Share

CHAPTER 2

CHAPTER 2

Sophia’s POV.

Gumising ako nang maaga dahil ngayon ang unang araw ng trabaho ko. Baka unang araw ko pa lang may masabi na naman ang iba kong kasamahan rito.

Pagdating ko kasi kahapon, hindi muna ako pinagtrabaho ng mayordoma, ngayon na lang daw magsimula.

Ang sabi ni Manang Elen madalang lang daw bumisita ang amo namin, kaya kahapon hindi ko pa ito nakilala. Baka ngayong araw raw dahil tuwing Lunes lang ito bumibisita.

Nalaman ko rin kay Manang Elen na ang amo ko ngayon ang siyang may-ari ng T.A.C sa Masbate. Tingnan mo nga naman hindi man ako pinalad magtrabaho roon at least andito ako sa bahay niya, katulong nga lang.

Pero okay lang, ang rinig ko kasi roon sa amin ay guwapo raw ang may-ari ng T.A.C.

Kinilig ako nang malaman kong siya ang magiging amo ko pero biglang naglaho ito ng may sinabi si Manang about sa one rule sa bahay na ‘to.

Ang nag-iisang rule ay “Don’t flirt with your boss.” Dahil kapag nilabag daw ang rule na ‘yan, tatanggalin kaagad nang walang pagdadalawang isip. Kaya ayon, ang kilig na dumaloy sa katawan ko ay biglang naglaho.

Pero naisip ko rin na trabaho ang pinunta ko rito. Ewan ko rin ba hindi naman ako ganito dati pagdating sa mga naging amo ko, ngayon lang.

Malaki rin ang pasahod dito. Sa halagang sampung libo ay makakapag-ipon na ako kahit papaano ng pampa-opera kay Lola.

Pagkatapos kung magbihis lumabas na ako. Ang kuwarto naming mga dalagang katulong ay iisa, double deck at may C.R iba ang sa mga matatanda pero katabi lang ng kuwarto namin.

Dumiretso ako sa kusina. Ang nabungaran ko pagdating ay sila Manang Elen at si Manang Malou.

“Gising ka na pala.” Manang Elen said while washing the dishes.

“Late na po ba ako?” Natawa ang mga ‘to.

“Naku! Hindi naman ang totoo ay maaga pa naman,” Manang Malou said.

“Pero wala na po ang mga kasamahan ko.”

“Ah! ‘yon ba! Ginagawa nila ang trabaho nila nang maaga para pagkatapos makapag lakwatsa sila.”

“Pwede po pala ‘yon?” Tumango silang dalawa.

Tumayo ako para magtimpla ng kape. Pagkatapos bumalik ako sa pagkakaupo.

“Ano po pala ang trabaho na gagawin ko Manang?”

Uminom ako ng kape habang naghihintay sa sagot ni Manang.

“Ikaw ang taga linis ng kuwarto ni Sir.”

“Po? Eh! Pwede po bang iba na lang?”

“Naku! Hindi na pwede hindi naman magagalit si Sir pag nililinisan ang kuwarto niya dahil ang pinaka ayaw niya lang talaga ay ang akitin siya sa mismong pamamahay nito, mahabang litanya ni Manang Malou.

Kaya kilang-kilala ni Manang Malou si sir dahil sabi ni Manang Elen matagal na daw itong naninilbihan dito.

'Baka bakla,' isip niya pa.

“Kung iniisip mo na bakla si sir pwes hindi! Sadyang ayaw niya lang talaga gumawa ng kahit ano rito sa pamamahay nila, kasi ang sabi niya ang dapat daw na galawin niya mismo dito sa bahay na ito ay ang magiging asawa niya lang.”

Tumango ako. Ang laki naman pala ng respeto ni sir sa bahay nila.

“Ano po pala ang nangyari roon sa babae na pinalitan ko.” Bigla ko lang naisip kasi bakit ba eh sa curious ako.

“Pinalayas dahil pinalinis ko ito sa kuwarto iba pala ang inatupag. Aba! Pagbukas ba naman ni Sir sa pintuan ng kuwarto niya ay nasa kama na ito at hubad!”

Nanlaki ang mga mata ko, nalunok ko tuloy ng wala sa oras ang iniinom kung kape medyo mainit pa naman.

“Mabuti na lang at pinabihis pa ito ni sir bago pinalabas. Dahil kung time na ‘yun ay wala sa mood si Sir baka pinaalis siya ng naka hubad parin.”

Grabe naman pala magalit ang amo namin, juice colored parang gusto ko tuloy umatras.

Pero may nagawa rin namang kasalanan ang babaeng ‘yon, hindi ko kayang i-imagine ang itsura nito.

“Sophia ano galaw-galaw baka ma stroke na lang tayo biglaan diyan.” Natawa naman ang lahat.

Dahil sa kakaisip sa nangyari, hindi ko na namalayan na pumasok na pala ang iba kong kasamahan.

“Ha? Wala naman akong sakit kaya bakit ako mai-stroke?" Nasapo ni Ashey ang noo niya.

“Naku! ‘wag muna ngang pansinin ang sinabi ko.”

Natawa na lang ang iba ko pang kasamahan. Ang pagiging slow at inosente ko ang minsan na pino-problema ng mga kasamahan ko.

“Ashey naman kasi alam mo nang baby pa ‘yang si Sophia," natatawang saway ni Rica. Si Rica at Ashey ang unang naging close ko pagdating dito.

Tumayo na ako at hinugasan ang baso na ginamit ko.

“Hindi ka kakain?” tanong ni Ashey.

“Pagkatapos ko na lang mag trabaho.”

