Good evening! Kumusta? Btw, gusto ko lang mag-thank you para sa mga nag-contribute ng gems^^ Maraming maraming salamat! Sana patuloy niyo ito pa rin itong basahin hanggang dulo.. Iyon lang.
Ilang minuto nang makarating ako sa restaurant kung saan nagpa-reserve sila mama, tanaw ko na agad mula sa labas ang mga magulang namin ni Tiburcio. Tanging kami na lang pala dalawa ang hinihintay nila. Inatake ako bigla nang kaba dahil panigurado ay hahanapin nila sa akin si Tiburcio. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko kapag nagkataon dahil maski ako ay hindi rin alam kung nasaan iyon. Hintayin ko na lang kaya dito si Tiburcio tapos sabay na kaming pumasok sa loob? Ang kaso hindi ko naman alam kung anong oras pa darating ang isang iyon. Muli kong hinugot ang cellphone ko para sana tawagan ulit si Tiburcio at tanungin kung nakaalis na siya. ang kaso... biglang lumingon sa gawi ko si dad at sinenyasan akong pumasok na. Medyo natuliro pa ako kung tatawagan ko pa ba yung isa o papasok na lang sa loob, ngunit sa huli ay sinunod ko na lang si dad. Hindi
ASHLEE'S POV"BABE.." Tawag ni Sophie sa akin.Kanina ko pa naririnig iyon pero parang wala ako sa sarili ngayon. Hindi ko man lang siya magawang lingunin kahit sandali."Babe, Ash.." Ulit niya, ngunit nanantili akong walang kibo.Hindi pa rin talaga maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Sa tuwing pumapasok sa isip ko ang mukha ni Kheene at nila tita, hindi ko maiwasang ma-guilty dahil sa nagawa ko. Pero hindi ko naman sinadya na mangyari iyon, its just that.. hindi ko lang matiis na iwan mag-isa dito sa unit niya kagabi si Sophie knowing na masama ang pakiramdam nito. Hinintay ko pa na dumating ang isang maid nila bago ko siya iwan.Yung tungkol naman sa magulang ko, hindi ko naman na masiyadong dinamdam iyon. Alam ko naman na sanay na sila na ganoon ako
KHEENE'S POV"UPDATE mo 'ko kapag may balita na kayo. Report niyo agad sa'kin," sabi ko kay Detective Han na kausap ko ngayon sa telepono. Siya ang naka-assign na mag-imbestiga tungkol sa nangyari kagabi pati na rin sa kaso ni Mr. Samañego na hanggang ngayon ay wala pa rin usad."Sige po, sir." Sabi nito at ibinaba na ang telepono. Malalim akong napabuntong-hininga at napahilot sa sentido.Ang dahilan kung bakit pinabalik kami ni Dad dito sa kompanya kagabi ay dahil may pumasok dito sa opisina ko walang pahintulot. Nag-report ang guwardiyang naka-duty dito kagabi kay Secretary Gino, kaya tumawag ito kay Dad at pinabalik kami.Ang sabi nang guard nung makausap namin, habang nagro-robing ito kagabi, napansin niya na nakabukas ang pinto ng opisina ko. Akala niya ay nakalimutan ko i
KHEENE'S POV "... ..." "... ..." "... Sir Kheene.." Tawag ng isang boses, pero nananatiling wala ako sa sarili. "Sir.. Sir, tapos na ang meeting.." Ani Secretary Anj na nagpabalik sa akin sa katinuan. Nilibot ko ang buong paningin ko sa buong meeting room at tanging kaming dalawa na lang pala ang naiwan dito sa loob. "Okay lang po ba kayo, sir? Mukha ho kasing wala kayo sa sarili buong meeting," sabi ni Secretary Anj. Huminga ako ng malalim at hinilamos ang parehong palad sa aking mukha para tuluyan akong magising sa katotohanan. "Sorry. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi." Dahilan ko. "How's the meeting, anyw
