Share

Kabanata 47

“GAB, anong ibig mong sabihin?” halos malaglag ang panga ni Ashtear nang itanong iyon sa kanya habang hawak hawak pa rin nito ang larawan nito noong bata pa ito. Nakuha niya iyon sa sling bag ni Zierelle. Marahil iyon ang mga ebidensya na nakuha nito laban sa mga Crying Ladies ngunit hindi pa agad nito naihatid sa police station.

“Ash, kung ano ang nakikita mo ngayon ay iyan ang katotohanan. Maaari mo bang sabihin sa akin ang lahat ng nalalaman mo?” buo na ang loob niya na alamin ang lahat ng tungkol sa nakaraan ni Zierelle kung iyon lang ang makakatulong para muling bumalik sa kanya ang kapatid niya.

Tumingin muna ito kay Julian na nasa di kalayuan. Bantay-sarado ito ni Julian dahil alam nilang lahat na kahit saan ay naghihintay sa kanila si kamatayan kung hindi sila magiging maingat.

Sa palagay nga niya ay dapat din siyang mag-ingat ngunit hindi na niya iyon naisip pa at iniwan niya nalang nang dali-dali ang natutulog na si Zierelle.

“Okay, Gab. Ano ba ang mga gusto mong malaman?”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status