Kung nagulat ang matandang lalaki sa kaniyang narinig, mas lalo naman ako. Maang lang akong nakatitig sa guwapo nitong mukha. Nang tumingin siya sa akin saka lang ako natauhan. He gave me a kind of look that tells me to pretend that I am his girlfriend.
“Ano Sir, ipapapulis niyo pa ba ako?” tanong ng lalaking katabi ko.
Agad namang umuling ang matandang lalaki at mabilis na tumakbo papalayo sa amin. Pati ang asawa niyang nagmukhang kawawa dahil sa pag-iyak ay iniwan niya. That was the time when I looked at the man beside me.
“You don’t have to do that, you know.” saad ko saka pinagpag ang coat ko na hinawakan ng lalaki kanina.
“If I didn’t do that, paniguradong sinaktan ka na noon nang tuluyan.” aniya saka naglakad pabalik sa push cart na may lamang mga groceries na pinamimili niya.
May nakita ako roong mga milk formula ng bata. Napasimangot naman ako sa sarili ko. Mukhang may anak na yata. But he looks so young to have a baby. Sayang naman!
Nagpasalamat na lang ako sa kaniya. Naglakad ako patungo sa babaeng nakatayo pa rin sa isang tabi. Kumuha ako ng business card sa bag ko at iniabot ito sa kaniya.
“Kapag po sinaktan kayong muli ng asawa niyo, puwede niyo po akong tawagan sa numerong iyan.”
Nang tanggapin ito ng babae ay bumalik na ako sa cart ko na may lamang mga noodles.
“That’s not healthy.” puna ng lalaki na nasa kabilang side ko.
“Okay lang, gusto ko rin naman mamatay nang maaga.”
Napatingin siya sa akin at matamang pinagmasdan ang mukha ko. Suddenly, his facial expression changed from being curious into worried one.
“Are you suicidal?” he asked in his serious tone.
Marahan naman akong natawa.
“Hindi. I’m just joking.”
Sumimangot naman siya.
“That’s not a good joke.”
Nauna naman siyang naglakad at ipinagpatuloy ang pagkuha ng groceries. Karamihan sa kinukuha niya ay mga biscuits.
“Napakaulirang ama mo naman. Suwerte ng anak mo.” sabi ko dahilan para mapatingin siya sa akin muli.
“What did you say?”
“Ang sabi ko, suwerte ng anak mo. Kasi ang dami niyang pagkain.”
Kumunot ang kaniyang noo.
“What made you think that I have a child?”
Agad akong tumingin sa kaniyang cart at inginuso ang mga gatas na kaniyang pinamili. Mayroon ding bottle feeder at pacifier doon.
“Hey, let me explain myself. I’m not a father yet. Napag-utusan lang ako ng sister ko na bumili ng mga pagkain…” he trailed off and looked at me.
Hindi ko maiwasang mapangisi nang makita kung gaano siya ka-defensive. Bigla namang nagbago ang kaniyang expression. He narrowed his eyes on me.
“Are you fishing for an information, Miss?”
Tumawa ako nang mahina at nagkibit-balikat.
“Maybe.”
Pagkasabi ko niyon ay mabilis kong itinulak ang cart ko patungo sa cashier area. Paglingon ko sa paligid ay hindi ko na siya nakita pa. Napanguso tuloy ako. Ang bilis naman niyang mawala. Dinaig niya pa ang bula.
Hanggang makalabas ako ng supermarket ay sinubukan ko pa rin siyang hanapin. Tinatangay ng hangin ang buhok ko kaya kinailangan ko pang ibaba ang eco-bag na bitbit ko para matalian ang buhok ko. Pinulot ko rin ito agad at nag-abang na ako nang sasakyan. Sinubukan ko pang tumingin sa paligid, umaasang makikita kong muli ang lalaki.
“You’ve been searching for me?”
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang may magsalita sa likuran ko. Agad naman akong lumingon sa taong naroon. Nakangisi siya sa akin.
“You’ve been searching for me, right?” tanong niya habang nakataas ang kaniyang kilay.
I scoffed in front of him. Naituro ko pa ang sarili ko.
“Ako? Hahanapin ka? Asa!”
Inirapan ko siya.
“I saw you. Kanina ka pa palinga-linga na para bang may hinahanap.”
Naningkit ang mga mata ko nang bumaling sa kaniya.
“And you assumed na ikaw ang hinahanap ko?”
Ngumiti siya sa akin. Marahan pa niyang inilapit sa akin ang kaniyang mukha at pinagmasdang mabuti ang reaksiyon ng mukha ko.
“Maybe.” mapang-asar niyang sambit bago naglakad palayo sa akin.
“Okay ka lang ba, Ira?”
Napatingin ako sa workmate kong si Leona nang marinig ang tanong niya.
