INICIAR SESIÓNGinawa ni Mallory ang lahat para matanggap siya ng kanyang pamilya. Simula't sapul ay sinunod niya lahat ng gustuhin ng mga ito ngunit dahil lang sa isang pagkakamali ay lalo siyang kinamuhian ng lahat. Upang makaligtas sa matinding kahihiyan ay ipinagkasundo siya sa lalaking hindi niya mahal. Ngunit anong gagawin niya kung ang lalaking ipakakasal pala sa kanya ay ang taong nang-insulto sa pagkatao n'ya? Ang masaklap pa ay fiancee pa pala ito ng kanyang kapatid. Paano niya ngayon haharapin ang gulong napasok n'ya?
Ver más"Where do you think you're going?" Nagitla ako nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa ‘kin si Caleb. "M-ma-maglalakad-lakad lang ako," pagsisinungaling ko sabay iwas ng tingin. Narinig ko siyang ngumisi kaya natatarantang tumalikod ako at ibinaba ang malaki kong bag sa malapit na upuan. "Are you planning on running away again? Huh?" Tanong niya pero nanatili akong nakatalikod. "With my baby in your womb?" Marahan niyang hinila ang braso ko dahilan para mapaharap ako sa kanya. Tiningnan ko siya at umiwas ulit ng tingin sabay kagat ng labi ko. Bakit ba ako naiilang sa lalaking ito? At ano naman sasabihin ko sa kanya? Ayoko magpakasal. "Look, Mallory. The wedding is for formality only," umpisa nito habang matamang nakatingin sa akin. "Also for your old f art's sake because he's getting on my nerves everyday." Tumingin ako sa mga mata niya. Kumunot ang noo ko nang makitang nakatitig siya sa labi ko. Hindi rin nakaligtas sa'kin ang marahan niyang paglunok. "You know… you look ver
Mallory's POV "Mabuti naman gising ka na, Mallory." Napalingon ako sa nagsalita, si Lolo Victor pala. Binitawan ko ang hawak na kutsara at tinidor dahil lalo akong nawalan ng gana kumain nang makita ko na nakangiti ang matandang ito. Wala na ngang lasa mga pagkain dito, may bwisita pa. "Kumain ka ng marami, hija. Magpalakas ka para hindi malaglag ang bata sa sinapupunan mo at maging malusog. Huwag mo pabayaan ang pagbubuntis mo." Naikuyom ko ang kamao ko. Alam ko na ang patutunguhan ng sasabihin nito dahil sa tono pa lang ng pananalita niya. Mabait lang naman ito kapag may kailangan o may nagawa akong pabor sa kanya. "Iyan ang magiging alas ko para pakasalan ka ni Lewis. Sa wakas mababawi ko na rin ang mga nawala sa akin at dahil iyon sa iyo, Apo." Tumawa pa ito ng malakas at hinagod ang ulo ko nang makalapit siya sa akin. "May silbi ka rin naman pala kahit papaano," dugtong pa nito. Napangiwi at nagpanting ang tainga ko sa huling sinabi nito. Tumingin ako dito ng matalim at nagwi
"The alleged father cannot be excluded as the biological father of the tested child. Based on the analysis of STR loci listed above, the probability of paternity is---" What? Wait. Tama ba ang mga nakalagay na numero dito? Kunot ang noo na kinuha ko ang clipboard at umupo sa upuan ko kanina. Napahawak at nahilot ko rin ang sintido ko. 99.99%. Ibig sabihin ako nga ang ama. Akin nga ang batang iyon. Ibig...ibig sabihin, magiging tatay na ko? Wala sa sariling nailapag ko iyon sa harap ko at nahilamos ang mukha ko. Ilang beses ko rin na binasa at tinitigan iyon. Napatingin ako kay Zachariel nang tumikhim ito.
Caleb's POV Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kaba at takot para sa bata na nasa sinapupunan ng babae. Ang babaeng biglang naglaho na parang isang bula simula nang pumutok ang maselang video namin sa social media. Tinakbuhan at pinagtaguan pa nga niya ang mga tauhan ko. Hindi rin nagpakita ng dalawang buwan. Pinagmasdan ko ang babae at walang malay pa rin ito. Nakakaakit ang mukha nitong maamo at hindi mo maipagkakaila ang taglay nitong ganda na kay sarap titigan. Ganitong-ganito rin ang unang beses ko siyang makita na nakahiga sa kama ng inupahan kong suite room sa hotel resort sa North Luzon. Katatapos ko lang maligo nang may maaninag akong babae na nakahiga sa kama ko mula sa ilaw na nagmumula sa banyo. N


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reseñasMás