共有

CHAPTER 2.1

作者: Dehjeon_desu
last update 最終更新日: 2021-10-20 18:02:49

KHEENE'S POV

At Sean's Resto.

30 MINUTES na kaming naghihintay dito nila mama't papa, medyo nabo-bored na din ako. Hindi ako sanay maghintay!

"Hon, dadating pa ba sila Mr. Siqua?" tanong ni mama kay papa.

Dad nodded. "Yes. On the way na daw sila. Mag-order na tayo."

Yumuko na lang ako at pinakiramdaman ang sarili. Ba't gano'n? Hindi man lang ako kinakabahan?

Bakit ba ako nagtataka pa? Maraming beses na din akong ini-arrange-marriage ni papa kung kani-kanino, pero lagi namang hindi natutuloy. Kaya panatag ako na hindi na naman matutuloy ito.

Maya-maya lang ay dumating na ang mga Siqua. Kahit hindi ako mag-angat ng tingin ay naririnig ko sila.

"Kanina pa ba kayo? Pasensya na ah." Dinig kong sabi ni Mr. Siqua.

"Nagka-aberya kasi sa bahay. We're sorry," paumanhin naman ni Mrs. Siqua.

"Nah. It's okay. Take a sit," sabi ni mama.

Hanggang ngayon ay nakayuko pa din ako. Ayaw kong makita ang itsura ng lesbiang mapapangasawa ko kuno.

"By the way, this is Ashlee Siqua. Our one and only daughter but sometimes... our son." Pagpapakilala ni Mrs. Siqua sa anak niya… na magiging asawa ko.

Kinukutkot ko lang ang kuko ko mula sa ilalim ng mesa. Nakikiramdam sa babaeng naka-upo sa harap ko.  

"Oh, she's pretty! Hindi halata sa kaniya na ano siya…" Hindi na itinuloy ni mama ang sinasabi niya.

"A lesbian, pero malay natin... Baka maging straight na babae ito kapag na kasal sila ni Kheene. Right, Kheene?" biglang banggit sa akin ni Mr. Siqua.

Agad akong nag-angat ng ulo sa kanila... na gusto kong pagsisihan dahil ginawa ko pa. Nabaling ang tingin ko sa babaeng tahimik na nakaupo sa harap ko. Nakayuko lang din siya at walang imik, pero naramdaman niya ata na nakatingin ako sa kaniya kaya nag-angat din siya ng tingin sa akin.

Bigla akong inatake ng kaba nang tumititig siya sa akin, pero huli na ng mapagtanto ko na...

"Ikaw?!"

"Ikaw?!"

Sabay naming naisigaw. Nangunot ang noo niya at ganoon rin ako.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Anong ginagawa mo dito?!"

Sabay naming naitanong... ulit.

Nanlaki ang mata ko, nanlisik naman yung sa kaniya. Ilang beses akong napalunok habang nakatingin sa kaniya.

Siya yung babae kanina, yung muntik ko nang masagasaan! Yung manloloko! Sh*t!

Nag-umpisang gumana ang isip ko at nag-isip ng mga maaaring posibleng mangyari sa gaganapin na dinner na ito, pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa kaniya.

Alam kaya ng magulang niya na isa siyang mang-gagantyo? Na kasapi sa budol-budol gang? Mukhang delikado kami dito ng pamilya ko 'pag nagkataon na hindi nagkaunawaan ang magulang ko at ang magulang niya… Aatras na ba 'ko? Napalunok na lang ako habang isa-isang iniisip ang mga posibilidad na mangyari sa dinner na ito.

"Hijo, ayos ka lang ba? Ba't namumutla ka?"

Nabalik ako sa reyalidad nang may humawak sa balikat ko. Si mama. Tumango lang ako at muling tumingin sa babaeng nasa harap ko.

Fvck! Sana naman hindi mangyari ang ganoon.

"Magka-kilala na kayo?" Singit ni papa. Si Ashlee ang sumagot.

