The Congressman's Hidden Son
The Congressman's Hidden Son
Author: Iya Perez

Prologue

PROLOGUE

“Sigurado ka na ba sa desisyon mong iyan, Ate Ira?”

Napahinto ako sa pag-iimpake ng aking mga gamit nang biglang magsalita ang bunso kong kapatid na si Ismael. Kanina ka pa siya nakamasid sa akin, ang buong akala ko ay tatahimik lang siya habang inaayos ko ang mga gamit ko.

Marahan akong tumango at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

“Kailangan kong umuwi. Malapit na magsimula ang kampanya para eleksiyon. Kailangan ako ni Kuya Isaac sa pangangampanya.” sagot ko naman.

“Sigurado ka bang iyon lang ang dahilan?” may bahid ng pagsisiyasat niyang tanong.

Nang matapos ko ang pagsasalansan ng gamit ko sa maleta ay tumayo na ako para magtungo sa kuwarto ng anak ko. Nang pumasok ako ay nakita ko sila ng kaniyang yaya na masayang naglalaro sa kama. Sumunod pa rin sa akin ang kapatid ko. Alam kong kukulitin niya ako tungkol sa bagay na iyon. Humarap ako sa kapatid ko at tipid na ngumiti.

“Masaya naman kami rito sa New York, Ismael. Pero ayokong ikulong si Archer dito. My son is growing old. He deserves to get to know our family especially his grandparents and his cousins.”

Napatitig sa akin ang kapatid ko.

“Paano kapag nakita ni Sandro ang bata? Paano kapag nalaman niyang anak niya ‘yan?”

Alam kong nag-aalala sila tungkol sa bagay na iyan. Pero apat taon na ang nakakalipas. Sandro won’t even remember me. Kapag nakita niya ang bata, puwede namang magpalusot na anak ko iyon sa ibang lalaki.

“Malawak ang Ilocos Norte, Ismael. Hindi naman sila magkikita kung nasa bahay lang si Archer. Don’t worry, I’ll take good care of my son.”

Wala itong nagawa kundi tumango.

Nagtungo ako sa closet ng anak ko at sinimulan nang ayusin ang kaniyang mga gamit.

“Where are we going Mommy? Yaya said that we’re leaving, is that true?”

Bumaling ako sa anak ko at saka tumango.

“Yes, baby. We’re going to go back in the Philippines.”

Natigil ito sa kaniyang ginagawa at kumunot ang noo.

“Philippines? That’s the place where Daddy lives right?”

Napalunok ako sa narinig ko. I thought he wouldn’t be able to remember that. The last time we talked about his Dad was when he is two years old. Ngayon, three and a half years old na siya. While he is growing up, I realized that my son has an exceptional memory skill. Iyong kaya niyang maalala ang mga bagay na matagal nang sinabi at nangyari. He really got his father’s gift. I remember, Sandro is like that too.

Kinuha ko ang kamay ng anak ko at tumango.

“Yes, anak. Philippines is where Daddy lives.”

Tumayo ito sa kama at tumalon-talon. Halatang tuwang-tuwa sa kaniyang nalaman.

“Are we going to see him, Mommy?”

Ngumiti ako sa kaniya.

“Only if you’ll behave once we get there.”

Huminto siya sa kaniyang ginagawa at lumapit sa akin. Ipinalibot niya ang kaniyang maliliit na braso sa aking leeg at hinalikan ako sa pisngi.

“Okay Mommy. Archer Louie will behave.”

Tumingin ako sa kaniyang maamong mukha at marahan kong hinaplos ang kaniyang pisngi.

“I miss Daddy. I want to see him.” mahinang sambit nito.

Napangiti ako nang mapait. He never sees his father yet pero namimiss niya ito. He kept on telling me that when turned two years old up until now.

“I know. I miss Daddy as well.” saad ko habang hinahaplos ang buhok ng anak ko.

Ipinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng anak ko. Kinabukasan ang alis namin. Hindi ko alam kung anong mangyayari, hindi ko alam kung anong buhay ang sasalubong sa amin ng anak ko sa Pilipinas. We’ve been living here for years. New York has become our safe haven. I know that it will be hard for us to leave this place.

Nang gabing iyon ay natulog ako sa tabi ng anak ko. As I was combing his hair using my fingers, I realized that for the past years, I’ve been suppressing myself to miss Alexander. Noong umalis ako ng Pilipinas nang malaman kong ipinagbubuntis ko si Archer, agad kong pinutol ang ugnayan namin sa isa’t isa. Without saying anything, I left him. My parents were mad at me for leaving like that. But they understood my reasons years after.

“Nakausap ko na yung firm na pinagtatrabahuhan ng girlfriend ko ate, she’s willing to recruit you kapag nakauwi ka na.”

Tumingin ako sa kapatid ko at hinawakan ang kaniyang balikat.

“You’ve done so much for us, Ismael. Yung paghahanap ng trabaho, ako na roon. I’ve earned enough experience in the Philippines and in here for the past years. Alam kong magkakaroon ako ng trabaho sa Pinas.”

