Share

CHAPTER 1

KHEENE'S POV

Three years ago…

IT'S already late at night but I'm still working my ass off here in my office. Ang daming nakatambak na papel at mga folder ang nag-kalat sa mesa ko. Medyo sumasakit na nga ang ulo't mata ko sa dami ng papeles na kailangan kong pirmahan. Pakiramdam ko tuloy ay wala nang katapusam ito.

Tuloy-tuloy lang ako sa ginagawa nang may kumatok sa pinto.

"Come in," seryosong sabi ko at ibinaba ang folder na hawak ko. Pumasok si Secretary Anj at may inabot sa akin na bagong folder… na naman.

"What's this?" tanong ko saka kinuha ang folder at binuksan iyon.

Tumikhim muna si Secretary Anj bago mag-salita. "That was the sales report of the month. As you can see, malaki ang ibinaba ng mga product natin this month than last month," paliwanag niya.

Tinignan ko naman ang graph na nakalagay dito. Agad nanlaki ang mata ko nang makitang malaki nga ang ibinaba no'n. From 88% naging 65% na lang. How did this happened?

Tumingin ako sa kaniya. "What happened? Bakit ang laki ng ibinaba?" tanong ko.

"Ayon po kay Mr. Carbal, manager of production team, mayroon daw problema ngayon sa marketing department."

Isinara ko yung folder at inilapag iyon sa mesa. Pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko anytime sa dami kong iniisip. Tapos ngayon ay may dadagdag pa.

"And what is it?" I asked.

"Nawawala si Mr. Samañego, ang chief marketing officer ng marketing team."

"What?" bulalas ko. "Since when? Bakit hindi nakarating sa akin iyon?"

"Last week nag-start ang mga absences niya. Ayaw munang ireport sa'yo ni Manager Choi dahil iniisip nila na baka nag-sick leave lang si Mr. Samañego," paliwanag muli ni Secretary Anj.

"Sick leave? Edi dapat nakarating sa'kin iyon kung nag-file siya ng sick leave…"

"And we have another problem aside from that," dagdag niya pa.

"Shoot." Para isang stress na lang…

"As for Mr. Theodor, pinull-out ni Mr. Do ang investment niya dito sa company at nag-laho na lang bigla."

"What?!"

Napatayo ako at malakas na ibinagsak ang parehong palad sa mesa. Niluwagan ko din ang suot kong necktie dahil pakiramdam ko ay nasasakal ako.

What the heck? Bakit niya binawi ang ininvest niya? Sa anong dahilan?

Mr. Do is one of our big investors here in our company. Isa siya sa may mga malalaking shares dito kaya magiging malaking kawalan sa amin ang pag-pull-out ng investments niya… lalo na ngayon na may problema.

Muli akong bumaling kay Secretary Anj. "Alam mo ba ang dahilan kung bakit niya binawi?" tanong ko.

"Iyon ang hindi pa namin alam. But pinapa-imbestigahan na namin kung konektado ba ang pag-alis ni Mr. Do sa kompanya at ang biglaang hindi pagpasok ni Mr. Samañego."

Napatango na lang ako habang iniisip pa rin ang biglaang pag-alis ni Mr. Do. Imposibleng walang dahilan iyon. I want to know the reason why..

"Tsaka nga po pala, Sir Kheene. Nasa labas po si Ma'am Cuenco. Papapasukin ko po ba?" tanong ni Secretary Anj, napakunot pa muna ako ng noo bago tumango.

Pagkalabas ni Secretary Anj ay umayos ako ng upo, ilang sandali lang ay bumukas na ulit ang pinto at pumasok si mama. Nakangiti itong lumapit sa akin saka tinapik ang balikat ko.

"How's my son?" nakangiting tanong niya.

Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot. "Not fine."

"I heard the issue about Mr. Do," Sabi niya at umupo sa couch na malapit sa mesa ko.

"Yeah. Nakisabay pa siya sa mga problema ko..."

Napangisi naman si mama. "So, may kinakaharap pala na problema ang kompanya natin?"

Tumango ako. "Ganoon na nga po." Sagot ko.