Umiling siya. "Hindi. Pero siya lang naman ang dahilan kung bakit masakit ang kanang binti ko ngayon!" sabi ni Ashlee at masamang tumingin sa akin.

"What do you mean, hija?" si mama naman ang nag-tanong.

Pinag-krus muna ni Ashlee ang mga braso niya bago siya magsalita. "Kaninang umaga, may isang kotse na muntik na akong masagasaan. Mabuti na lang at mabilis iyong tumigil at binti lang ang natamaan sa akin," aniya habang titig na titig pa rin sa akin.

"God! Ba't hindi mo sinabi sa amin?" Nag-aalalang tanong ni Mrs. Siqua sa anak niya. "Nakita mo ba kung sino yung driver?"

Tumango naman si Ashlee. "Oo naman. Lumabas pa nga e," sarkastikong anito.

"Namukhaan mo ba? Sino 'yon at nang ma-demanda natin," sabi naman ni Mr. Siqua na nagpa-kaba sa akin.

Fvck! Anong gagawin ko? Mukha naman kasi siyang ayos kanina e…

"Edi siya!" Malakas na sabi ni Ashlee at sabay turo sa akin. "'Yang mokong na 'yan ang nakasagasa sa akin. Bukod sa hindi niya ako tinulungan, sinabihan pa niya akong manloloko at kasapi ng budol-budol gang!"

"What?!" Sabay-sabay na sabi ng mga magulang namin. Napabuntong-hininga na lang ako at napahilot sa sentido ko.

"Look, hindi ko naman sinasadya iyon. 'Tsaka, mukha ka namang okay kanina e. Nakakatayo ka pa nga ng maayos at nahabol mo pa ang kotse ko. Kaya sa tingin ko wala ka namang natamo na kahit ano," paliwanag ko sa kaniya.

"Ang sabihin mo, ayaw mo lang gumastos. Iniwan mo 'ko sa daan na masakit ang binti dahil irresponsable ka—" Natigil sa pag-sasalita si Ashlee nang magsalita ang ina niya.

"Ashlee, watch your words." Saway ni Mrs. Siqua sa kaniya. Natahimik na lang kami.

Tch. What a coincidence? Sa dami ng babaeng pwede kong pakasalan, ito pa talagang babaeng 'to?

Maya-maya ay dumating na ang mga in-order ni papa kanina. Isa-isa iyong inilapag sa harap namin.

"Here's your order, ma'am and sir. Enjoy your dinner!" Magiliw na sabi nung waitress at umalis na.

Mabuti naman at dumating na. Kanina pa ako nagugutom. Hindi kasi ako nag-tanghalian para dito. Saka marami rin ginagawa sa opisina kaya nakaligtaan ko ng kumain.

Nakangisi kong hinarap ang pagkain ko, pero akmang hahawakan ko na ang kutsara at tinidor nang biglang...

*witwiw!*

Nanlalaki ang mata ko na nag-angat ng tingin kay Ashlee. Nakita kong nakangisi siyang nakatingin sa waitress— sa binti ng waitress na nag-serve sa amin.

Tss. Ibang klase!

Napailing na lang ako at nagsimula ng kumain. Habang kumakain, tahimik lang akong nakikinig sa usapan ng magulang ko at ng mag-asawang Siqua.

"So, let's talk about their wedding." Panimula ni Mr. Siqua.

Tumango naman si mama, "Yeah. Sure. Kailan niyo sila gustong ikasal?"

Kumunot naman yung noo ko pero patuloy pa rin sa pagkain. Bakit sila ang nagde-desisyon?

"By next week na sana. Kung okay lang sa inyo," ani Mr. Siqua sabay tawa.

Sumang-ayon naman ang mga magulang ko sa sinabi ni Mr. Siqua. "Yeah, sure. So, simulan na natin ang pagpa-plan—"

Natigil sa pagsasalita si mama nang tumaginting ang tunog ng ibinagsak na kubyertos sa pwesto namin. Pare-pareho kaming napatingin kay Ashlee na siyang may gawa no'n.

