Pakiramdam ko ay natulos ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Anong ginagawa niya rito? Bakit kung kailan ganito ang hitsura ko, saka pa kami magkikita? Dahan-dahang bumaba ang aking paningin sa aking suot na pantulog. I was just wearing my button-down pajamas and my hoodie. And for Pete’s sake, naka-tsinelas lang ako! Tapos siya ang ganda ng suot. Iyong tipong a-attend ng isang semi-formal event. He’s wearing a dark blue longsleeves partnered with black pants. Bahagyang naningkit ang aking mga mata nang makita ko ang kaniyang suot na buckle belt. Even his belt screams elegance. Louis Philippe brand huh?
“So, you’re living here?”
Agad naman akong napaangat ng tingin sa kaniya. I put my left hand on my nape. My mannerism when I’m nervous and I don’t know what to say.
“Ah, yeah. Dito ako nakatira.”
Bumaling siya sandali sa pinto ng unit ko at saka muling tumingin sa akin.
“Are you sure?” tanong niya sa akin na para bang hindi kumbinsido na ako nga ang nakatira roon.
Bakit? Anong iniisip niya? That this might be someone’s unit and I’m just whoring out here?
Mahina akong natawa at marahang umiling. Kinuha ko ang susi ng unit sa bulsa ng aking hoodie at ipinakita iyon sa kaniya. Itinaas ko pang maigi iyon para makita niyang mabuti.
“So, your name is Ira?”
Nang maalala kong may kasamang key-chain na naka-engrave na name ko sa susi ng unit ay agad ko iyong ibinalik sa bulsa ko.
“Wala na dun!” inis na sambit ko sa kaniya. Hindi ko tuloy mapigilang mapairap sa kaniya. Guwapo nga, judgemental naman.
Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. He seemed amazed with me. That’s what I can see in his eyes.
“Alam mo, dumaan ka na lang.” saad ko at saka tumalikod na.
Sa hindi kalayuan ay may natanaw akong grupo ng mga tao na naglalakad patungo sa hallway kung saan naroon kami. Akmang maglalakad na ako nang biglang may humawak sa braso ko. Nang lumingon ako sa taong gumawa noon ay kumunot ang noo ko.
“Anong ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya. Nakakunot pa rin ang aking noo dahil naiinis pa rin ako sa kaniya.
“Stay with me for a while.” bulong niya sa akin.
Nakita kong ang tingin niya ay nasa mga taong papalapit. Pinaharap niya ako sa kaniya at nabigla ako nang yakapin niya ako. Nababaliw na yata itong lalaking ‘to.
“Oh my gosh, Charish. Is that Sandro? Why is he hugging some girl?” dinig kong tanong ng isang babae.
I saw the woman named Charish rolled her eyes. She wanted to act cool pero halata namang naiinis siya.
Sa buong buhay ko, hindi ko na-imagine na magagamit ako sa ganitong paraan.
“So, I have been used as a tool to make your ex-girlfriend jealous, am I right?” walang gana kong tanong sa kaniya.
Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap sa akin. Para ngang gusto ko na siyang itulak eh. Kung hindi ko lang siya kilala baka kanina ko pa siya sinikmuraan.
“You’re right and wrong.” aniya saka marahang hinagod ang likuran ko.
May hatid na kiliti ang kaniyang paghagod sa aking likuran.
“Ha?”
I heard him sigh.
“That girl wearing purple dress is my ex-girlfriend, Charish. But I didn’t hug you to make her jealous.”
Bahagya akong lumayo sa kaniya para tingnan siya.
“I want her to realized that I don’t like her anymore.”
Napasimangot ako sa sinabi niya.
“Bayaran mo ako ha. Mahal ang acting fee ko.”
Ilang sandali pa ay dumaan na ang grupo ng babae. Nagpaparinig pa ang mga ito sa aming dalawa. I even rolled my eyes. As if I care about what they say. Hinintay lang namin na makapasok iyong mga babae sa isang unit. Nang makapasok na ang mga ito ay mabilis akong lumayo sa kaniya.
Narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa kaya naman tumaas ang kilay ko.
“You looked so cute, you know.”
“Hindi ako nagpapauto sa mga heartbreaker.”
Mas lalo pa siyang natawa.
“Why? Do you think I’m a heartbreaker?”
Nginisihan ko siya.
“That’s what heartbreaker says.” sagot ko naman saka nagkibit-balikat.
“Congressman Sandro Romualdez!”
Sabay kaming napalingon sa taong paparating. My eyes widened a bit when I saw the person coming. What the hell is he doing here? Agad kong kinuha ang susi sa aking bulsa at nagmadali akong humarap sa doorknob ng aking condo para buksan iyon. Nakita ko naman ang mukha ni Sandro na bahagyang naguguluhan sa kinikilos ko.
