Share

The Billionaire's Scandal
The Billionaire's Scandal
Author: Inara Syndrome

KABANATA I

'Babe it's been 1 week since the last time that we talk. Nung nagpunta pa ako diyan sa pad mo. And after that, wala ka nang paramdam. Galit ka pa rin ba kasi ayaw ko pumayag na may mangyari sa atin kahit three years na tayo? Okay ka lang ba? Please let me know naman para hindi ako nag-aalala sa 'yo ng ganito.' Chat ko sa boyfriend ko. 

Bumuntong hininga ako nang malalim at nilagay ang cellphone sa sling bag ko na ako mismo ang nag-design na Villanueva Bag at isa sa mga collections ko.

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang lamesa ko sa dulo ng office na puno ng b****a. Wala naman iyon nang umuwi ako kagabi. Palagi na lang ganito ang umaga ko.

"That bitch," tiim-bagang na bulong ko. Alam ko na agad kung sino ang may kagagawan niyon.

"Miss Mallory Villanueva, right?" paniniguro ng babaeng di katangkaran at makapal ang make up na humarang sa daanan ko. Nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa ID ko.

Magsasalita pa lang sana ako nang bigla niya na lang akong hinila sa braso at kinaladkad ng mabilis. Halos madapa ako sa paraan ng paghila niya sa akin. Nagtawanan naman ang mga tao sa paligid namin at ang iba naman ay napapangiwi saka umiiling.

"Sandali nga miss!" sigaw ko sabay bawi ng braso ko sa kanya. 'Sin--" 

"I'm the new secretary of Miss Arabella Villanueva, your boss." Putol nito sa sasabihin ko. "There's an urgent meeting and you are already 30 minutes late. The meeting was eight-thirty in the morning and it's already nine o’clock. Did you forget your obligation?" mataray na dugtong pa nito at inirapan ako.

"What the heck! She's not my boss and as far as I know the meeting was at ten." Inayos ko ang damit ko at tiningnan ang relo kong suot.

Alam kong may meeting ngayon dahil ako at ang team ko ang magpe-present for approval ng bagong luxury bags na ako mismo ang nag-design. Para iyon sa Fall Collection ng Villanueva bag brand pero ten o'clock  ang sabi ng kapatid kong si Arabella the Insekyora. 

"Well, now you know. Go to the conference room now, Miss," mataray na sagot nito sa 'kin sabay hablot ulit sa braso ko at hinila ako ng mabilis.

Bago pa kami makapasok ng conference room ay malakas kong hinila ulit ang braso ko sa kanya. Sa pagkakataong ito ay sinampal ko na siya.

"Let me clear these things to you, bitch! You don't have the right to disrespect me because in the first place, I'm the second granddaughter of the owner of this company.” Nagtitimpi na sabi ko sa kanya habang dinuduro siya. “Second, I'm much in a higher position than you. And lastly, Arabella, your fucking boss is under me, okay? She's not my fucking boss. Why does she need an unprofessional secretary like you anyway? Kunsabagay pare-pareho naman kayo ng mga alipores niya." 

Tumawa naman siya ng pagak na ikinataas ng kilay ko.

"C'mon miss. That's not what Miss Arabella told me. So stop pretending. Hindi kasi bagay," natatawang sabi niya habang umiiling.

"What the--" Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko at mahablot ang buhok niya ay binuksan niya ang pintuan at malakas na tinulak ako papasok sa loob kaya nawalan ako ng balanse. Napasubsob ako sa sahig.

Walangya talaga lahat ng alipores nitong insekyora na 'to. Manang mana sa kanya.

Narinig kong nagtawanan ang mga tao sa loob.

"Mallory! Tumayo ka diyan. Late ka na nga, tatanga-tanga ka pa!" sigaw ng pamilyar na tinig. Si Dad.

"Oh my god, Mallory. You’re embarrassing us to the shareholders," maarteng wika ng kapatid kong insekyora.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko.

"I apologize for the inconvenience ladies and gentlemen." Tumingin ako sa paligid. 

"Sit down, Mallory," maawtoridad na wika ng lolo ko. Nakatigin ito sa akin na may pagbabanta. Mukhang sandamakmak na mura na naman ang maririnig ko nito mamaya.

"Your turn now, Miss Mallory," sabi sa akin ng isa sa mga team ko.

Tumango ako rito at pumunta sa unahan.

Tumikhim ako bago sensyasan ang sekretarya kong alipores din yata ni Arabella na i-play ang presentation ko. Hindi man lang ako nito tinawagan kanina para sabihing nagbago ang oras ng meeting at late na ako.

Nagulat ako nang biglang nagtawanan ang mga tao. Lalo na ang kapatid kong insekyora. 

Except kay Dad na tumingin sa akin na parang lalamunin ako at si Lolo na madilim ang mukha.

Dahan-dahang nilingon ko ang gilid ko kung nasaan ang malaking projection screen at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na ang naka-play doon ay ang video ko nang malasing ako sa party ni Arabella sa mansion namin. Nilagyan kasi niya ng kung anong substance ang alak ko kaya para akong baliw na nagsasayaw sa ibabaw ng lamesa sa harap ng lahat. Naalala ko pa ang ilang sampal at mura na natamo ko ng mahimasmasan ako n'on kinabukasan.

"Goddamit! Stop the video! Stop it! I said stop it!" Nagulat at napasinghap ako sa sigaw ni Daddy na nanggagalaiti ngayon sa galit. Nakatayo pa ito habang hinahampas ng folder ang lamesa."You are really a disgrace to this family, Mallory!" dugtong pa ni Dad na mas masakit kaysa sa pamamahiya ng kapatid ko.

Tumingin ako sa paligid. Nangilid ang mga luha ko nang makita ko kung paano ako pagtawanan at tingnan ng mga tao sa loob ng office. Ang iba ay makikita ang disappointments habang umiiling. Si Lolo naman ay tumayo at umalis ng conference room saka pabagsak na isinara ang malaking pintuan.

Alam ko na ang kahihinatnan ko nito mamaya kaya nagkusa ang mga paa ko na umalis sa kinatatayuan ko at patakbong lumabas hanggang sa makababa ako ng parking lot. Pumasok ako sa loob ng sasakyan ko at doon ko binuhos ang nga luha ko at hinanakit.

Ilang minuto pa ang lumipas nang mahimasmasan ako sa pag-iyak at inayos ang sarili.

Kung babalik ako sa taas, masasaktan lang naman ako. Itinukod ko ang noo sa malamig na manibela upang pawiin ang sakit ng ulo ko dahil sa pag-iyak at sa mga nangyari kanina.

Mas maigi pang mag-unwind at pumunta sa jowa ko.

Napaayos ako ng upo.

"Tama. Si Tyronne nga pala. Puntahan ko na lang siya at baka kung ano na nangyari do'n," sabi ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang cellphone sa bag at tiningnan kung may reply ba siya, pero wala. Kahit missed call ay wala rin.

Nagmamadaling ibinato ko ang cellphone ko sa likod at nagmaneho papunta sa condominium ng boyfriend ko.

Bakit kaya wala iyon paramdam? Okay lang kaya siya? Ano kaya nangyari do'n?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vincent Pogi
Grabe namang pamilya yan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status