Tumango naman ito. Dahil hindi naman traffic ay maaga kaming nakarating sa airport. Maraming tao sa paligid kaya mahigpit kong ibinilin sa yaya ni Vincent na huwag niya itong bibitawan. Iniwan namin sila ni Ismael para kumuha ng ticket sa counter. Nang bumalik kami sa puwesto namin ay umiiyak na lumapit sa akin ang yaya ni Archer.

Kumunot ang noo ko at agad binundol ng kaba ang aking d****b nang agad na ma-realize kung ano ang nangyari.

“Ma’am Ira, sandali lang po talaga akong bumitaw sa kaniya dahil nanghihingi siya ng pagkain. Hindi ko naman po alam na…”

Hinawakan ko ang balikat ng yaya.

“Shhh. Stop crying. Wala namang may gustong mangyari ang bagay na ito. Mas mabuti kung maghahanap tayo agad sa paligid. I’m sure hindi pa nakakalayo ang anak ko.”  I said calmly.

I had to be calm in times like this. Hindi naman makakatulong kung magagalit pa ako sa yaya ng anak ko. I instructed my brother and my son’s nanny to separate place. Mas makabubuti kung sa iba-ibang lugar kami ng airport maghahanap. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Habang tumatakbo ako sa paligid ay pakiramdam ko maiiyak na ako.

Kung kailan naman pauwi na kami ng Pilipinas, saka pa ito nangyari.

“Mommy!”

Napahinto ako sa pagtakbo nang marinig ang pamilyar na boses ng anak ko. Nang lumingon ako sa aking likuran ay nakita ko ang anak kong nakangiting kumakaway sa akin. Akmang maglalakad na sana ako patungo sa kaniya ngunit nang mag-angat ako nang tingin sa taong may hawak sa kaniyang kamay ay bigla akong napahinto sa aking kinatatayuan at ilang beses na napalunok ng aking sariling laway.

Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko ay natulos ako sa aking kinatatayuan. Nang makita niya rin ako ay bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha.  Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito? Of all places, bakit dito pa kami nagkitang muli?

It took him minutes to finally walk towards me.

“Long time no see, Ira.”

Hindi ko alam kung ngingiti ako. Hindi ko alam kung kaya ko bang umakto nang normal sa harapan niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

“Mommy, this man helped me when I was lost.”

Nakahawak pa rin ang anak ko sa kamay ni Sandro. Seeing them together in proximity, hindi maipagkakailang mag-ama silang dalawa. Pilit na ngumiti ako kay Sandro at saka marahang kinuha sa kaniya si Archer.

“Thank you, Sandro.”

He didn’t respond. Nakatitig lang siya sa akin na para bang pinag-aaralan niya ang ekspresyong ng aking mukha. Umiwas naman ako nang tingin sa kaniya. Bumaba ang tingin ko sa aking anak na matamang nakatingin kay Sandro. Archer is smiling from ear to ear.

Kinalabit ako ng anak ko at sinenyasang umupo ako dahil may sasabihin siya. Bahagya naman akong yumuko at inilapit ko ang aking mukha sa anak ko.

“He looks familiar, Mommy.”

Sandali akong bumaling kay Sandro na alam kong nakikinig sa amin ng anak ko. Alanganin akong ngumiti kay Archer at marahang hinaplos ang kaniyang pisngi.

“How so? Ngayon mo lang siya nakita hindi ba?”

From that exact moment, wala akong ibang gustong gawin kundi umalis sa harapan ni Sandro.

“No, Mommy. This is not the first time I saw him. I saw his picture on your phone.”

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Sandro. And with that, mabilis kong hinawakan ang kamay ng anak ko at hinila siya palayo kay Sandro.

Ngunit nakakailang hakbang palang kami nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. Kumabog nang malakas ang d****b ko nang makitang si Alex iyon.

Pero agad siyang umupo para mapantayan si Archer. That’s when I realized that it wasn’t me he wants to talk with.

“You saw me on your mom’s phone?”

Ngumiti ang anak ko at paulit-ulit na tumango.

“Yeah, and you know what…” huminto ang anak ko sa pagsasalita at tumingin sa akin.

“Mommy, he really looks Daddy, isn’t he?”

Sa pagkakataong iyon, gusto ko na lang na maglaho. Nakita ko ang pagkalaglag ng panga ni Sandro sa kaniyang narinig.

“Ira…”

Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Sandro. Umiwas ako nang tingin sa kaniya.

“Is that true?” seryosong tanong niya sa akin.

Seryoso at mabibigat ang kaniyang titig sa akin. Kahit na nahihirapan at kinakabahan, pilit kong sinalubong ang kaniyang mga tingin. Pasimple akong humugot ng malalim na hininga at sa naglakas loob na sagutin ang tanong niya.

“Hindi. Archer’s Dad isn’t you.” I said in a firm voice.

Pagkasabi ko niyon ay mabilis akong tumalikod habang hawak ang kamay ng anak ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status