Share

KABANATA VI

Makalipas ang dalawang buwan ay tahimik ang mundo ko. Mas masaya pala kapag malayo sa mga taong nanakit at ayaw sa 'yo. Mas peaceful ang isip at buhay mo. Kahit may mga ilang tao ang nakakakilala sa akin at nangungutya ng dahil sa video scandal.

"Hija, naibenta ko na ang mga naani nating mga gulay," bungad sa akin ni Tata Rico nang pumasok siya sa bahay na pinatayo ko sa nabili kong lupa dito sa North Luzon. Gamit ang maliit na ipon ko mula sa pagtatrabaho sa kumpanya ni Lolo Victor.

"Sige po. Kumain na po muna kayo," sabi ko at ngumiti sa matanda. "Nanay Martha, nandito na po si Tata Rico." Tawag ko sa asawa ng matandang lalaki.

"Sandali. Nariyan na," sagot nito mula sa kusina.

"Tulungan ko na po kayo," sabi ko saka tumayo.

Hindi pa ko nakakahakbang nang mapahawak ako bigla sa lamesa. Napapikit din ako ng mariin nang biglang umikot ang paningin ko at para akong nalulula.

"Hija, ayos ka lang ba? Anong nangyayari sa 'yo?" Narinig kong tanong ni Tata Rico sa akin sa nag-aalala na tono. "Martha, halika muna rito. Magmadali ka." Natataranta na tawag nito sa asawa.

Tumango ako bilang sagot dito. 

"Mallory, may masakit ba sa 'yo, neng? Ikaw naman kasing bata ka, sabi sa 'yong magpahinga ka kahit konti pero ayaw mong magpaawat. Kahit tirik na tirik na ang araw e sige ka pa rin sa pagtatanim mo ng gulay," Mahaba na litanya ni Nanay Martha na nasa tabi ko na pala. "Ayos ka lang ba? Dadalhin ka na ba namin sa hospital?" tanong pa nito.

Sasagot na sana ako nang biglang nanlabo ang mga mata ko hanggang sa maging madilim na ang buong paligid.

Nang magising ako ay bumungad sa akin ang puting kisame. Tumingin ako sa paligid at nakita ang dalawang matanda na nasa gilid ko sa di kalayuan na nakaupo. Tulog ang mga ito.

Si Tata Rico ang may ari ng lupang binili ko. Sila rin ang katuwang ko magtanim at mag-ani ng mga gulay. Pati na ang magbenta ng mga iyun. 

Naalala ko pa no'n, habang naghahanap ako ng matutuluyan sa baryong ito ay nakita ko silang dalawa na nagmamakaawa sa isang lawyer sa labas ng bakod nila. Naawa ako dahil nakaluhod na ang dalawa sa harap ng lalaking iyon na matigas ang puso. Hinayaan lang nito ang dalawang matanda na nakaluhod at nagmamakaawa sa ilalim ng matinding sikat ng araw.

Sa awa ko ay nagkusa ang mga paa kong ihinto ang sasakyan at lumakad palapit sa kanila para alamin ang nangyayari. Nakasangla pala ang lupa nila sa bangko dahil sa kaisa-isang anak nilang sugarol. Sinangla nito ang lupa nila ng walang pahintulot ng dalawa. Palibhasa ay hindi sila marunong magbasa kaya mabilis silang napa-pirma sa isang kasulatan na di nila alam at naiintindihan ang nilalaman. Nagtiwala rin kasi sila sa mandarambong nilang anak na kahit sila mismo na mga magulang ay nakuha nito na gawan ng masama.

"Magandang hapon." Nabalik ako sa kasalukuyan nang may lumapit sa akin na doktor.

"Dok, okay lang po ba ko? Bakit po ako nawalan ng malay? May problema  po ba sa 'kin?" sunud-sunod kong tanong sa kanya. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa kaba.

Ngumiti ito at nagwika, "Huminahon ka, Miss Villanueva. Masyadong batak at pagod ang katawan mo sa trabaho. Saka after some test that we made ay nalaman namin na…" lumapit ito sa akin saka ngumitj.

