Chapter 3

The truth is, I was shocked hearing that news from my brother. I didn’t even expect that the Congressman of Ilocos Norte is that young and handsome. Sa totoo lang naman kasi, bihira talaga ang pulitiko na guwapo. Iilan nga lang iyong kilala ko.

Nang makabalik ako ng aking upuan ko ay napatingin ako sa isang folder sa aking lamesa. Kumunot ang noo ko at agad na kinuha ito. Nang basahin ko iyon ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Wala naman ito kanina rito ah. Sino kaya ang naglagay? Sandali lang akong umalis para sagutin ang tawag ng kapatid ko, tapos pagbalik ko mayroon ng ganito?

Bumaling ako agad kay Leona para magtanong pero hindi rin nito alam kung sino ang naglagay noon sa lamesa ko dahil pag-alis ko kanina ay umalis din daw siya para mag-yosi break. Nagtanong din ako kay Dean pero kibit-balikat lang ang sinagot nito. Mukhang busy rin ito sa kaniyang ginagawa. Ni hindi ito makaharap sa akin para sagutin ang tanong ko. Sa pagkakataong iyon, isa na lang ang naiisip kong paraan para malaman kung sino ang naglagay ng folder na iyon sa table ko.

Tumayo ako at agad na naglakad patungo sa opisina ni Boss. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako pumasok sa loob.

Agad na nakita ko si West na nakaupo sa sofa. Mukhang busy ito sa paglalagay ng mga files sa folder. Pero agad itong tumayo nang makita ako para bumati.

Napaangat naman ng tingin sa akin ang Head ng De Silva Law Firm na si Attorney Karlo De Silva.

“Good afternoon, Attorney.” bati ko rito.

Tumango naman ito sa akin saka sumenyas na lumapit ako sa kaniya. Habang naglalakad ako ay nakita kong napatingin sa hawak ko si West. Marahan itong umiling saka bumalik sa pagkakaupo.

“Nagtataka lang po ako kung bakit nasa table ko po itong folder, Attorney.” lakas-loob na sambit ko.

Bumaba naman ang tingin ni Attorney De Silva sa hawak ko. Ipinag-ekis niya ang kaniyang dalawang braso at sumandal sa backrest ng swivel chair.

“Nagkamali po yata si West ng pinaglagyan na table, Attorney.”

Umiling is Attorney De Silva at matamang tumitig sa akin.

“Hindi ako nagkamali sa pinaglagyan ko ng folder na iyan, Attorney Fortalejo.”

Hindi agad rumehistro sa utak ko ang sinabi ni Atty. De Silva. Ilang Segundo pa ang lumipas bago ko naintindihan ang gusto niyang iparating sa akin. Ibig bang sabihin, siya talaga ang naglagay nito sa table ko?

“Attorney, hindi ho ba ay malinaw ko nang tinanggihan ang case na ‘yan. Kasisimula pa lang ho ng karera ko sa pagiging abogado. Parang napakabigat naman po agad ng gusto niyong ipagawa sa akin.”

Umayos siya sa pagkakaupo. Pinagsiklop niya ang kaniyang mga daliri saka tumitig sa akin.

“Wala ka bang tiwala sa sarili mong kakayahan, Attorney Fortalejo?”

Pakiramdam ko ay sinampal niya ako sa mukha gamit ang kaniyang mga salita. What the hell is he talking about? Bakit naman ako mawawalan ng tiwala sa sarili kong kakayahan? I know myself better than anyone.

“Kasi kung wala kang tiwala sa sarili mo, puwes ako meron.”

Sinalubong ko ang titig ni Atty. De Silva. I’m sure seconds ago, I was pissed. Tapos bigla siyang magsasalita ng ganoon. Hindi ko na tuloy alam kung anong mararamdaman ko ngayon.

“I’m not asking you do it right away. The client said that he will wait for our approval. Kaya binibigyan kita ng pagkakataon na i-review ang case na iyan. Review it and when you found it interesting, feel free to tell me and I’ll give that case to you immediately.”

Napalunok ako ng ilang beses habang pinagmamasdan ang folder na hawak ko. I can’t believe that I accepted his proposition. Kanina pa ako nakauwi pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagagawa. Mag-iilang oras na akong nakatitig sa folder na hawak ko. Hindi ko alam kung may lakas ba ako ng loob ngayon na buksan ito at tingnan ang laman nito.

