Sa labis na kagustuhan ni Gabrielle na mabawasan ang guilt sa pagkawala ng kanyang kapatid ay sinikap niyang gawin ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang mga estudyante lalo na at buhay na ng mga ito ang nakataya. Para sa kanya, wala nang mas lulungkot pa sa naging buhay niya. Walang pamilya. Mag-isa. Miserable. Hanggang sa dumating sa buhay niya ang isang lalaki sa katauhan ni Zierelle Montefalcon. Hindi niya alam kung biyaya ba ang pagdating nito sa buhay niya o isang pagkakamali. Pagkakamali, kung hahayaan niya ang kanyang sariling tanggapin ito sa buhay niya at umasa siyang mayroon ulit siyang taong maaasahan sa tabi niya. Sa ilang taong namuhay siya nang mag-isa, natuto na siyang walang ibang inaasahan pa kundi ang sarili lamang niya. She became an independent woman as she wanted to be. But fate interfere. Some things won't go as planned. Namalayan na lamang niya ang kanyang sarili na unti-unti nang nanghihina ngunit sa isiping nasa tabi niya lang ang lalaki ay nanatili siyang malakas at natuto siyang magtiwala na tutulungan siya nitong hanapin ang kapatid niya. How about the boy with yellow umbrella? Patuloy niya itong inaalala dahil naroon ito sa tabi niya noong mga panahong nawala ang kapatid niya. Pagkakatiwalaan niya kaya ang isang aroganteng police officer para mahanap ang dalawang taong matagal na niyang hinahanap? How will she find them when her only clue is.... That summer...the rain pours.
Узнайте больше"Gwynette! Gwynette!” sa araw na iyon ay isang tinig ang maririnig. Mula iyon sa isang dalagitang halos hindi na makahinga dahil sa impit na pag-iyak na naglalakad sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Aligagang palakad-lakad sa kalsada at halos mabangga na niya ang mga taong nakasasalubong niya.
Mapapansin ding wala siyang suot na tsinelas o anumang sapin sa paa dulot ng mabilisang pagtakbo o paglakad. Pagod na pagod na siya. Kanina niya pa hinahanap ang kanyang kapatid. Hindi na niya alam kung saan ito hahanapin. Nagkasugat sugat na rin ang kanyang paa dahil sa mahigit na isang oras na ring paghahanap. Ano nalang ang sasabihin niya sa kanyang ina pag-uwi sa bahay mamaya? Paano niya sasabihin ditong nawawala ang kanyang kapatid? Dahil na rin sa matinding pagod ay napahinto siya sa plaza ng kanilang bayan. Napaupo siya sa isang bench na naroon. Magpapahinga muna siya roon sandali pagkatapos ay muli niyang hahanapin ang kanyang kapatid. Hindi niya na rin maintindihan ang sariling mararamdaman nang mga panahong iyon. Napakatindi ng sikat ng araw ngunit heto siya at tila nilalamig na nangangatog ang mga tuhod. Ang sobrang kaba na nararamdaman niya nang mga oras na iyon ay walang katumbas sa kabang hatid sa kanya ng mga palo ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito. Maraming mga katanungan ang naiisip niya nang mga oras na iyon. Paano kung hindi niya mahanap ang kanyang kapatid? Dahil sa mga isiping iyon ay napayuko siya at niyakap ang sariling mga tuhod habang hindi na napigilan ang kanyang mga masaganang luha sa pagpatak. Nasa ganoong sitwasyon siya nang maramdaman niyang may pumapatak na tubig sa kanya na nagmumula sa itaas. Nagtaka siya dahil tag-init noong mga panahong iyon pero bakit mayroong ulan? Hinayaan nalang niya na mabasa siya ng ulan. The rain became her comfort in her sorrow that day. Tila nakikisimpatya ang