Share

Kabanata 42

ABALA ang mga pulis sa mansiyon na iyon simula nang dumating sila roon. Wala na silang inabutan pang mga buhay na tauhan ng lider ng sindikato. Tanging katawan lang ng mga ito na wala nang buhay ang kanilang nakita at ang mga magulo at sira-sirang bahagi ng mansiyon.

Nang libutin nila ang buong lugar at nang ituro ni Detective Lee ang mga tagong kuwarto doon nila nadiskubre ang mga ilegal na armas at ang mga droga na maingat na itinatago ng sindikato. Makakatulong pa ang mga iyon na maging dagdag na ebidensya upang mas lalong madiin at mahuli ang sindikatong matagal nang hindi mahuli-huli.

Wala na silang naabutan pa sa itinuro ni Ashtear na opisina ng boss nila dahil tanging mga gamit nalang ang naiwan doon at walang kahit na anumang bakas ang naiwan para maging pagkakakilanlan kung sino ba talaga ang boss ng Crying Ladies.

Hanggang ngayon ay palaisipan iyon sa kanila dahil ayon na rin kay Ashtear ay walang nakakakilala sa mukha ng kanilang boss kundi si Gary lamang at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status