Share

CHAPTER 1

Author: jamai_mai
last update Last Updated: 2021-10-15 20:50:20

CHAPTER 1

MAGANDANG BUHAY MGA KAMARE! Another great day isn’t it? Another day to find a job again!

“Apo! Gising na.”

“Gising na po ang maganda niyong apo!”

Actually, kanina pa ako gising nakaligo na nga ako, sadyang trip ko lang talaga na ‘wag munang lumabas.

Naghahanap kasi ako ng trabaho na nakapaskil sa dyaryo. Kanina pa ako pero puro pang-opisina ang nakikita. Hindi naman ako matanggap dahil hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Ang isa kasi sa mga qualifications sa mga nabasa ko ay dapat naka-graduate ng kolehiyo.

Ayos na sana ang trabaho ko sa factory dahil stable na ko roon. Sapat naman ang suweldo ko sa pang-gastusin nila namin ni Lola araw-araw.

Kaya lang medyo lamang ang bilang ng mga lalaking nagta-trabaho roon at nagrereklamo ang mga asawa nito sa kadahilanang inaakit ko raw ang mga ‘to. Pati mga katrabahong babae ay nagtataka dahil hindi ko naman talaga inaakit ang mga ‘to, kasalan ko ba kung sadyang napakaganda ko lang talaga.

Pero ako na lang ang kusang umalis kaysa lumaki pa ang gulo. Ewan ko ba sa mga kababaihan at palagi ako ang pinag-iinitan ng ulo kahit wala naman akong ginawa sa kanila. Lalo na ang mga babaeng may nobyo.

Napahinga ako nang malalim at tumayo. Lumabas at nagmamadaling pumunta ng kusina, kailangan ko kasing simulan nang maaga ang paghahanap ng trabaho. Baka kasi matingga ako ngayong araw.

 About sa bahay namin, first floor lang naman ‘to kahit papaano nakapagtayo ng bahay ang Lolo ko noon na gawa sa semento. Simple lang naman mayroong dalawang kuwarto, tig-isa sila kami ni Lola.

Ayon sa Lola ko, ay namatay daw ang mama ko pagkapanganak sa kaniya while ang papa niya nasagasaan daw noong time na pupunta na ito sa hospital. I never celebrated my birthday ’cause it only made me sad pero mapilit ang lola ko at ini-insist lagi na mag-celebrate ako ng birthday ko kaya ayon, wala akong magawa ‘pag ang Lola ko na ang nagsabi. Ang Lolo ko naman, kamamatay lang last month.

“Kain na.” Binigyan ako ni Lola ng pinggan.

“Salamat po!” Pagkatapos iabot ang pinggan ay tumalikod na ito. “Hindi po kayo kakain, Lola?”

“Tapos na ako kanina pa. Nagtagal ka na naman ba sa pagbabasa sa diyaryo?”

Alam na alam na talaga ako ni Lola

“Opo.”

“Ewan ko sa ‘yong bata ka! Ba’t ba kasi napakaganda mo.”

Anong connect no’n sa pagbabasa ng diyaryo?

“Lola naman.” Nagpapadyak pa ako ng paa, ayaw ko talagang may pumupuri sa akin parang ang weird kasi.

Gusto ko kasi, ako lang ang pumupuri sa sarili ko. Ayaw ko ng papuri mula sa ibang tao. Lahat naman kasi ng tao ay maganda and possessed a unique kind of beauty, that's what she believed.

“Sige na! Kumain kana, nakapag balot na ako ng baon mo baka kasi maghapon ka naman ngayon.”

“Salamat po!” sagot ko saka ipinagpatuloy ang pagkain.

Nang matapos na ako ay tumayo at nilagay ang kinainan sa lababo. Uminom muna ako ng tubig saka sinimulang hugasan ang pinagkainan ko.

Pagtingin ko sa orasan ay nanlaki ang mga mata ko. ‘Juice colored!’ Late na ako, dali-dali kong tinapos hugasan ang pinggan na ginamit ko saka kinuha ang baon at nilagay sa backpack.

“Lola, aalis na po ako.” Nagmano ako muna bago patakbong lumabas.

“Mag-ingat ka apo!” habol na sigaw ni Lola.

Pumara ako ng tricycle.

“Saan tayo, ineng?”

“Sa may T.A.C po manong!”

Nag-start na si manong na magpa-andar ng engine niya. Nagdasal naman muna ako.

