Share

Kabanata 40: Katotohanan

Iris

INILIBOT ko ang mata ko sa kabuuan ng bahay. Masasabi kong maaliwalas at maganda ang naging disenyo. Napangiti na lang ako dahil ito ang design na pinag-usapan namin ni Sebastian bago magkandaleche-leche ang lahat.

Naaalala pa pala niya ang lahat. Miski ang mga maliliit na detalye na sinabi ko sa kaniya noon. Pero sa mga oras na'to nalilito pa rin ako sa nangyari limang taon na ang nakakalipas. Alin ba talaga ang totoo? Naging totoo ba talaga sa akin si Sebastian noong magkasama pa kaming dalawa?

Kaya ko bang sumugal ngayon lalo na at may anak na kami? Kaya mo na ba, Iris? Handa ka na ba ulit? Pero nawala ang lahat ng katanungan ko sa sarili ko ng maramdaman ko ng may yumakap sa bewang ko at hinalikan ako sa pisngi dahilan para magulat ako.

"Good morning, Wife." Bulong sa akin ni Sebastian kaya nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko at muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Akmang aalis na sana ako sa pagkakayakap pero bigla naman akong pumasok si Draixon at tuwang-tuwa sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status