“Oo, ayos lang ako.” sagot ko naman at umayos sa pagkakaupo. Muli akong tumingin sa mga papel na nasa harapan ko. Itinukod ko ang aking mga siko sa lamesa at saka ako napasabunot sa sarili ko. Ilang araw na rin ang nakalipas nang mangyari ang insidenteng iyon, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang hitsura ng lalaking iyon. Kahit sa panaginip ko ay ayaw niya akong lubayan. Ang nakakainis pa ay hindi ko man lang nalaman ang pangalan ng lalaking iyon. Ni isang information wala akong alam. Humugot ako nang malalim na hininga bago kinalabit ang katabi kong si Leona na abala sa kaniyang ginagawang report. Nang tumingin siya sa akin ay agad ko siyang binigyan ng peace sign.
“Bakit, Ira? May sasabihin ka?”
Sandali naman akong nag-isip kung itatanong ko ba itong bagay na kanina pa tumatakbo sa isip ko o hindi.
“Ano? Bilisan mo naman at may ginagawa ako.” reklamo niya.
Ngumuso ako sa kaniya.
“Leona, ano bang ibig sabihin kapag palagi mong napapanaginipan ang isang tao?”
Bigla namang napangiti si Leona sa tanong ko sa kaniya.
“Ibig sabihin noon, palagi mo siyang iniisip.”
Huminto ito at pinagmasdan akong maigi.
“Don’t tell me may nagugustuhan ka na.”
Tumawa naman ako at mabilis na umiling.
“No way. Alam mo namang wala sa priority ko iyang pagkakagusto sa mga lalaki.”
Ngumiti pang lalo si Leona na para bang nang-aasar.
“Hay nako, huwag kang magsalita ng tapos. Sabi nga nila, unexpected na darating yung taong magpapatibok ng puso mo. Hindi mo namamalayan na nakilala mo na pala siya. Hindi mo namalayang nahulog ka na pala.”
Napangiwi ako nang marinig ang sinabi ni Leona. Kahit kailan talaga napaka-hopeless romantic nitong babaeng ‘to. Ang ironic lang dahil karamihan ng kasong napupunta sa kaniya ay divorce case.
“Never akong magkakagusto sa isang lalaki, Leona hangga’t hindi ako tumutuntong sa edad sa bente otso, pinangako ko sa sarili ko na hindi ako puwedeng ma-inlove.”
Nagkibit-balikat lang si Leona at saka bumalik na sa kaniyang ginagawa.
Sa buong araw na iyon ay sinubukan kong mag-focus sa mga paperworks na ginagawa ko. Bandang hapon nang makatanggap akong muli ng isang tawag mula sa isang miyembro ng pamilya namin. This time it was a call from my brother Ivan Liam Fortalejo.
“Pinatatanong ni Dad kung uuwi ka raw ba this weekend sa birthday ni Lola Isadora.”
Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot.
“I’ll see what I can do, Kuya.”
“Pumunta ka, Ira. Minsan lang naman ang karaawan ni Lola sa isang taon. She’s expecting to see you. Don’t let her down. Isa pa, maraming dadalong bisita sa event. Maraming mga pulitiko ang imbitado. Dad will like it if you come and interact with these people.”
Napahawak ako sa aking sintido. Heto na naman tayo.
“The youngest Congressman of Ilocos Norte will come too. I believe that it will be a good thing if you meet him.”
Sa sobrang busy ko sa trabaho, pati pangalan ng congressman ng probinsiya namin ay nakalimutan ko na. Sinubukan kong isipin nang mabuti kung sino iyon pero hindi ko talaga maalala. Kapag umuuwi rin naman kasi ako sa Ilocos ay kadalasan isang linggo lang para magpahinga at makasama ang pamilya ko. I have no time to ask for other people’s information. I was mainly focused on myself and my family.
“Ano nga ulit ang pangalan noon, Kuya?”
I heard him sigh on the other line.
“Alexander Luis Araneta Romualdez. But he’s known as Sandro. Sandro Romualdez.”
Tumango naman ako. Nang matapos ang pag-uusap namin ay agad kong naisipang i-search sa web ang pangalang binanggit ni Kuya. The moment the pictures come out ay biglang nanlaki ang mga mata ko. That guy in the supermarket…
He’s the Congressman of the first district of Ilocos Norte?!