Ang T.A.C ay food factory company sa Masbate. Sikat ito. Dati ko pa gustong magtrabaho rito kaya lang palagi akong nauunahan sa puwesto. Kaya ngayon susubukan ko ulit.

Iniisip ko kung matatanggap ba ako ngayon nang biglang huminto ang tricycle. Hindi ko namalayan na nakarating na pala sila. Kung hindi lang ako sinampit ng driver siguro ang isip ko ay nasa malayo pa rin.

Bumaba ako at nag-abot ng bayad. Bente pesos ang binigay ko so may sukli pa ako, ang bayad na kasi ngayon sa tricycle ay 15 pesos na dahil sa pagmahal ng gasolina. At pandemic rin bukod doon bawal ang maraming pasahero naka limitado ito, dalawang tao lamang.

Kaya ayon ang mga mahihirap problema sa gastusin, problema din sa pamasahe.

“Ito ineng!”

“Salamat po Manong!”

“Salamat din.”

Pumasok na ako. Didiretso na sana ako nang pigilan ako ng guard.

“Saan ka pupunta?”

“Ay! Sorry po. Mag-a-apply po sana?”

“Ganoon ba! Ikaw na naman? Pang-ilang ulit mo na ‘to.”

“Susubukan ko po sana ulit!”

“Sige na! Alam mo naman kung saan ka didiretso. Ipagpanalangin ko na lang na sana matanggap ka na ngayon.”

“Salamat po!”

“Sige na baka maunahan ka na naman.”

Lakad-takbo ang ginawa ko. Gaya ng sabi ni Manong guard alam ko na kung saan ako didiretso dahil nga sa pang-ilang subok ko na ito. Natatandaan pa talaga ako, napailing na lang ako.

Sumakay ako sa elevator and I pushed the button for 15th floor. Naroon kasi ang mag-iinterview at ito na rin ang pinaka last na floor. Malaki ang kompanya na ‘to kumpara sa iba.

Pagdating ko sa 15th floor dali-dali naman akong lumabas at nagpasa ng resume sa secretary. Ang mismong boss kasi ang mag-i-interview sa mga aplikante.

Umupo ako sa bakanteng upuan at taimtim na nagdarasal na sana makapasa na ako ngayong araw.

Biglang bumukas ang pintuan ng president ng kompanyang ‘to at lumabas mula doon ang secretary.

“Sorry! May natanggap na po si sir na isang personal assistant at bagong head ng finance team. I’m really sorry guys! Better luck next time. Agahan niyo pa talaga sa susunod,” anang ng secretary habang tumitingin sa kanila isa-isa.

“Hala siya! Kakaupo ko pa nga lang eh!” bulalas ko pa na may kasamang reklamo.

Isinauli ng secretary ang mga resume nila, tinanggap ko ang sa akin at nagpasalamat dito.

Bagsak balikat akong lumabas sa kompanyang ‘to. Dapat pala hindi na ako nagbasa ng diyaryo kanina.

“Oh! Ano natanggap ka ba?” tanong ni Manong guard. Umiling ako rito.

“Naku! Dapat mas inagahan mo pa.”

“Sige po! Sa susunod ulit.” Tumango ang guard.

Uuwi ako ngayong luhaan. Pumara ako ng tricycle at sumakay rito. Kilala na ako ng mga tricycle driver kung kaya’t hindi ko na kailangan pang sabihin kung saan ako hihinto.

Pagdating sa amin bumaba ako at nagbayad.

“Salamat Manong!” Tumango lang ang driver.

Binuksan ko ang maliit naming gate na gawa sa kawayan at may mga nakasabit na lata, na senyales na may taong papasok sa tuwing binubuksan ang gate dahil tumutunog ito.

Papasok na sana ako, nang bigla akong tinawag ng kapitbahay namin na si Aling Elen.

“Sophia ineng!”

“Bakit po?”

“Ikaw ba ay naghahanap ng trabaho?” Mabilis akong tumango.

“Bakit po? May alam po ba kayo?”

“Doon kasi tina-trabahoan ko, naghahanap kami ng bagong katulong. Baka gusto mo?”

“Saan po ba ‘yan?”

“Sa Manila. Ano payag ka ba?”

Napakamot ako sa ulo dahil malayo ito. Ito ang unang pagkakataon na mawalay ako kay Lola at isa pa walang magbabantay rito.