"Bakit kayo ang nagde-desiyon? Eh kami naman yung ikakasal?" Walang emosyong tanong niya habang nakatingin sa labas.

Sumang-ayon naman yung isip ko sa sinabi niya. Tama! Dapat kami ang nagde-desisyon, hindi sila.

Hinarap naman siya ni Mrs. Siqua. "No, baby. Parents knows best. Kami na ang bahala. Basta, ang kailangan niyo lang gawin ay pumunta sa kasal at mag-I do." Masayang sabi nito.

"Tss."  Mahinang asik ni Ashlee saka umiling.

Nag-umpisa nga silang mag-plano para sa kasal namin. Nakinig lang ako sa usapan nila, minsan ay ngumingiti at tumatango na lang ako.

Inabot kami ng ilang oras sa pag-uusap. Panay tawanan ang pareho naming magulang ni Ashlee, habang kaming dalawa ay tahimik na humihigop ng kape.

"Mauna na kami." Paalam ni Mr. Siqua, nasa labas na kami ngayon ng restaurant. "Ingat kayo sa byahe." 

"Sige, mag-ingat din kayo!" sabi ni papa, ngumiti lang ako sa kanila.

Tinignan ko naman si Ashlee pero mabilis siyang pumasok sa kotse nila. Tss.

Hinintay muna naming maka-alis ang mga Siqua bago ako nagpaalam sa magulang ko.

"Mauna na din po ako. Ingat po kayo." Paalam ko, tumango lang sila at pumasok na sa sasakyan.

Lumapit na rin ako sa kotse ko at pumasok. Huminga muna ako malalim bago nagmaneho pauwi.

Hanggang sa makarating ako sa bahay ay okupado pa rin ang isip ko tungkol sa kasal. Sobra akong binubulabog ng isiping lesbian ang pakakasalan ko. Hindi ko magawang makatulog ng mahimbing dahil sa tuwing pipikit ako, iyon agad ang pumapasok sa utak ko. Kung bakit ba naman kasi… Napabuntong-hininga na lang ako.

Lord. Please, 'wag naman po sanang matuloy ang kasal ko sa lesbian na 'yon!

***

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 28

    KHEENE'S POV "... ..." "... ..." "... Sir Kheene.." Tawag ng isang boses, pero nananatiling wala ako sa sarili. "Sir.. Sir, tapos na ang meeting.." Ani Secretary Anj na nagpabalik sa akin sa katinuan. Nilibot ko ang buong paningin ko sa buong meeting room at tanging kaming dalawa na lang pala ang naiwan dito sa loob. "Okay lang po ba kayo, sir? Mukha ho kasing wala kayo sa sarili buong meeting," sabi ni Secretary Anj. Huminga ako ng malalim at hinilamos ang parehong palad sa aking mukha para tuluyan akong magising sa katotohanan. "Sorry. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi." Dahilan ko. "How's the meeting, anyw

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 27.1

    KHEENE'S POV"UPDATE mo 'ko kapag may balita na kayo. Report niyo agad sa'kin," sabi ko kay Detective Han na kausap ko ngayon sa telepono. Siya ang naka-assign na mag-imbestiga tungkol sa nangyari kagabi pati na rin sa kaso ni Mr. Samañego na hanggang ngayon ay wala pa rin usad."Sige po, sir." Sabi nito at ibinaba na ang telepono. Malalim akong napabuntong-hininga at napahilot sa sentido.Ang dahilan kung bakit pinabalik kami ni Dad dito sa kompanya kagabi ay dahil may pumasok dito sa opisina ko walang pahintulot. Nag-report ang guwardiyang naka-duty dito kagabi kay Secretary Gino, kaya tumawag ito kay Dad at pinabalik kami.Ang sabi nang guard nung makausap namin, habang nagro-robing ito kagabi, napansin niya na nakabukas ang pinto ng opisina ko. Akala niya ay nakalimutan ko i