Nakailang buntong-hininga pa ako bago ako nagdesisyon na tumayo para maligo. Iniwan ko lang ang folder sa working table ko. Naglakad ako patungo sa cabinet na lagayan ng aking mga damit para kumuha ng pair of pajamas na susuotin ko pagkatapos maligo.

Habang naliligo ay nag-iisip na rin ako ng puwedeng iregalo sa Lola namin na magbi-birthday sa weekend. Lola have it all. Lahat ng bagay na gusto niya ay nakukuha niya. Simple lang naman ang dahilan. Mayaman siya kaya madali siyang nakakabili ng mga gamit na gusto niya. Kaya mahirap mag-isip ng puwedeng iregalo sa kaniya. Our Lola is also strict. Mas strict pa siya sa mga magulang ko. Kung strikto siya sa mga kapatid kong lalaki at iba ko pang mga pinsan, mas lalo siyang strikto sa akin, dahil sa pinakabatang henerasyon ng aming pamilya, ako lang ang nag-iisang babae.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako. Paglabas ko ng banyo, dumiretso ako sa kusina para initin ang pagkain na niluto ko kaninang una na nilagay ko sa ref. Inilagay ko lang iyon sa microwave saka ako naglakad pabalik ng aking kuwarto para ayusin ang hitsura ko.

I did my usual routine. Pagkatapos noon ay kumain na rin ako at nagsipilyo. This is what I enjoy the most living far away with my parents and my province. Iyong nagagawa ko ang mga bagay na normal nang walang nakamasid sa akin. Mas gusto ko mag-isa. Mas nakakapag-enjoy ako at mas nakikilala ko ang sarili ko kapag mag-isa ako. For such a long time, I’ve been craving for peace of mind, to stay away from my family. Magmula ng makapagtapos ako sa kolehiyo sa kursong Political Science ay wala na silang ibang gusto para sa akin kundi sumabak sa pulitika. I don’t like to be in politics. Iyon ang isa sa mga bagay na alam ko. Ayoko at wala sa plano ko. I know that time, hindi na ako makakaalis ng Ilocos dahil wala nang rason para bumalik ako ng Manila. Tapos na akong mag-aral noon sa Ateneo. But then an idea came into my mind. I told them that I will be studying for my master’s degree in La Salle so I have to go back in the city. But that was just a lie. Instead of me enrolling in La Salle, I ended up enrolling in San Beda for Law School.

Iyon ang isa sa mga rason kung bakit halos isang taon kaming hindi nag-usap ni Dad. Masama ang loob niya sa pagpasok ko sa Law School. Pero wala pa rin silang nagawa dahil masaya ako sa ginagawa ko. Ilang taon din akong hindi umuwi noon dahil alam kong bukod sa dismayado pa rin sa akin ang mga magulang ko, alam ko ring hindi ko pa kayang harapan ang Lola Isadora. Panigurado kasing hindi magandang salita ang matatanggap ko sa kaniya.

Humugot ako ng malalim na hininga saka ibinaling atensiyon sa folder. Dahan-dahan ko iyong binuksan at binasa ang laman nito. The more I read it, the more it gets interesting.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang biglang tumunog ang phone ko. Napatingin naman ako agad dito at chineck kung sino ang nag-text. I thought it was something important pero spam message lang pala. Bumaling ako sa orasan at nakitang alas diyes palang ng gabi. Tumayo ako sa aking upuan at lumabas para kumuha ng maiinom. Kadalasan ay beer in can ang iniinom ko kapag ganitong oras pero naubusan yata ako ng stock. Bakit ba kasi hindi ko naaalalang bumili kahapon sa supermarket ng stock?

Tamad akong naglakad pabalik ng aking kuwarto. Kinuha ko lang ang wallet ko at saka ang hoodie ko. Sinuot ko iyon bago ako lumabas ng condo unit ko. The moment I stepped outside my unit ay isang pamilyar na lalaki ang dumaan sa harapan ko. Nadaraanan kasi talaga ng mga tao itong area ng sa akin kaya hindi na bago sa akin kung may makakasalubong man ako. Ang kaso, iba itong pagkakataong ito dahil ang lalaking dumaan lang naman sa harapan ko ay si Sandro Romualdez. Iyong lalaking nakilala ko sa supermarket na congressman ng probinsiya namin.

Akala ko ay hindi ako nito napansin pero nagulat ako nang bigla itong lumingon sa akin. Nakita kong kumunot ang kaniyang noo at saka napangiti nang matandaan ako.

“Hi, it’s nice to see you again.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jalal Janey Hadji Ismael
nnapakah gndah ang
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status