“Pag-iisipan ko po.”

“Sige! Pero bilisan mo kasi aalis na ako sa susunod na araw.”

Tumango ako rito. “Salamat po.”

Tumalikod ako at tuluyang pumasok sa bahay namin. Napabuntong hininga ako dahil malapit ng maubos ang inipon kong pera.

Umupo ako sa upuan namin.

“Sige na apo! Pinapayagan kitang mag trabaho sa malayo basta mag-ingat ka lang palagi doon.”

Nagulat ako sa sinabi ng Lola. “Lola naman! ‘wag naman po kayong manggulat.”

Tumawa lang si Lola.

“Pero, Lola, hindi naman po ‘yan ang pino-problema ko. Kayo po, wala po kayong kasama dito.”

“Apo! Nandiyan ang mga pinsan mo. Habang nag-aaral sila rito malapit sa atin, dito ko muna sila patitirahin.”

“Pero lola-,”

“Sige na! Dapat nga nag-aaral ka ngayon-,”

“Lola ayan na naman po tayo. Sige na po magpahinga na po tayo. Tapos na po ba kayong kumain?”

“Tapos na! Eh, ikaw hindi ka ba kakain?”

“Busog pa po ako.”

“Oh! Siya sige na magpahinga kana dahil maaga kapa bukas para sabihin ang desisyon mo kay kumareng Elen.”

Hinalikan ko muna si Lola bago ako pumasok sa kuwarto ko. Humiga ako dahil sa pagod nakatulog agad ako.

TODAY IS THE DAY na aalis siya.

“Apo! Halika na andiyan na si Kumareng Elen at may tricycle ng maghahatid sa inyo sa port.”

Tumayo ako at lumabas na.

“Mag-iingat po kayo rito, lola!” Niyakap ko ito nang mahigpit.

“Ikaw din alagaan mo ang sarili mo doon.”

Ito ang unang pagkakataon na mawawalay ako kay Lola.

“Pinsan, paki bantayan nang maiigi si Lola kung maari?”

“Ano ka ba naman Sophia! Kagabi ka pa. At saka dalawa kaming nandito kaya easy lang yan.”

Natawa ako, “Tatawag ako sa’yo pagdating ko doon.” Sumaludo ito.

Sumakay na ako sa tricycle, “B-bye lola.” Kumaway lang si Lola at nag-flying kiss pa. Nag-flying kiss rin ako pabalik dito.

“Dadalaw ka naman ah, may isang buwan tayong pahintulot na pwede nating dalawin ang pamilya natin.”

“Talaga po? Ang bait naman pala ng magiging amo ko.”

“Oo kaya ‘wag ka nang malungkot. Marami naman tayo roon.”

Tumango na lang ako kay Manang Elen at pinikit ang mga mata dahil sa antok.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Favorite Maid   CHAPTER 36

    ~°~Sophia's POV.No'ng araw na umalis si Travis at magpahanggang ngayon hindi pa ito bumabalik. At kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Sana pala hindi ko na siya pinilit na i-celebrate ang birthday niya eh 'di sana okay kami ngayon.Tatlong araw na ang nagdaan pero hindi pa ito umuuwi. Lagi akong nakaabang sa pintuan nagbabakasakali na baka uuwi siya at gusto ko ako ang unang sasalubong sa kaniya pagpasok."Sige na, Sophia kumain na tayo." pag-aya ni Rica.Kapag nasa pintuan ako hinihintay rin nila ako. Tatapos na lang ba ang araw ngayon na hindi pa siya uuwi. Napabuntong hininga na lang ako at sumunod kila Rica.Unti-unti na akong napapagod. Hindi sa lahat ng oras kaya ko siyang intindihin. Bagsak balikat akong umupo sa harapan ng mesa at nilagyan ng pagkain ang pinggan ko bago ko simulan ang kumain nanalangin muna ako.&nbs

