Share

CHAPTER 26.1

Ilang minuto nang makarating ako sa restaurant kung saan nagpa-reserve sila mama, tanaw ko na agad mula sa labas ang mga magulang namin ni Tiburcio. Tanging kami na lang pala dalawa ang hinihintay nila. Inatake ako bigla nang kaba dahil panigurado ay hahanapin nila sa akin si Tiburcio. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko kapag nagkataon dahil maski ako ay hindi rin alam kung nasaan iyon.

 

Hintayin ko na lang kaya dito si Tiburcio tapos sabay na kaming pumasok sa loob? Ang kaso hindi ko naman alam kung anong oras pa darating ang isang iyon.

 

Muli kong hinugot ang cellphone ko para sana tawagan ulit si Tiburcio at tanungin kung nakaalis na siya. ang kaso... biglang lumingon sa gawi ko si dad at sinenyasan akong pumasok na. Medyo natuliro pa ako kung tatawagan ko pa ba yung isa o papasok na lang sa loob, ngunit sa huli ay sinunod ko na lang si dad. Hindi
Dehjeon_desu

Happy New Year to everyone!

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status