“Damn! Alam niya namang delikado rito! Ihahatid pa niya ang sarili niya kay kamatayan!” inis na inis na sabi ni Major Rosales nang marinig ang sinabi ni Gary na papunta na ang anak niya kung saan ang kinaroroonan nila ngayon. Kung kaya’t nagmamadali saying nag-dial ng numero ng kanyang anak upang ito’y matawagan niya at mapigilan ngunit hindi ito sumasagot. Kung kaya’t naibato niya nalang ang two way radio na hawak dahil sa tindi ng kanyang inis.Nag-concentrate nalang siya sa pagiging alerto sa paligid dahil baka anumang sandali ay matunton na siya ng mga kalaban.MABILIS na nakapasok ang anak ni Major Rosales sa loob ng mansiyon na walang manlang katakot-takot. Suot niya ang kanyang pulang mahabang bestida na tinernuhan niya ng itim na sombrero. Sinong mag-aakala na ang kanyang pakay pala sa islang iyon ay ang makitang mamatay si Zierelle at ang babae nitong pinili sa halip na siya? Ito palang ang unang lalaking tumanggi sa kanyang kagandahan at iyon ang pinakaayaw niya sa lahat—an
abanata 70“ANONG ibig mong sabihin? Huwag kang magmataas sa akin sapagkat isa ka lang batang yagit dati na inampon ko! Subalit nag-alaga lamang pala ako ng isang ahas!” sagot ng Colonel.“Puwes ang yagit na ito ang tatalo sayo. Hindi mo ba matanggap? Ang oras na yatang ito ang tamang oras upang makapagpasalamat ako sa lahat ng pagsasanay na ginawa mo. Sinanay mo lang pala ako upang kalabanin ka at masugpo ang sindikatong dati ay nag-alaga sa akin sa marahas na pamamaraan,”“Kung nalaman ko lang ng mas maaga, sana’y hindi na kita pinapasok pa sa serbisyo,” nagtagis ang mga bagang nito nang mapagtantong tila siya ay naloko.“I pity you, Colonel. Hindi pa sana huli ang lahat para sa inyo ni Gary basta’t mangako kang sasama ka sa amin ng maayos,”“Naloloko ka na ba?! Hinding-hindi ko iyan magagawa dahil wala sa bokabularyo ko ang pagsuko sa kahit na sinuman! Lalong-lao na sayo! Kung gayon wala na akong magagawa kundi ang patayin ang kapatid mo!?”“Kuyaaaaa!!!!” nahintakutang sigaw sa kan
"Gwynette! Gwynette!” sa araw na iyon ay isang tinig ang maririnig. Mula iyon sa isang dalagitang halos hindi na makahinga dahil sa impit na pag-iyak na naglalakad sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Aligagang palakad-lakad sa kalsada at halos mabangga na niya ang mga taong nakasasalubong niya.Mapapansin ding wala siyang suot na tsinelas o anumang sapin sa paa dulot ng mabilisang pagtakbo o paglakad.Pagod na pagod na siya. Kanina niya pa hinahanap ang kanyang kapatid. Hindi na niya alam kung saan ito hahanapin. Nagkasugat sugat na rin ang kanyang paa dahil sa mahigit na isang oras na ring paghahanap.Ano nalang ang sasabihin niya sa kanyang ina pag-uwi sa bahay mamaya? Paano niya sasabihin ditong nawawala ang kanyang kapatid?Dahil na rin sa matinding pagod ay napahinto siya sa plaza ng kanilang bayan. Napaupo siya sa isang bench na naroon. Magpapahinga muna siya roon sandali pagkatapos ay muli niyang hahanapin ang ka
“Sinabi ko na kasing tahimikkkkkkkk! Silence! Keep quiet!!!!!!” halos umalingawngaw sa loob ng silid-aralan ang tinig ni Gabrielle nang mga oras na iyon.Umagang-umaga ay nabadtrip agad siya dahil nadatnan niya ang kanyang mga estudyanteng nagkakagulo. May nagbabatuhan ng mga nilamukos na papel at mayroong nagsasabunutan. Nang marinig ng mga ito ang kanyang sigaw ay awtomatikong napahinto ang lahat sa kabalustugang ginagawa nila ngunit sa kasamaang palad pagkatapos ng limang segundo ay bumalik din ang mga ito sa kaguluhang ginagawa.Dahil sa naramdaman niyang parang walang epekto ang kanyang pagsigaw, minabuti niya nalang na awatin ang kanyang dalawang estudyante na nagsasabunutan. Siya na ang pumagitna sa dalawa. May mga pagkakataong siya na ang nasasabunutan ng mga ito ngunit mapapalampas niya pa iyon ngunit…..Nagimbal ang lahat nang biglang siya ang maitulak ng isa sa mga estudyante niyang nakikipag-away at bumagsak siya sa sahig dah
