Share

Chapter 4: Buknoy

Iris

Paglabas ko ng banyo ay naririnig kong nag-ring ang cellphone ko. Kaya dinampot ko ito sa lamesa habang kinukusot ang buhok ko.

Kumunot ang noo ko ng makita kong si Devron ang tumatawag. Agad ko'tong sinagot dahil baka importante ang sasabihin.

"Baby, finally sinagot mo na ang tawag ko. Alam mo bang nakaka-sampu na akong tawag sa' yo pero 'di mo pa rin sinasagot. Ano bang pinagkakaabalahan mo?"

"Naligo ako. Bakit ka na naman ba tumawag. Ibaba ko talaga 'to kung mambi-bwisit ka na naman sa akin," banta ko pero tawa lang niya ang narinig ko sa kabilang linya.

"Easy, may ipapakuha lang ako sa cabinet mo. Kaya pumunta ka na at buksan mo 'yon." Pag-utos niya na agad ko namang sinunod. Pagbukas ko ng cabinet ay napasimangot naman ako dahil wala naman akong makitang kakaiba.

"Tatamaan ka talaga sa akin, Devron. Walang nakalagay dito sa cabinet ko."

"Meron, diyan sa ilalim ng damit mo. Iangat mo lang tapos may makikita kang envelope na puti may nakalagay na card diyan."

Sinunod ko naman ang pinapaggawa niya, pag-angat nga ng mga damit ko ay may envelope akong nakita at kinuha ito. Nang buksan ko ito ay may parang isang ATM na card at may nakaukit na pangalan dito.

Iris Montecillo

"Sino si Iris Montecillo. Baka nagkamali ka lang ng bigay sa akin. Hindi-" Pinutol niya agad ang sinabi ko at nang marinig ko ang paliwanag niya ay halos umusok ang ilong ko.

"'Yang card na 'yan para sa'yo talaga. Binigay ko 'yan sa'yo para makapangdagdag sa pangarap mong magtrabaho sa ibang bansa."

Kaya pumikit ako nang mariin at malakas na bumuntong hininga. Ramdam ko ang panggigigil ng ngipin ko dahil sa sinabi niya.

"Devron Montecillo, ilang beses kong sinabi sa'yo na tama na ang pagtulong sa akin?! Una, binilhan mo ako ng sobrang mahal na sasakyan, pangalawa itong black card ang binigay mo sa akin."

"Alam mo? Hindi ko tatanggapin 'tong card na'to, ka-" Pinutol niya ng mabilisan ang sinabi ko nang magsalita siya ng seryoso. Ayoko mang aminin pero nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya.

"Iris De Vega, sa oras na hindi mo tanggapin 'yan... hindi ko itutuloy ang plano nating dalawa. Ikaw bahala kung tatanggapin mo 'yan o tatanggihan pero may isang mawawala sa'yo. Alam mo naman kung ano 'yon, 'diba?"

At doon ay napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Mas lalong uminit ang ulo ko nang maalala ko kung ano ang pinangako ko sa kaniya noon. Hindi ko na namalayang wala na pala siya sa kabilang linya.

Kaya marahas kong binaba ang cellphone ko at kinuha ang black card na ibinigay niya. Kulang na lamang ay mapiyaot ito dahil sa higpit ng pagkakahawak ko.

Hindi ko aakalaing ito ang magiging daan para may maipangblack-mail siya sa akin. Matagal kong pinagkakatitigan ang hawak ko at napangisi na lamang.

Wala na akong choice kundi tanggapin ito. Dahil sa oras na hindi ko matanggap ay mawawala lahat ng ipinaplano ko. At tama nga si Devron, makakatulong 'to sa akin lalo na sa pangarap ko.

Pagkatapos ng mahabang pagde-desisyon ay naisipan ko munang lumabas para magpahangin. Hangga't maaari ay iiwasan ko muna ang stress sa katawan ko.

