Share

Kabanata 12: Pagsundo

Iris

"Umalis ka sa ibabaw ko, Santino," matapang na saad ko pero mas lalo niya akong dinaganan at mas lalo pang nilapit ang mukha sa akin.

"Kayang-kaya kong gawin ang sinabi ko kanina, Iris," nakangising saad niya. Dahil hindi na ako makapag-timpi ay buong lakas ko siyang tinulak at malakas na sinuntok sa mukha.

Kitang-kita ko tuloy kung paano siya mapayuko dahil sa lakas ng suntok ko. Wala akong pakialam kung nasaktan ko ba siya o nagalit na sa akin ng tuluyan.

Ang ayoko lang sa lahat ay binibiro ako at inaangkin na akala mo ay isa akong bagay na mabilis angkinin. Mabilis kong pinulot ang baril ko at muling itinutok sa kaniya.

"Buenavista, sa oras na hindi mo sinabi sa'kin ang dahilan kung bakit ako naandito ay hindi ako magdadalawang-isip na barilin ka," pagbabanta ko sa seryosong boses.

Nag-angat siya nang tingin sa akin at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa. Sumandal siya sa upuan at muling nagsalita.

"Ang lakas mo talaga, siguro ay may nagtuturo sa'yo kung paano makipaglaban," n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Hai Yan
kelan po update next update nito?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status