“Hindi mo ba alam na mahigpit na ipinapatipad ngayon sa buong bansa ang curfew?And that was the law you don’t abide. Kaya sa ayaw mo man at sa gusto, sasama ka sa akin sa presinto at doon ka nalang magpaliwanag,”Tiningnan ni Gabrielle at tinantiya ang ekspresyon ng pulis habang sinasabi iyon. Kaseryusohan ang mababanaag niya sa mukha nito.Patay! Kaya naman pala wala manlang akong makitang ibang tao. May curfew pala. Ang eng-eng ko talaga ngayong gabing ito! Nakakahiya!Kapag nadampot siya para mapunta sa kulungan, ano nalang ang sasabihin ng mga kakilala niya lalo ng mga kasamahan niya sa pagtuturo pati ng mga estudyante niya? Nakakahiya iyon lalo pa’t isa siyang guro pero hindi siya marunong sumunod sa batas na ipinapatupad.Kahit sabihin man niya sa lalaking kaharap niya ngayon na dahil sa kalungkutan niya at sa dami ng iniisip nawala na sa isipan niya na may curfew. Police officers won’t believe that lame excuse. They are after of the laws to
"What is this again, Ms. Rodriguez!?” ang tinig ng kanilang punongguro ng umaga ding iyon ay tila kulog na dumadagundong sa kanyang pandinig. Ipinagdarasal na nga lang niya na sana’y kainin siya ng lupa nang mga oras na iyon dahil sa kahihiyan.Napadako ang kanyang tingin sa isang police na pilit na nga niyang iniiwasan pero heto at natunton pa siya at nasa paaralan pa. Pinipilit lang nitong pigilan ang mga pilyong ngiti na unti-unting gumuguhit sa mga labi nito. Para sa kanya iyon ang isa sa mga nakakainis na gawain ng isang lalaki.Nasa harapan silang lahat ngayon ng kanilang punongguro. Nakaupo siya sa pang-isahang upuan samantalang ang dalawang pulis naman ay sa isang mahabang upuan nakaupo. Kalmado lang ang police na katabi ng police na aksidenteng nahalikan niya sa sementeryo. Mabuti pa nga ang katabi nito mukhang magalang at mabait samantalang iyong police na iniiwasan niya mistulang isang agila na handa na siyang dagitin anumang oras para dalhin sa alan
HINDI na niya malaman ang kanyang gagawin matapos ang pag-uusap nilang iyon ni Grechelle. Napakarami nitong sinabi sa kanya tungkol sa buhay nito at dahil sa mga nalaman niya dumiretso siya kaagad sa police station ng kanilang bayan. Wala na siyang pakialam kung magkikita na naman ulit sila doon ng aroganteng pulis. Ang importante ngayon sa kanya ay ang kinabukasan ng kanyang estudyante at hustisya para sa kakambal nito.Dumiretso siya sa main desk at sinabi niya ang mga nalalaman niya.“Maam, kamusta at napadalaw ka? Nais mo bang dalawin si Chief?” sarkastiko ang ngiti ngayon ng isang lalaki na nakaharap na niya sa paaralan.Napaangat ang isa niyang kilay. “Puwede ba, hindi ang arogante at sarkastiko ninyong Chief Zierelle ang ipinunta ko rito. Kundi narito ako upang magreport,” napalakas na ang kanyang pagkakasabi dahil sa inis.“I just heard my name, so I went out,” maya-maya pa’y nasa harapan na niya ang
KANINA pa nila hinahanap si Gabrielle at si Grechelle ngunit hindi nila ito makita. Wala na ring tao sa bahay ng mga ito. Kaya napagdesisyunan nilang taluntunin ang masukal na daan. Nagkikislapan ang mga dala nilang flashlights upang makita sa dilim ang mga hinahanap nila.Hanggang sa may marinig siyang isang sigaw sa di kalayuan. Nakilala niya kaagad na ang tinig ay nagmumula kay Gabrielle.“Move!” hindi na niya malaman kung pasigaw o pabulong ang sinabi niya basta’t ang alam niya lang ay naigalaw niya ang kanyang kamay upang magbigay hudyat sa kanyang mga kasamahan kung saan dapat pumwesto. Nagkukumahog siya ng mga panahong iyon at nag-aalala siya sa maaaring mangyari sa estudyante ni Gabrielle lalong-lalo na rito.Hindi nagtagal ay narating nila ang pinanggagalingan ng mga sigaw at nadatnan nila na hawak na si Gabrielle ng isang lalaking may hawak na patalim. Nakalagay sa may leeg ni Gabrielle ang patalim at segundo lamang o minuto ay maaari na it