Kaya nagpunta na ako sa kwarto ko at nagsimula na ng mag-ayos sa sarili. Basta kinuha ko na lamang ang gray jogger ko at white t-shirt. Piniyuran ko na rin ang buhok ko hanggang bewang para hindi ako mainitan.

Nang makuntento na ako sa suot ko ay dere-deretso na akong lumabas sa bahay. Paglabas ko ay napangiti na lamang ako at napaunat ng braso.

"Hi, kumusta na ang pakiramdam mo? Maayos na ba? Magaling na ba ang mga sugat mo?" Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ng lalaking 'yon.

Napataas na lamang ako ng kilay ng makita ko ang kabuuan ng mukha niya, I mean nakita ko naman kahapon. Pero mas naging malinaw dahil natatamaan ng sinag ng araw ang mukha niya.

Masasabi kong gwapo nga siya. Ang itim niyang mata na bumagay sa makapal niyang kilay. Napatingin naman ako sa matangos niyang ilong, at ang panghuli ay ang labi niyang naka-ngiti.

Nang mapagtanto ko kung anong ginagawa ko ay mabilisan kong iniwas ang paningin ko at nagkunwaring umubo. Gusto kong sapukin ang sarili ko dahil sa ginawa ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bakit pinagkatitigan ko pa ang lalaking tumulong sa akin. Ano nga ulit pangalan nitong lalaki na'to.

Kaya mariin kong kinuyom ang noo ko sabay pikit ng mata. Alam kong effective itong ginagawa ko dahil kapag nalilimutan ko ang isang bagay, ay ito ang paraan para maalala ko ito.

"Santino De Dios Buenavista ang pangalan ko."

At doon ay nagbalik sa isip ko ang pangalan niya. Binuka ko ang bibig ko kahit nakapikit pa ako, alam ko pa ring maririnig niya ako.

"Si Santino Buenavista ka 'diba?" Paninigurado ko pero nakalipas ang segundo ay wala akong nakuhang sagot sa kaniya. Kaya minulat ko ang mga mata ko.

Halos mapamura ako ng halos magdikit na ang ilong naming dalawa, halos maduling na rin ako dahil sa lapit ng mukha niya. Nagulat na lamang ako ng hapitin niya ako sa bewang kaya mas lalo pa akong napamura.

Matalim ko siyang tiningnan pero nginitian niya lamang ako ng sobrang lawak, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at buong lakas ko siyang tinulak.

Matapos kong gawin 'yon ay ngayon ko lamang naramdaman ang malakas na tibok ng puso ko. Halos umusok ang ilong ko dahil sa ginawa niya.

"Loko, sino ka para hawakan na lang ako basta-basta? Porket tinulungan mo ako ay hahayaan na kitang hawakan na lang ako! " Sunod-sunod kong litanya pero inosente lang siyang ngumiti.

Ngayon ko lang naramdaman ang panginginig ng kamay ko at pamamawis nito. Miski ang pintig ng puso ko ay napakabilis, para bang tumakbo ako ng ilang kilometro.

"Chinecheck ko lang kung maayos na ba ang pakiramdam mo at kung galing na ba ang mga sugat sa mukha mo," mahinahon niyang paliwanag at nagpatuloy.

"At mukhang maayos ka na nga, wala na agad 'yung mga pasa mo sa mukha, eh. Mukhang magaling yata 'yung nanggamot sa'yo."

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Hanggang ngayon ay nangagalaiti pa rin ako sa ginawa niya. Bukod kay Devron ay isa siya sa mga lalaking ang lakas ng loob na hawakan ako.

"Saan ka pupunta?"

"Sa tabi-tabi."

"Puwede ba akong sumama sa'yo? Promise behave lang ako," pangungulit niya kaya hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. Nakakabwisit na.

"Alam mo, may sarili akong buhay. Wala ka bang sariling buhay at ginugulo mo ako, Buenavista?!" Galit kong tanong pero tinawanan niya lang ako.