ulan sa nararamdaman niyang takot at pangamba. Maya-maya pa’y naramdaman niyang hindi na pumapatak ang ulan sa kanya kaya dulot ng pagtataka ay napaangat siya ng tingin----ang inaasahan niya’y tumigil na ang ulan ngunit nagulat siya sa kanyang nakita. Isang binatilyo na kasing-edad din niya ang nakatayo ngayon sa kanyang harapan na may dalang kulay dilaw na payong at nakahandang proteksyunan siya laban sa ulan. “Nakapagtataka…” ang tanging nasabi lang nito at ngumiti sa kanya.Sa gitna ng malakas na pag-ulan nakipagtitigan siya sa lalaking ni minsan man ay hindi na niya nakilala pa…abanata 70“ANONG ibig mong sabihin? Huwag kang magmataas sa akin sapagkat isa ka lang batang yagit dati na inampon ko! Subalit nag-alaga lamang pala ako ng isang ahas!” sagot ng Colonel.“Puwes ang yagit na ito ang tatalo sayo. Hindi mo ba matanggap? Ang oras na yatang ito ang tamang oras upang makapagpasalamat ako sa lahat ng pagsasanay na ginawa mo. Sinanay mo lang pala ako upang kalabanin ka at masugpo ang sindikatong dati ay nag-alaga sa akin sa marahas na pamamaraan,”“Kung nalaman ko lang ng mas maaga, sana’y hindi na kita pinapasok pa sa serbisyo,” nagtagis ang mga bagang nito nang mapagtantong tila siya ay naloko.“I pity you, Colonel. Hindi pa sana huli ang lahat para sa inyo ni Gary basta’t mangako kang sasama ka sa amin ng maayos,”“Naloloko ka na ba?! Hinding-hindi ko iyan magagawa dahil wala sa bokabularyo ko ang pagsuko sa kahit na sinuman! Lalong-lao na sayo! Kung gayon wala na akong magagawa kundi ang patayin ang kapatid mo!?”“Kuyaaaaa!!!!” nahintakutang sigaw sa kan
“Damn! Alam niya namang delikado rito! Ihahatid pa niya ang sarili niya kay kamatayan!” inis na inis na sabi ni Major Rosales nang marinig ang sinabi ni Gary na papunta na ang anak niya kung saan ang kinaroroonan nila ngayon. Kung kaya’t nagmamadali saying nag-dial ng numero ng kanyang anak upang ito’y matawagan niya at mapigilan ngunit hindi ito sumasagot. Kung kaya’t naibato niya nalang ang two way radio na hawak dahil sa tindi ng kanyang inis.Nag-concentrate nalang siya sa pagiging alerto sa paligid dahil baka anumang sandali ay matunton na siya ng mga kalaban.MABILIS na nakapasok ang anak ni Major Rosales sa loob ng mansiyon na walang manlang katakot-takot. Suot niya ang kanyang pulang mahabang bestida na tinernuhan niya ng itim na sombrero. Sinong mag-aakala na ang kanyang pakay pala sa islang iyon ay ang makitang mamatay si Zierelle at ang babae nitong pinili sa halip na siya? Ito palang ang unang lalaking tumanggi sa kanyang kagandahan at iyon ang pinakaayaw niya sa lahat—an
NAKITA na nilang lahat ang mansiyon na nakatayo sa gitna ng isla. Habang nasa laot sila ay nakita na nila sa kanilang largabista ang ilang mga tauhang nakabantay sa labas ng mansiyon. Kaya’t upang hindi kapansin-pansin ang kanilang pagdating sa islang iyon ay lumampas sila sa naturang mansiyon at dumaan sila sa malayo-layo at likurang bahagi ng isla. Kung bibilangin nasa bente rin silang lahat dahil dumagdag pa ang dalawang babaeng kasama nila-sina Zyph at Grechelle. Gabi na rin nang makarating sila sa islang iyon kung kaya’t ipinasya na lamang nila na mag bonfire muna habang nagpaplano kung paanong pagsugod ang gagawin.Nang makagawa na sila ng bonfire pumaikot sila doon. Nagustuhan ng lahat ang atmosphere lalo na ng dalawang babae habang nagbabatuhan silang dalawa ng mga buhangin. Nakita rin nila kung gaano ka-enjoy ang dalawa habang nagtatampisaw sa tubig-dagat.“Masaya sana kung narito lang tayo upang mag-relax,” napabuntunghiningng wika ni Brent.“Pero hindi, may misyon tayong d