Ten years later… “Why are you always late, Papa? Alam mo namang graduation ko ngayon pero hindi ka pumunta.” reklamo ni Archer pagkarating ng kaniyang ama. Sandro looked at me. I gave him a small smile and went back again to the kitchen were all of the food are currently in preparation. Graduation event ni Archer ngayong araw. Maya-maya lamang ay darating na ang buong pamilya nina Sandro at ang pamilya ko para sa aming family dinner kaya ngayon ay naghahanda na kami. Ang problema, nangako si Sandro sa anak niya na pupunta siya sa school at sasamahan ako sa pagsasabit ng medal sa kaniyang anak na gumraduate bilang top student pero hindi niya nagawang makarating dahil marami siyang lakad na biglaan ngayong araw. It's been ten years after our wedding. I am now officially a Romualdez, ang maybahay ni Sandro Romualdez na nananatili pa ring Congressman ng unang distrito ng Ilocos Norte. And Archer, he’s not a small kid anymore. Hindi
Medyo madilim na nang magdesisyon kami ni Dad na umuwi na. Saktong naglalakad kami pabalik ng sasakyan nang tumawag ang kapatid kong si Ismael sa kaniya. Ang sabi nito ay umuwi na kami dahil pareho na kaming hinahanap ni Mommy. Habang nasa biyahe pauwi ay pareho kaming tahimik na nakikinig sa kanta na nagpe-play sa music player ng kaniyang sasakyan. Kapag nagkakatinginan kami ni Dad ay sabay kaming napapangiti.Habang nakamasid ako kay Dad, na-realize kong masuwerte pa rin ako sa kabila ng mga pinagdaanan ko. Masuwerte ako kasi kahit na ilang taon kaming hindi ganoon ka-okay, nagkaroon pa rin kami ng pagkakataon na magkaayos. Yung totoong magkaayos. Bumaling ako sa labas ng sasakyan at nakangiting pinagmasdan ang mga puno na aming nadaraanan.Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa bahay. Kumunot agad ang aking noo nang makitang lahat ng ilaw sa aming bahay ay nakapatay. Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Mas lalong kumunot ang aking noo nang
Nang sumunod na linggo ay naging abala na ang mga tao sa bahay. Ang mga kapatid ko ay may kaniya-kaniyang inaasikaso, ganoon din si Sandro kaya palaging wala ang mga ito sa bahay. Si Mommy naman ay laging nakasunod kay Kuya Isaac, kaya kadalasan ang naiiwan sa bahay ay kami ng anak ko, ang yaya niyang si Faye, ang iba pang helper sa bahay at si Dad. Tuwing MWF, palagi akong nasa opisina. Pag sumapit naman ang TTh ay sa bahay ako nagtatrabaho. Hindi kasi sanay si Archer na lagi akong wala sa bahay. Masyado siyang naging dependent sa amin ni Sandro sa mga nakalipas na araw. Sinulit din kasi ni Sandro ang pananatili niya sa bahay bago nagsimula sa pangangampanya.“Anak, may ginagawa ka ba?”Mabilis kong tinapos ang aking pag-inom ng tubig ay saka bumaling kay Dad na nakatayo sa pintuan ng dining room.“Wala naman po, katatapos ko lang. Bakit Dad, may iuutos po ba kayo sa akin?”Umiling naman siya.“Tinatanon
“Puwede bang huwag mo nalang ituloy ang kaso?”Marahas akong napalingon kay Sandro na kasalukuyang nakaupo sa aking kama. Pinagmasdan ko ang kaniyang posisyon. Ang kaniyang likod ay nakalapat sa headboard ng kama habang may maliit namang table na nakapatong sa kama. Nakapatong doon ang kaniyang laptop, dahil pansamantalang doon muna siya nagtatrabaho. Sa kaniyang kanan naman ay natutulog si Archer.“Huwag ituloy ang kaso?” pag-uulit ko sa kaniyang sinabi.Kunot-noong huminto sa aking ginagawa at walang ganang sinipa ang edge ng table. Gumalaw naman ang swivel chair na inuupuan ko palayo sa lamesa. Umayos ako sa pagkakaupo at pinag-ekis ko ang aking braso saka tuluyang humarap sa kaniya.“Gano’n nalang iyon?” taas-kilay kong tanong.He heaved a sigh. Alanganin siyang tumingin sa akin at saka marahang tumango.“Can you please let it go?”I scoffed at the idea of letting
“Mama, wake up!”Boses ni Archer at ang kaniyang marahang tapik sa aking braso ang nagpagising sa akin. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay agad napansin kong gabi pa rin. Naroon pa rin sina Tita Louise at Tito Ferdinand, magkatabing natutulog sa isang kama. Sina Simon at Vincent naman ay magkatabing natutulog sa sofa nang nakaupo. Bumaling ako sa aking anak na ngayon ay nakangiti sa akin.“Let’s visit Papa.” excited na saad niya.Tipid akong ngumiti sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi. I heaved a sigh when I noticed him being hopeful that I will allow him at his request.“Papa is still asleep, Aki. Nagpapahinga pa siya.”Archer pouted his lips.“But the nurse entered and said Papa’s already awake.”Bigla namang nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng anak ko. Napatayo ako sa kama nang wala sa oras at nagmadaling sinuot ang aking sandals. Hawak ang kaniyang
Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga magulang ni Sandro sa akin at kay Archer. Habang papalapit sila sa anak ko ay nagtatanong na tingin ang ibinibigay nila sa akin.“Ira, is this the little boy Sandro is talking about?”Bahagya akong yumuko dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin na binibigay ng ama at ina ni Sandro. Marahan akong tumango at saka naglakad palapit sa anak ko na kasalukuyang nasa harapan ni Tita Louise.Instead of getting afraid, ngumiti si Archer sa kaniyang Lola.“Are you Sandwo’s Mommy?” Archer asked his grandmother.Tita Louise nodded. Hindi ko alam kung masaya siya o malungkot nang makita niya ang kaniyang apo dahil sa biglang namuo ang luha sa kaniyang mga mata. Napaluhod ang mag-asawa sa harapan ng kanilang apo.“Are you his Dad?” this time, he asked his Lolo.Tito Ferdinand nodded. Mabilis na lumapit si Tito Ferdinand sa kaniyang apo at niyakap ito.