"Huwag mo akong tawanan, 'di ako nakikipagbiruan sa'yo."

Doon ay tuluyan na akong tumalikod bago ko pa siya masapak. Dere-deretso ang pagpasok ko sa 7/11. Habang nagtitingin-tingin ako ng maiinom ay nakita ko naman sa gilid ng mata ko na nakatayo lamang si Buenavista sa tabi ko.

Hindi niya talaga ako titigilan.

Nahagip ng mata ko ang isang pack ng Chuckie kaya agad ko itong kinuha at hindi pinansin ang presensiya niya. Ang sunod ko namang pinuntahan ay ang food stall. Basta kuha na lamang ako ng kahit ano. Napatigil ako sa panghuling kuha ng pagkain ng magsalita si Buenavista sa tabi ko.

"De Vega ka pala. Kilala mo ba si Alfred De Vega? Tito? Kaano-ano mo siya?" Ramdam ko ang kuryosidad sa boses niya.

Habang ako naman ay biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan ko nang marinig ko ang buong pangalan niya.

Napansin kong napiyaot na ang tinapay ng hawak ko kaya basta ko na lang itong hinagis sa basket ko at nagmamadaling pumila sa counter.

"Iris, hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Kaano-ano mo si Alfred De Vega?"

Kinontrol ko ang paghinga ko dahil bigla itong bumilis, miski ang panginginig ng kamay ko ay pinatigil ko. Humarap ako sa kaniya na may galit sa mukha. At doon ay kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa akin.

"Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ng gagong 'yon. Hindi ko siya kaano-ano. Kaya huwag na huwag mo ulit babanggitin ang pangalan na 'yon." Mariin kong saad at muling bumalik sa pila.

Pinakiramdaman ko lamang ang katabi ko. Parehas kaming tahimik. Siguro ay dahil sa sobrang gulat sa pangyayari kanina. At hindi ko napigilan ang sinabi ko.

Sino ba naman kasing hindi mag-iinit ang ulo kapag may isang tao na sobra ang galit sa kaniya ay maririnig mo ang buong pangalan. Paniguradong kukulo nga ang dugo mo.

Malakas akong napabuntong hininga at humarap kay Buenavista na ngayon ay nakatitig lamang sa akin at may gustong sabihin sa akin.

"Pasensya ka na sa sinabi ko kanina. Nabigla lang ako," malamig kong saad ng hindi tumitingin sa kaniya.

"Sorry din. Alam kong nabigla ka sa sinabi ko." Kaya tumango na lamang ako at napatingin ako sa matandang nagbabayad sa cashier.

Nakita kong humugot ito ng isang libong piso sabay bayad sa cashier. Kitang-kita ko kung gaano karami ang pinamili niya.

Habang naghihintay akong matapos ang matandang babae ay narinig ko ang sinabi ng cashier.

"Nay, peke po itong isang libo na binayad niyo po. Wala na po bang iba?" Mahinahon na saad ng cashier at narinig ko naman pagsagot ng matandang babae.

"Ano? Bakit naging peke iyan? Halos magkanda kuba na ako sa paglalaba pero ganiyan pala ang magiging kapalit. Paano na ang apo ko, paniguradong gutom na gutom na 'yon." Rinig ko ang nanginginig na boses ng matanda na tila naiiyak na.

Kaya dali-dali akong pumagitna at ako na mismo ang nagbayad. Napatingin ang lahat ng namimili sa akin ng magsalita ako.

"Ito na 'yung bayad. Ibigay mo na lang ang sobra kay Lola," saad ko sabay lahad ng pera. Masama kong tiningnan ang babae dahil hanggang ngayon ay nasa state of shock pa ito.

"S-sige po. Lola, okay na po lahat. Ito daw po 'yung sobra." Natatarantang saad ng babae, habang ang matanda naman ay nakatingin sa akin at kita sa mukha niya ang saya.