KHEENE'SAlam ko na karamihan sa mga lalaki ang hanap ay isang maganda at sexy na mapapangasawang babae. Thankful naman ako kay Lord dahil binigyan niya ako ng maganda at sexy pero hindi babae kundi....lesbian.Lord... Bakit?Hindi niya ginagawa ang madalas gawin ng mga babae.Mas maangas pa siyang kumilos kaysa sa akin.Malaki ang katawan ko pero mas malakas siyang sumapak.Mas marami pa ang chiks niya kumpara sa akin.In short... Mas lalaki pa siyang umasta kaysa sa'kin.Mahirap tanggapin ngunit naaapakan niya ang pagkalalaki ko. Pero anong gagawin ko? Sa tagal ng pagsasama namin bilang mag-asawa ay minahal ko na siya. Hindi ko alam kung kailan at paano, basta ang alam ko lang... mahal ko na siya.Pero paano niya ako mamahalin pabalik kung ang gusto niya ay babae at hindi lalaki? Mat
KHEENE'S POVThree years ago…IT'S already late at night but I'm still working my ass off here in my office. Ang daming nakatambak na papel at mga folder ang nag-kalat sa mesa ko. Medyo sumasakit na nga ang ulo't mata ko sa dami ng papeles na kailangan kong pirmahan. Pakiramdam ko tuloy ay wala nang katapusam ito.Tuloy-tuloy lang ako sa ginagawa nang may kumatok sa pinto."Come in," seryosong sabi ko at ibinaba ang folder na hawak ko. Pumasok si Secretary Anj at may inabot sa akin na bagong folder… na naman."What's this?" tanong ko saka kinuha ang folder at binuksan iyon.Tumikhim muna si Secretary Anj bago mag-salita. "That was the sales report of the month. As you can see, malaki ang ibinaba ng mga product natin this month than last month," paliwanag niya.Tinignan ko naman ang graph na nakalaga
KHEENE'S POVALMOST quarter to ten na nang matapos ko lahat ng nakatambak sa lamesa ko kagabi kaya sobrang late na rin nang makauwi ako. Nagluto pa ako ng pagkain ko bago ako tuluyang makapagpahinga.Ngunit bawat overtime ay may kapalit kinaumagahan…Halos mag-aalas nuebe na nang magising ako kinabukasan. Hindi na ako nag-abala pang kumain dahil sobrang late na ako sa trabaho. Diretso na agad ako sa banyo pag-bangon ko sa higaan.Kasalukuyan akong abala sa pag-susuot ng sapatos nang biglang tumunog ang cellphone ko, inilinga ko ang aking paningin at hinanap kung saan nang-gagaling ang tunog, at nakita ko iyon sa kama.Inayos ko muna ang suot kong necktie bago lumapit sa kama at kunin iyon.*Jace Calling...*Napangiti ako bago sinagot iyon. "Yes, hello?" bungad ko. Lumapit ako sa may study table at ki
KHEENE'S POVAt Sean's Resto.30 MINUTES na kaming naghihintay dito nila mama't papa, medyo nabo-bored na din ako. Hindi ako sanay maghintay!"Hon, dadating pa ba sila Mr. Siqua?" tanong ni mama kay papa.Dad nodded. "Yes. On the way na daw sila. Mag-order na tayo."Yumuko na lang ako at pinakiramdaman ang sarili. Ba't gano'n? Hindi man lang ako kinakabahan?Bakit ba ako nagtataka pa? Maraming beses na din akong ini-arrange-marriage ni papa kung kani-kanino, pero lagi namang hindi natutuloy. Kaya panatag ako na hindi na naman matutuloy ito.Maya-maya lang ay dumating na ang mga Siqua. Kahit hindi ako mag-angat ng tingin ay naririnig ko sila."Kanina pa ba kayo? Pasensya na ah." Dinig kong sabi ni Mr. Siqua."Nagka-aberya kasi sa bahay. We're sorry," paumanhin naman ni Mrs. Siqua.