Share

Kabanata 39: Home

Iris

NANLAMIG agad ako sa sinabi ng anak ko kaya marahan ko siyang binaba at hinawakan ang mukha niya.

"Dito ka lang, baby ha? Kakausapin lang ni Mommy ang naghahanap sa akin." Nakangiting sambit ko kaya kahit nakikitaan ko ng pagtataka sa mga mata ng anak ko ay sumunod na lang siya sa akin.

Pero bago pa ako lumabas sa kusina ay muli kong tiningnan si Devron na ngayon ay nakamasid sa amin na tila inaabangan ang gagawin kong hakbang. Nang mapansin niya nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti siya sa akin.

"Isama mo na si Draixon. Para sa anak mo gawin mo'to, Iris. Naghahanap na rin ng kalinga ng Ama si Draixon, sabihin mo na sa kaniya ang totoo," saad ni Devron kaya nanghina ako at napahawak sa gilid ng lamesa dahil napuno ng takot ang buong sistema ko.

Hindi ko ito napaghandaan.

"Mommy, siya po ba talaga ang daddy ko? 'Yung man na naghihintay sa atin?" Napabalik na lang ako sa sarili ko ng marinig ko ang boses ni Draixon na ngayon ay nakatitig sa mga mata ko.

Kaya umupo ako para pantayan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status