Tatalikod na sana ako para bumalik sa pila pero nanigas na lamang ako sa kinatatayuan ko ng bigla akong yakapin nito at nagpasalamat.

"Salamat, hulog ka ng langit sa akin. Isa kang Anghel," naiiyak na saad ng matanda sabay bitaw sa akin kaya ngumisi na lamang ako.

"Wala iyon," malamig kong saad at muling lumingon. "Demonyo ako, hindi ako Anghel." Pagkasabi ko no'n ay binigay ko kay Santino ang pinamili ko. Miski siya ay nagulat sa ginawa ko.

Ngayon lang ba sila nakakita ng demonyong tumulong? Grabe.

"Ikaw na magbayad, sa labas lang ako. Hihintayin na lang kita," aniya ko at dali-daling lumabas sa store.

Habang hinihintay ko si Buenavista ay napasandal na lamang ako sa salamin at natulala. Bakit kaya may ibang tao na mahilig manloko ng kapwa nila?

Hindi ba sila nako-konsensiya kapag may ginagawa silang hindi maganda sa kapwa nila? Hindi ba sila ginugulo ng konsensiya nila sa oras na ginawa nila ito? O isa rin sila sa mga walang puso pagdating sa kapwa.

Ewan, ang gulo nila. Pero iisa lang ang masasabi ko. Mga wala silang puso. Aaminin ko, barumbado ako pero kahit kailan ay hindi ako nanloko ng kapwa... dahil alam ko ang pakiramdam ng maloko.

"Ayos ka lang?"

Nawala ang iniisip ko nang biglang magsalita si Buenavista sa harapan ko. Napatingin ako sa dala-dala niyang mga plastic. Kukuhanin ko sana ito pero bigla niya itong inilayo sa akin.

"Ako na ang magdadala. Ito nga pa 'yung sukli mo. 'Wag kang magalala, kumpleto 'yan," nakangiti niyang saad niya kaya hindi na lang ako kumibo at kinuha ang wallet ko.

Ilalagay ko pa lang sana ang pera sa wallet ko pero nabigla na lamang ako ng may humablot ito at biglang tumakbo papalayo.

Napaasik na lamang ako at napatingin kay Santino na ngayon ay natulala sa nangyari. Tinapik ko siya sa balikat at nagpaalam.

"Diyan ka lang, hahabulin ko lang 'yung batang nagnakaw ng wallet ko."

At doon ay nagmamadali akong tumakbo at lumiko sa isang eskinita dahil doon ko nakita ang batang nagnakaw ng wallet ko. Natawa na lamang ako ng makita kong dead end pala ang napuntahan niya.

Nilagay ko sa bulsa ko ang kamay ko at sumandal sa pader. Natawa muna ako bago magsalita dahilan para mapatingin sa akin ang bata.

Nakasuot ito ng sumbrero kaya hindi ko masiyadong kita ang mukha niya. Unti-unti akong lumapit sa kaniya habang siya naman ay umaatras.

"Ibigay mo sa akin ang wallet ko. Hindi kita sasaktan, basta ibigay mo lang yan," banta ko pero mas nabigla ako ng kumuha siya ng patalim sa likod niya at tumakbo sa akin.

Napamura na lang ako nang maramdaman kong tumama ang talim ng kutsilyo sa pisngi ko. Nanggalaiti akong tumingin sa bata na ngayon ay nanginginig sa takot.

Bigla ko itong sinandal sa pader at inipit ang braso nito na kung saan ang kutsilyo ay hawak niya. Narinig ko ang pagdaing niya ng diniinan ko ang pagkakaipit sa braso dahilan para mabitawan ang kutsilyo na hawak.

Ramdam na ramdam ko ang panginginig niya pero hindi ko ito inintindi. Basta ko na lang tinanggal ang suot niyang sumbrero. At doon ay parehas nanlaki ang mata naming dalawa ng makilala namin ang isa't-isa.

"Buknoy."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marilou LobreƱo
full story please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status