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 27

    ASHLEE'S POV"BABE.." Tawag ni Sophie sa akin.Kanina ko pa naririnig iyon pero parang wala ako sa sarili ngayon. Hindi ko man lang siya magawang lingunin kahit sandali."Babe, Ash.." Ulit niya, ngunit nanantili akong walang kibo.Hindi pa rin talaga maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Sa tuwing pumapasok sa isip ko ang mukha ni Kheene at nila tita, hindi ko maiwasang ma-guilty dahil sa nagawa ko. Pero hindi ko naman sinadya na mangyari iyon, its just that.. hindi ko lang matiis na iwan mag-isa dito sa unit niya kagabi si Sophie knowing na masama ang pakiramdam nito. Hinintay ko pa na dumating ang isang maid nila bago ko siya iwan.Yung tungkol naman sa magulang ko, hindi ko naman na masiyadong dinamdam iyon. Alam ko naman na sanay na sila na ganoon ako

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 26.1

    Ilang minuto nang makarating ako sa restaurant kung saan nagpa-reserve sila mama, tanaw ko na agad mula sa labas ang mga magulang namin ni Tiburcio. Tanging kami na lang pala dalawa ang hinihintay nila. Inatake ako bigla nang kaba dahil panigurado ay hahanapin nila sa akin si Tiburcio. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko kapag nagkataon dahil maski ako ay hindi rin alam kung nasaan iyon. Hintayin ko na lang kaya dito si Tiburcio tapos sabay na kaming pumasok sa loob? Ang kaso hindi ko naman alam kung anong oras pa darating ang isang iyon. Muli kong hinugot ang cellphone ko para sana tawagan ulit si Tiburcio at tanungin kung nakaalis na siya. ang kaso... biglang lumingon sa gawi ko si dad at sinenyasan akong pumasok na. Medyo natuliro pa ako kung tatawagan ko pa ba yung isa o papasok na lang sa loob, ngunit sa huli ay sinunod ko na lang si dad. Hindi

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 26

    KHEENE'S POV HINDI na mawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni dad tungkol kay Secretary Anj. Magmula rin no'n ay medyo nag-iingat ako kapag nasa paligid siya, pinapakiramdaman ko din at ino-obserbahan ang bawat kilos niya. Kung noon ay hindi ko binubuksan ang salamin sa pwesto niya, ngayon ay palagi na iyon bukas para mapagmasdan ang ginagawa niya sa kaniyang lamesa. Sinasara ko na lang ulit kapag nakikita kong papasok siya sa opisina ko. "I'll leave the office as soon as I finish this papers," sabi ko kay mama na kausap ko ngayon sa telepono dito sa opisina ko. Mayroon kaming family dinner ngayon kasama ang parents ni Tiburcio. Ito ang unang beses na mangyayari ang ganitong dinner mula nang ikasal kami, siguro'y dahil parehong busin

  • Womanizer Wife (On-going)   CHAPTER 25.1

    "Tutulong ako sa paghahanap ng file, dad. Magpapatulong ako sa secretary ko—""Don't!" Sabay na pigil nila ni Mr. Vasquez sa akin. Nagtataka ko silang tinignan."Mas mabuti kung mag-isa kang kumilos sa bagay na ito, Kheene.." Dad said."Why?" Takang tanong ko."Hindi maganda ang pakiramdam namin sa secretary mo, Kheene. I know, matagal mo na siyang kasama sa trabaho. But now.."Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila, ngunit sumang-ayon pa rin ako sa kanilang kagustuhan. Pero naguguluhan pa rin talaga ako.."By the way, how's your marriage life?" Pag-iiba ng topic ni dad.Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kaniya. Kumusta nga ba ang marriage life ko? "Ahm. It's good." Sagot ko na parang tumikhim lang ng pagkain.

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status