“Saan kaba maglilinis?”

“Sa kuwarto daw ni Sir!”

Nabilaukan si Rica sabay tingin sa akin ng 'seryoso ka look'. Tumango naman ako.

“Bakit doon?” ashey asked.

“Sabi ni Manang. Okay na ‘yon basta’t wala akong ginawang masama.”

Tumango-tango naman silang dalawa, “Sige! Kita nalang tayo mamaya.”

Tumalikod na ako. Hindi ko na sila hinintay sumagot dahil baka mas lalong humaba pa ang usapan namin.

Pumunta muna ako sa stock room kung saan nakalagay ang gamit panglinis. Kinuha ko ang vacuum, spray at pamunas.

Sabi kasi ni Rica kapag sa kuwarto raw ako na-assign ang suwerte ko raw dahil wala raw gaanong lilinisin. Kailangan lang daw maalis ang mga alikabok sa kabinet at iba pa kahit wala naman daw alikabok.

Umakyat na ako sa 2nd floor ng bahay na ‘to at dumiretso ako sa pinaka-last na room.

Kung iisipin ang suwerte ng mapapangasawa ni Sir. Binuksan ko ang pintuan, sumilip muna ako bago pumasok.

Pagpasok ko palang naamoy ko kaagad kung gaano kabango ang kuwarto na ‘to. Ba’t naman to lilinisan eh malinis naman. Isip ko pa.

Pero kahit na mag-isip ng kung ano-ano pinagpatuloy ko lang ang paglinis.

Linis dito, linis doon kahit hindi naman talaga marumi pero sige lang ganito talaga ang buhay.

Napatigil ako sa paglalampaso ng may narinig akong yapak na papunta sa kuwarto.

Bigla akong kinabahan kaya tinago ko ang gamit pang-linis sa ilalim ng kama at pumailalim din ako pinagkasya ko na lang ang sarili ko.

Ano ba ’tong napasok ko? Tanong ko sa sarili. Pero teka ba’t ako nagtatago eh wala naman akong ginawang mali dito?

Iniutog-untog ko ang ulo sa sahig pero syempre mahina lang baka magkasakit pa ako ng wala sa oras.

Nakita ko ang mga paa nito at lumakad ito papalapit sa kama. Gosh! Sana hindi niya ako makita.

“Yeah! We’ll be having a meeting with the others tomorrow.”

May kausap siguro sa cellphone.

“Someone’s here!” kinabahan ako bigla ng marinig ang boses niya. “I’m not talking to you idiot!. I’ll hang up this!”

Nag-sign of the cross ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko pinagpapawisan na rin ako, tagaktak na ang mga naglalakihan kong pawis. Nakatingin lang ako sa sapatos nito na kasing kintab na ng noo ko.

Palakad-lakad lang ito.

“Where is that sweet scent coming from?”

Sweet scent? Inamoy-amoy ko ang sarili. May iba pa bang narito? Hindi naman ako amoy sweet dahil hindi ako nagpabango.

“Gotcha!” Bigla siyang sumilip sa ilalim ng kama na may kasamang tawa pa.

“Ahhh--”Hindi ko napigilang mapasigaw kaya naman bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

Nanlaki ang mga mata ko. The way kasi na tumingin ang boss ko ay parang manlalapa ng wala sa oras.

‘Lord! Please help me to explain my side to this man.’

“Get out!”

Dahan-dahan akong lumabas at tumayo kaagad nang nakayuko. “Sorry po! Pero promise po wala po akong kinuha, naglilinis lang po ako.”

Hindi ako sure kung naka-iintindi ba ’to sa akin sa bilis ko ba naman magsalita.

“Who are you? Are you trying to get some of my things here?” Nakapang-hinawak nitong tanong.

Mabilis akong umiling, “Hindi po naglilinis lang naman po ako. Kahit wala naman talagang dumi!” Binulong ko lang ‘yong sa huli baka masisante pa ako nang wala sa oras.

“Oh! Really!”

Tumango ako saka kinuha ang gamit panlinis na nasa ilalim ng kama para maniwala ito.

Tumango-tango lang siya.

“Opo.” Sumagot ako kahit hindi ko alam kung naniniwala ba siya.

Napaigtad ako nang bigla siyang lumapit sa akin at amoyin ang leeg ko. Sinubukan kong gumilid pero sumunod pa rin siya. Nataranta ako bigla. Ano kaya ang amoy ko? Pawisan pa naman ako. Nang-init ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.

“Sir!” Biglang pumasok si Manang Malou. Umayos naman ng tayo ito. “Sorry po sir, bago lang po siya rito at siya po ‘yong ina-sign ko na maglilinis sa kwarto mo,” nag-aalalang sabi niya.

Pansamantalang nabalot ng katahimikan ang apat na sulok ng kwarto bago nito naisipang magsalitang muli. “It’s okay. From now on, she will be the one to clean my room.” Naningkit ang mata ko sa titig niyang may pagsusumamo. Gayunpaman kailangan kong ayusin ang sarili ko. Hindi ako maaaring matanggal sa trabaho.

“Opo, sir!”

Umalis siya sa harapan namin pero rinig na rinig ko ang sinabi nito, “I guess I have the reason now to stay at home more often.” At tiningnan ako nitong muli bago tumalikod at umalis.

Tiningnan ako ni Manang at binigyan ng isang makahulugang tingin, “Ba’t ang ganda mo kasi!” bago umalis din. Nag-init ang pisngi ko.

Napahinga ako nang malalim at inisip pa rin ang sinabi ni sir kanina.

 Sumunod ako bitbit ang gamit pang-linis para ibalik na ito sa stock room.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status