Ang mga kaganapan ilang oras bago makipagkita si Detective Lee at ang mga tauhan nito kay Zierelle…WALANG inaksayang panahon si Zierelle dahil naalala niya dati ang usapan nila ni Gabrielle pagkatapos na maligtas ito mula sa mga kidnappers. Nagflashback ang lahat sa isipan niya.“Gab, palagi mong buksan ang location sa phone mo ha. Iyong GPS ba para kahit saan ka magpunta puwede kitang ma-track,” nakangiti niyang sabi sa babae.“Oo naman, sabi mo eh,” ngumiti rin sa kanya pabalik si Gabrielle habang sinunod nito ang utos niya. Dahil sa isiping iyon ay dali-dali siyang nagpunta sa kanilang headquarters upang humingi ng tulong sa dalawang kasamahan kung saan expert si Julian sa ganoong field. Mabuti na nga lamang at mabilis na naging maayos ang kalagayan ng dalawa matapos magtamo ng sugat na kagagawan ni Colonel Rolando Narciso. Nang makarating siya doon ay humahangos pa siya dahil sa sobrang pagmamadali niya kanina. “Julian!” biglang tawag niya at sigaw rito.“Napano ka chief?” nagm
NAKARAMDAM si Gabrielle nang sobrang pagkahilo habang lumalapag ang sinasakyan nilang chopper. Hindi kasi talaga siya sanay na sumakay sa mga ganitong uri ng sasakyan dahil tiyak na kung hindi siya mahihilo ay masusuko siya at iyon ay ayaw niyang mangyari noon ngunit gusto niyang mangyari ngayon upang masukahan niya si Gary upang kahit papaano ay makapaghiganti siya mula rito. Ngunit sa mga pagkakataong iyon ay tila kay damot ng tadhana. Ni hindi nga siya nasusuka kapag sa mga panahong nasusuka siya. Ba’t ba naman kasi ayaw makisama ngayon ng kanyang sikmura kung saan handa na siyang sukahan ang isang taong karapat-dapat naman talagang masukahan!“Gary, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo sa amin ng Ate ko? Hindi ka ba marunong maawa? Sa lahat ba ng mga pagsubok na napagdaanan mo ay hindi mo pa rin kayang baguhin ang sarili mo?” pangongonsensya ni Gwyn kay Gary.“Manahimik ka!” sita ni Gary kay Gwyn sabay sampal dito. Hindi naman makapalag si Gwyn dahil hawak-hawak siya ng dalawang l
"GARY!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ano ba! Saan mo ba kami dadalhin!?” reklamo ni Gwyn habang sapilitan silang pinapaakyat sa chopper. Nang pasadahan niya ng tingin ang mga lalaking kumakaladkad sa kanila kanina ay mga bagong mukha at tanging si Gary lang ang kakilala niya.Patunay lamang nito na dumarami na ang tauhan ni Colonel Rolando Narciso. Kahit na maraming nalalagas ay marami rin namang handang pumalit at dumagdag sa mga tauhan nito.“Walanghiya ka, Gwyn! Naturingan ka pa namang kanang kamay ni Colonel ngunit niloloko mo lang siya! Handa ka na palang isuplong kami pinatagal mo pa!” at pagkatapos sabihin iyon ni Gary ay ubod lakas niyang sinampal si Gwyn.Nakita naman ni Gabrielle ang ginawang iyon ni Gary sa kanyang kapatid kung kaya’t agad na nag-init ang kanyang ulo.“Hoy! Huwag na huwag mong padadantayin iyang kamay mo sa kapatid ko dahil nakasisiguro talaga ako na ako ang makakatapat mo!” sigaw ni Gabrielle habang pumapalag. Hindi naman siya makalapit nang ganoon kabilis dahil hindi na
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Комментарии