“Attorney Ira Fortalejo?”
Too late. Dahan-dahan akong humarap sa lalaking naglalakad palapit sa amin.
“Lincoln Sullivan, right?” nakangiti kong tanong.
“Ah, yeah. Don’t tell me nakalimutan moa ko agad, Attorney?”
Alanganin akong tumawa at tumingin kay Sandro. I gave him a please-save-me-look.
The thing is, I knew this guy. Anak siya ng isa sa mga naging kliyente ko sa Law Firm. He’s a nice guy actually. Guwapo rin ito at mukhang disente. We’re totally cool back then. I thought he’s just really friendly to people around him. But when he asked me if he can court me, doon na nagbago ang paningin ko sa kaniya. Suddenly, he looked like he’s really obsessed to ask me out. Kaya magmula noon ay iniwasan ko na siya. Halos tatlong buwan ko na nga siyang hindi nakikita eh, ngayon na lang ulit. At dito pa talaga sa labas ng unit ko. Kung minamalas ka nga naman!
“What are you doing here, Attorney? Is here where you live?”
Marahil ay nakita niya ang ayos ko kaya naman iyon agad ang naitanong niya.
Agad naman akong tumawa at umiling.
“No. Ah… siya! Siya yung nakatira rito.”
Gulat na bumaling si Lincoln kay Sandro.
“Is that true?”
Sumenyas ako sa kaniya na um-oo siya. Akala ko nga ay ilalaglag niya ako dahil sa tagal niyang sumagot.
“Ah, yes. This is one of my condo here in Manila.”
Mas lalong kumunot ang noo ni Lincoln.
“If this is your unit, then why is Attorney Fortalejo wearing a sleepwear?”
“Ang dami mo namang tanong Mr. Sullivan—”
“She’s staying with me. She’s my girlfriend.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sandro. Nababaliw na ba siya?
“Oh, I thought that Atty. Fortalejo is single. Akala ko rin ay single ka, Congressman.” naguguluhang saad nito.
Umiling si Sandro at nagkibit-balikat.
“Maraming namamatay sa maling akala.”
Agad na nagbago ang hitsura ni Lincoln. Kung kanina ay nakangiti ito, ngayon ay halos hindi na maipinta ang mukha nito sa sobrang inis. Padabog ito na naglakad patungo sa unit na pinasukan din ng ex ni Sandro kasama ang mga kaibigan nito.
“I didn’t expect to become the Congressman’s girlfriend tonight.” natatawang sambit ko.
“I didn’t know that my girlfriend is a lawyer.” he fired back.
Inirapan ko siya saka walang ganang tumalikod at naglakad na patungong elevator. Nang mapatingin ako sa wristwatch na suot ko ay saka ko lang napagtantong mag-a alas onse na. Napabuntong-hininga ako at sumandal sa wall ng elevator habang hinihintay itong magsara. Grabeng traffic naman ang inabot ko sa hallway na iyon.
“Can I join you?”
Napaismid ako nang makita si Sandro sa labas ng elevator. Oh? Akala ko ba pupunta siya sa event doon sa isang unit? Anong ginagawa niya rito ngayon?
“Naisip kong hindi nalang pumunta ng event.”
I scoffed in front of him.
“Go away.” I said.
Ten years later… “Why are you always late, Papa? Alam mo namang graduation ko ngayon pero hindi ka pumunta.” reklamo ni Archer pagkarating ng kaniyang ama. Sandro looked at me. I gave him a small smile and went back again to the kitchen were all of the food are currently in preparation. Graduation event ni Archer ngayong araw. Maya-maya lamang ay darating na ang buong pamilya nina Sandro at ang pamilya ko para sa aming family dinner kaya ngayon ay naghahanda na kami. Ang problema, nangako si Sandro sa anak niya na pupunta siya sa school at sasamahan ako sa pagsasabit ng medal sa kaniyang anak na gumraduate bilang top student pero hindi niya nagawang makarating dahil marami siyang lakad na biglaan ngayong araw. It's been ten years after our wedding. I am now officially a Romualdez, ang maybahay ni Sandro Romualdez na nananatili pa ring Congressman ng unang distrito ng Ilocos Norte. And Archer, he’s not a small kid anymore. Hindi
