ng loob ko ngunit...
Noong araw na iyon may isang tao ang nagsabi sa akin na handa siyang makinig kung sakaliang handa na akong mag-kwento.
MAHIGPIT ang mga kamay ni Mom na nakahawak sa braso ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa visiting area ng kulungan para puntahan ang nais naming makita. Dama ko ang kaba sa mga kamay niyang iyon na tila ba takot rin siya sa posibleng mangyari kapag nakita na niya ang mga taong naging dahilan at muntik nang masira ang buhay niya pati na ang pamilya niya noon.Pinanatili ko ang pagiging kalmado ko dahil ayaw ko na mag-alala pa si Mom sa akin kahit ang totoo ay kahit ako mismo ay kinakabahan rin.Kasama namin si Dad na pumunta ngayon sa kulungan dahil sa kahilingan ko kagabi.Makalipas ang saglit na paglalakad ay narating namin ang lugar kung saan p'wedeng bisitahin ang mga priso, walang ibang tao sa lugar maliban lang sa isang lalaki na nakasuot ng orange na t-shirt na siyang kausuotan ng mga bilanggo.Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapatitig sa mukha ng lalaking iyon na masasabi
Hindi na umimik pa si Kuya hanggang sa tuluyan kaming makauwi ng bahay, alam na nito na kapag sa mga usapang move on agad na siyang tumitigil sa pang-aasar sa akin dahil alam niya na kahit isang taon na ang lumipas hindi ko pa rin matanggap-tanggap ang katutuhanan.Ang katutuhanan na ang mga mata na lang niya ang tanging naiwan sa akin, wala na siya."Mga Apo naka-uwi na pala kayo," saad ni Lola nang maratnan namin ito sa sala ng bahay."Good evening La," bati naman ni Kuya na nauuna maglakad sa akin."Tamang-tama kakatapos ko lang magluto at pauwi na rin sina Teresa sabay-sabay na tayong maghapunan."Nagtuloy ako sa paglalakad hanggang makalapit kay Lola. Natapon ang tingin ko sa hawak nitong brown envelope kaya natanong ko ito kung ano iyon."Ah itong envelope sa Daddy mo 'to may nagpadala lang nito kanina, nakalimutan ko dito sa sala kaya dadalhin ko na sa
After 1 YearAng kirot sa puso ko ay walang pinagbago kung paano ito paulit-ulit na nangungulila kay Corazon, kahit isang taon na ang nakalilipas ay tila ba kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon. Nangungulila ako sa mga yakap niya sa akin. At pinakananais kong marinig muli ang mga pangaral niya sa akin, mga payo niya sa kung ano ba ang tama at kailangan kong gawin.Ngunit ngayon kahit maghintay pa siguro ako buong buhay ko para lang bumalik siya ay sadyang napakalabo na dahil tuluyan na siyang naroon sa lugar kung saan matatagpuan ang totoong pahinga.Isang taon na ang lumipas at hindi ko sasayangin ang mga susunod pa dahil si Azon ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng pagasa sa ikalawang pagkakataon noong ibigay niya sa akin ang mga mata niya. Hindi ko sasayangin ang ibinigay niya sa akin at kahit wala na siya magpapatuloy ako na tanging siya ang inspirasyon.Nag-aral ako ulit at kinuha ang cour
Sadyang napakadaya ng tadhana, wala ba akong karapatan para maranasan ang sayang nais ko, bakit ganito katindi ang sakit matapos ang pansamantalang saya."Aking pinakamamahal, paano ko ngayon tutuparin ang mga pangarap natin kung mag-isa na lang ako, napakadaya mo Azon, sana kung gusto mong umalis tinanong mo manlang ako kung gusto kong sumama," umiyak kong sambit habang pinapanood ko ang puting kabaong niyang unti-unti nang pumapailamin sa lupa."Hindi ko na kinakaya ang sakit, paano kita kalilimutan? Bigyan mo ako ng lakas upang magpatuloy dahil hindi ko na kaya mahal." halos bulong sa hangin ko nang sinambit iyon sa kabila pa rin ng pag-iyak.Nagsimula nang manlambot ang tuhod ko kaya hirap na hirap man akong gawin ay pilit kong binitawan ang tangkay ng puting rosas na hawak ko para itapon sa ibabaw ng kabaong niya. Kasabay ng pagbagsak ng rosas na iyon sa kabaong ay siya ring tuluyang pagbagsak ko sa lu
"Si Azon kumusta siya, asan siya Mom?" magkasunod kong tanong kay Mom dahil hindi naman nito sinagot ang tanong ko kanina."Kailangan ko siyang makita matagal kong hinintay na makakitang muli, Kuya dalhin mo'ko sa kaniya." Sunod na pakiusap ko kay Kuya, ngunit ang ipinagtataka ko ay bigla na lamang nawala ang saya ng mga ito.Pinanood ko silang tatlo nina Mom at Dad na magpalitan ng tingin na tila ba sa paraang iyon nagagawa nilang makapag-usap.Tuluyang lumabas ang doctor at iniwan kami kasabay noon at binalot ang silid ng nakabibinging katahimikan ng wala isa man sa mga ito ang nakasagot sa tanong ko.Gusto ko pa sanang muling tanungin sila ngunit hindi ko na naituloy nang biglang may bumukas ng pinto ng silid dahilan para mapalingon kaming apat sa pumasok.Si Mrs. Tan iyon na labis kong ikinagulat kung bakit naririto siya.Ngunit bago pa man ako matuwa na makita ang dati kong g
Marahan kong minulat ang mga mata ko at labis na pagkamangha ang namuhay sa loob ko ng mga sandaling ito dahil unti-unting sumisilay sa akin ang liwanag na labis kung ipinagtaka.'Bumalik na ba ang paningin ko?' pagtataka kong naitanong sa aking sarili.Natagpuan ko ang sarili ko na nakatayo sa hindi ko malamang lugar, napakaliwanag ng paligid ngunit wala manlang akong makita na kahit ano.Walang gamit o kahit ano pa man pawang liwanag lang ang nakikita ko.Pilit kong inuunawa kung nasaan kaya akong lugar, bakit ganoon kadaling bumalik ang paningin ko?Bakit nawala bigla iyong sakit sa ulo ko?Bakit nasa ganitong lugar ako at walang makita isa man sa pamilya ko.Sa kabila ng pagtataka kong iyon ay bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob at labis na natuwa dahil hindi lang pala ako mag-isa sa lugar na ito.Hindi kalayuan ay natanaw ko si Azon na n