"Stress ka na siguro?" lumapit siya sa akin at tinapik ulit ako, pero sa braso naman. "Bakit hindi ka muna mag-leave kahit tatlong araw lang? Kheene, take a break. Masyado mo nang sinusubsob ang sarili mo sa trabaho." Sabi niya na nagpakunot sa akin ng noo.

Take a break? E, marami na nga akong kailangang ayusin dito sa opisina, magda-day-off pa ako?

"Ma naman. Nag-bibiro ka ba?" napangisi ako. "May malaki na ngang problema dito sa opisina, mag-babakasyon pa 'ko?" may himig sarkastikong tanong ko.

Natawa naman si mama. "Napapansin ko lang kasi, Kheene. Mula noong iwan ka ni Sophie ay isinubsob mo na ang sarili mo sa trabaho. Kung dati ay nagda-day-off ka twice a month, ngayon ay wala na."

Bigla akong nalungkot at nakaramdam ng inis nang marinig ang pangalan ng taong gusto ko ng malimutan. Si Sophie.

She was my ex-girlfriend. Three years kaming magkarelasyon, nakipag-hiwalay siya sa'kin dahil mas pinili niya ang kaniyang career kaysa sa'kin. Tatlong taon na ang lumipas pero nandito pa rin yung sakit na iniwan niya.

Napabuntong-hininga na lang ako at umiling. Ayoko ng maalala pa iyon. Mas lalo lang akong naii-stress e.

"Walang kinalaman si Sophie dito, ma. Ayoko na din siyang pag-usapan o marinig pa ang pangalan niya," seryosong sabi ko. Tumayo ako at humarap sa glass wall nitong opisina para itago kay mama ang namumuong iritasyon sa mukha ko.

"Kheene, nag-aalala lang ako sa'yo. Dalawang taon na ang nakalipas pero pakiramdam ko ay hindi ka pa rin nakakapag-move on sa kaniya," nag-aalalang sabi ni mama.

Sino ba ang agad-agad makaka-move on do'n? 3 years mong minahal tapos iiwan ka lang at ipagpapalit sa... Tss.'

"That's just your feeling, ma. Matagal na akong naka-move on sa kaniya," pagsisinungaling ko.

"Really? Kung naka-move on ka na nga, e bakit wala ka pa rin ipinapakilala sa'kin na bago mong girlfriend?" nagbibirong tanong niya.

"Ma, are you kidding me? Alam mo naman na busy ako, ikaw na nga po ang nagsabi na hindi na ako nakakapag-pahinga. Tapos ngayon, maghahanap pa ako ng bagong sakit sa ulo?" umiiling-iling na sabi ko

"Prove to me na naka-move ka na nga kay Sophie, bring a girl in our house." Sabi niya dahilan para lingunin ko siya. Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa kaniya habang bahagyang nakabuka ang bibig ko.

Ano ba ang nakain ngayon ni mama at ganiyan na lang ang lumalabas sa bibig niya?

"Mama, kung magdadala ako ng babae sa bahay, dapat yung may maitutulong dito sa kumpanya at yung... hindi ako iiwan mag-isa," mahinang sabi ko.

Umupo ako sa swivel chair, lumapit naman si mama sa akin at niyakap ako mula sa likod.

"Ang laki talaga ng epekto sa'yo ng pag-hihiwalay niyo ni Sophie, 'no?" aniya at humiwalay sa akin.

Napangisi naman ako. "Ewan ko sa'yo, ma. Ayoko ng pag-usapan pa siya."

Natawa siya dahil sa sinabi ko. "Ang bitter mo. Sige na, gabing-gabi na, oh. Uuwi na ako, umuwi ka na rin para matagal-tagal ang pahinga mo." Paalam niya, pumunta siya sa couch at kinuha ang hand bag niya. "Mauna na 'ko!"

Lumapit ako sa kaniya at pinagbuksan siya ng pinto. "Ingat po kayo sa biyahe. Aayusin ko lang po dito then uuwi na din ako."

Ngumiti naman siya. "Sige. Mag-ingat ka sa pagdi-drive. Bye!" sabi niya at umalis na.

Isinara ko muna yung pinto at muling bumalik sa mesa. Pakiramdam ko mas lalo akong na-stress dahil sa napag-usapan namin ni mama. Humugot ako ng malalim na hininga at muling nag-focus sa mga papeles na nasa harap ko.

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status