  • His Favorite Maid   CHAPTER 35

    ~°~Sophia's POV.It's already morning when I woke up feeling sore down there. I let out a deep breath before slowly moving my legs to stand up. Napasinghap ako noong binalot ng sakit ang buong katawan ko."I'm going to kill that man!" nangigil kong saad.Wala kasi ito sa tabi ko para tulungan man lang ako. Ano 'to pagkatapos niya akong lumpohin iiwan niya lang ako ng ganito. Hindi na siya makakaulit sa akin ang hinayupak na 'yon.So, may balak kapa pa lang maulit?Sinubukan kong igalaw ulit ang paa ko at inapak sa sahig. Hindi ko namalayang pinipigilan ko na pala ang huminga at sumigaw sa sakit na sumidhi sa kaibuturan ko.I wanted to cried out for help but I'm also embarrassed. I bite my lower lip and endure the pain before I stand up even though I'm naked. Ihing-ihi na talaga ako. My legs is shaking

  • His Favorite Maid   CHAPTER 34

    •WARNING MATURED CONTENT AHEAD•~°~Sophia's POV.It's been a week since we got home and it's been a week since I said yes to Travis. One week had passed and I can say that our relationship is going well.Nag-aaway kami minsan sa maliit na bagay dahil sa marami itong pinagbabawal na gawin ko, gaya na lang ang magsuot ng shorts pag-aalis kami at ang pagngiti ko sa ibang lalaki kinaseselosan niya pa. But after that he'll say sorry and gave me a bone crushing hug. That's what he do when he knew that I'm upset or mad at him. But I also find it sweet, a sweet gestures for me.I'm crazy right?! Well, that's love. Love can make a person crazy."Oh! Come on, Babe you don't need to go the grocery store wearing that piece of thing." Travis hissed.Here we go again

  • His Favorite Maid   CHAPTER 33

    ~°~Sophia's POV.Today is our last day here. We're going to leave tomorrow morning. At ngayon busy kami dahil magkakaroon kami ng despidida. Kung saan kakain kami together with the family members and my friends here and magkuwentohan for the last time. In short, it's a farewell feast to us.At 'yong baboy na nahuli ni Travis ang ni letchon at luto na ito at kanina pa ako takam-na-takam na kumain. Nanghiram ulit kami ng malaking mesa sa kapitbahay namin at doon nakahain na ang iba't ibang klase ng pagkain except for the desserts baka matunaw. It's already five p.m kaya nakahanda na talaga. Nakaligpit na rin ako sa mga damit na ginamit ko at 'yong iba iniwan ko na lang dito kasi marami kaming dadalhin na pinadala ni Lola.Update sa biik na nahuli ni Zyron, binalik niya ito kay Jen at ayon hindi nga siya binenta ni Jen dahil binayaran na 'yon ni Zyron at binilhan

  • His Favorite Maid   CHAPTER 32

    ~°~Sophia's POV.Nagsalita pa ang speaker about sa rules bago nagpito na isang hudyat na magsisimula na ang paghuli sa biik. Tiningnan ko ang ibang mga binatang kalahok o ang kalaban ni Travis at lahat ng 'to ay may itsura."That brute has a fucking death wish." Bruce said angrily."Sasali lang sa paghuli ng biik may death wish kaagad." Jen said then roll her eyeballs."You don't know nothing, Miss Jen. Hindi porket simpleng laro ay wala ng mai-involve na sakitan. Kapag pinag-aagawan na ang isang bagay at nakuha na ng isa, gagawin ng kalaban nito ang lahat para makuha lang ang bagay na 'yon." Felix said. Sa wakas nagsalita na rin ito.Hiyang umiwas ng tingin si Jen. Ang sabi ni Travis mahirap daw talaga pasalitain si Felix pero kapag nagsalita na ito aasahan mong sa bawat salita na lumabas sa b

  • His Favorite Maid   CHAPTER 31

    ~°~Sophia's POV.Nagising ako sa katok at boses ng Lola ko. Pungas-pungas akong bumangon at binuksan ang pintuan."Ano po 'yon?""Ang batang ito nga naman mag-asikaso kana kasi mamasyal tayo." Aniya. Niyakap ko muna ito."Ano pong meron ngayon?""Araw ng kapyistahan 'di ba. Bakit nakalimutan muna ba?" tanong niya.Napabitaw ako sa yakap at tiningnan ang kalendaryong nakasabit sa gilid ng pintuan ko bigay pa 'yan ng barangay dito na may mukha ng gobernador sa bayan.September? Beer months na pala ilang buwan na lang pasko na naman at dadaan na naman ang bagong taon.Napakamot ako sa ulo ko, "Nakalimutan ko po. Sakto po pala ang pag-uwi ko.""Sige na kumilos kana at aalis na tayo ikaw na lang ang hinihintay." Hinali

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status