Medyo madilim na nang magdesisyon kami ni Dad na umuwi na. Saktong naglalakad kami pabalik ng sasakyan nang tumawag ang kapatid kong si Ismael sa kaniya. Ang sabi nito ay umuwi na kami dahil pareho na kaming hinahanap ni Mommy. Habang nasa biyahe pauwi ay pareho kaming tahimik na nakikinig sa kanta na nagpe-play sa music player ng kaniyang sasakyan. Kapag nagkakatinginan kami ni Dad ay sabay kaming napapangiti.Habang nakamasid ako kay Dad, na-realize kong masuwerte pa rin ako sa kabila ng mga pinagdaanan ko. Masuwerte ako kasi kahit na ilang taon kaming hindi ganoon ka-okay, nagkaroon pa rin kami ng pagkakataon na magkaayos. Yung totoong magkaayos. Bumaling ako sa labas ng sasakyan at nakangiting pinagmasdan ang mga puno na aming nadaraanan.Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa bahay. Kumunot agad ang aking noo nang makitang lahat ng ilaw sa aming bahay ay nakapatay. Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Mas lalong kumunot ang aking noo nang
Nang sumunod na linggo ay naging abala na ang mga tao sa bahay. Ang mga kapatid ko ay may kaniya-kaniyang inaasikaso, ganoon din si Sandro kaya palaging wala ang mga ito sa bahay. Si Mommy naman ay laging nakasunod kay Kuya Isaac, kaya kadalasan ang naiiwan sa bahay ay kami ng anak ko, ang yaya niyang si Faye, ang iba pang helper sa bahay at si Dad. Tuwing MWF, palagi akong nasa opisina. Pag sumapit naman ang TTh ay sa bahay ako nagtatrabaho. Hindi kasi sanay si Archer na lagi akong wala sa bahay. Masyado siyang naging dependent sa amin ni Sandro sa mga nakalipas na araw. Sinulit din kasi ni Sandro ang pananatili niya sa bahay bago nagsimula sa pangangampanya.“Anak, may ginagawa ka ba?”Mabilis kong tinapos ang aking pag-inom ng tubig ay saka bumaling kay Dad na nakatayo sa pintuan ng dining room.“Wala naman po, katatapos ko lang. Bakit Dad, may iuutos po ba kayo sa akin?”Umiling naman siya.“Tinatanon
“Puwede bang huwag mo nalang ituloy ang kaso?”Marahas akong napalingon kay Sandro na kasalukuyang nakaupo sa aking kama. Pinagmasdan ko ang kaniyang posisyon. Ang kaniyang likod ay nakalapat sa headboard ng kama habang may maliit namang table na nakapatong sa kama. Nakapatong doon ang kaniyang laptop, dahil pansamantalang doon muna siya nagtatrabaho. Sa kaniyang kanan naman ay natutulog si Archer.“Huwag ituloy ang kaso?” pag-uulit ko sa kaniyang sinabi.Kunot-noong huminto sa aking ginagawa at walang ganang sinipa ang edge ng table. Gumalaw naman ang swivel chair na inuupuan ko palayo sa lamesa. Umayos ako sa pagkakaupo at pinag-ekis ko ang aking braso saka tuluyang humarap sa kaniya.“Gano’n nalang iyon?” taas-kilay kong tanong.He heaved a sigh. Alanganin siyang tumingin sa akin at saka marahang tumango.“Can you please let it go?”I scoffed at the idea of letting
“Mama, wake up!”Boses ni Archer at ang kaniyang marahang tapik sa aking braso ang nagpagising sa akin. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay agad napansin kong gabi pa rin. Naroon pa rin sina Tita Louise at Tito Ferdinand, magkatabing natutulog sa isang kama. Sina Simon at Vincent naman ay magkatabing natutulog sa sofa nang nakaupo. Bumaling ako sa aking anak na ngayon ay nakangiti sa akin.“Let’s visit Papa.” excited na saad niya.Tipid akong ngumiti sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi. I heaved a sigh when I noticed him being hopeful that I will allow him at his request.“Papa is still asleep, Aki. Nagpapahinga pa siya.”Archer pouted his lips.“But the nurse entered and said Papa’s already awake.”Bigla namang nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng anak ko. Napatayo ako sa kama nang wala sa oras at nagmadaling sinuot ang aking sandals. Hawak ang kaniyang
Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga magulang ni Sandro sa akin at kay Archer. Habang papalapit sila sa anak ko ay nagtatanong na tingin ang ibinibigay nila sa akin.“Ira, is this the little boy Sandro is talking about?”Bahagya akong yumuko dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin na binibigay ng ama at ina ni Sandro. Marahan akong tumango at saka naglakad palapit sa anak ko na kasalukuyang nasa harapan ni Tita Louise.Instead of getting afraid, ngumiti si Archer sa kaniyang Lola.“Are you Sandwo’s Mommy?” Archer asked his grandmother.Tita Louise nodded. Hindi ko alam kung masaya siya o malungkot nang makita niya ang kaniyang apo dahil sa biglang namuo ang luha sa kaniyang mga mata. Napaluhod ang mag-asawa sa harapan ng kanilang apo.“Are you his Dad?” this time, he asked his Lolo.Tito Ferdinand nodded. Mabilis na lumapit si Tito Ferdinand sa kaniyang apo at niyakap ito.