"Ano po ang nalaman niyo, dok?" Nakakunot ang noo na tanong ko. Ramdam ko rin na tagaktak ang pawis sa noo ko.

"You are pregnant. Congratulations. Marahil naninibago rin ang katawan mo dahil sa isa pang buhay na nasa sinapupunan mo," masiglang wika nito. Napanganga ako, gulat na gulat sa sinabi ng doktor.

P-pregnant? Ako? Buntis ako? Paano?

"Kaya, Misis, bawas-bawasan mo ang pagtatrabaho ng mabigat at magpakapagod ng husto para hindi ka masyadong mahilo. Makakasama rin iyun para kay baby dahil matatagtag siya," dagdag pa ng doktor. "Maiwan na muna kita, hija. Sa ngayon ay magpahinga ka na muna at mag-relax. Bibigyan din kita ng reseta ng mga kailangan mong bitamina pati na ng pampakapit ng bata. Pwede ka na rin umuwi mamaya." Nakangiting umalis ito sa harapan ko at iniwan akong naguguluhan pa rin.

Buntis ba talaga ako?

"Oo nga pala. Dalawang buwan na kong hindi dinadatnan." Napahawak ako sa ulo ko at napasabunot. 

Iyung hayop na iyon. Matapos akong husgahan at pinagkamalan na isang escort, binuntis ako!

"Hija, gising ka na pala. Nakausap mo na ba ang doktor?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko. Si Nanay Martha at Tata Rico.

Gising na pala ang dalawang matanda nang hindi ko namamalayan.

Pilit akong ngumiti saka tumango.

"Ayos lang daw po ako. Masyado lang daw po akong napagod at kailangan lang na magpahinga." sabi ko at huminga ng malalim. "Pwede na rin daw po tayong umuwi mamaya," dagdag ko pa.

"Ganun ba. Buti naman. Kaya ikaw, sundin mo ako. Magpahinga ka rin. Huwag ka masyadong magpapagod," wika ni Nanay Martha at pinisil ang kamay ko saka ngumiti.

"Nagugutom ka na ba, hija?" Marahang tumango ako bilang sagot. Hindi ko kasi mabuka ang bibig dahil parang maiiyak ako anumang oras kapag nagsalita. "Bibili lang ako ng pagkain natin," sabi pa ni Tata Rico saka umalis.

"Magbabayad lang din ako sa cashier, Mallory. Dito ka na muna. Magpahinga ka habang nag-aantay," sabi naman ni Nanay Martha saka binitbit ang itim niyang maliit na hand bag palabas ng kwarto

Nang maglaho sa paningin ko ang dalawang matanda ay napayuko ulit ako at napatitig sa maliit ko pa na puson. Nanginginig ang mga kamay na marahan kong hinaplos iyon ng isang kamay.

"Baby? Deserve mo ba kong maging mommy? Pasensya ka na." Unti-unting namasa ang mga mata ko at nangilid ang mga luha. "Hindi ko alam kung bubuhayin ba kita o ano dahil baka hindi ko maibigay lahat ng pangangailangan mo. Hindi ko rin kasi alam kung tatanggapin ka ba ng daddy mo." Sunud-sunod na pumatak ang mga luha ko sa pisngi "Baka lumaki kang malungkot dahil hindi kumpleto ang pamilya mo at matulad sa akin na hindi minahal ng nakagisnan kong pamilya," sabi ko pa saka pinunasan ang mga luha ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang alam ko lang, kailangan ng anak ko ang ama niya. Kailangang malaman ng hambog na iyon na nabuntis niya ako. Kailangan kong bumalik ng Manila ulit at hanapin ang lalaking iyun.

Inara Syndrome

Hi. Masayang araw. Sana ay nagustuhan niyo ang pagbabasa ng aking nobela. Lubos akong nagpapasalamat sa iyong pagbibigay ng atensyon at pagsubaybay sa kwentong ito. Salamat din kung idinagdag mo ang libro ko sa iyong library at nagbigay ng boto/gems.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status