Share

KABANATA III

Nakakarami na rin ako ng dirty martini mula nang dumating ako sa bar ng hapon. Ngayon ay malalim na ang gabi pero parang wala pa ring epekto sa akin ang mga nainom ko. Nandoon pa rin ang sakit. Naiisip ko pa rin siya. Silang lahat.

'Hindi ka kamahal-mahal kaya `wag ka nang umasa na mamahalin kita. Pinagsisisihan kong huli ko na nalamang nasa sinapupunan kita. Hindi ka na sana nabuhay.' 

'You really are a disgrace to this family, Mallory!'

'Puro na lang kahihiyan ang dala mo sa pamilya ko. Wala ka talagang kwentang apo!'

'I really hate you as my sister, you slut. I will make your life miserable. I swear.'

'Sa tingin mo, bakit hindi ka pa rin niya inaalok ng kasal gayong tatlong taon na kayo? Samantalang ako isang taon pa lamang ang pagsasama namin pero inalok na niya agad ako ng kasal.'

'Hindi naman talaga kita minahal. Niligawan lang kita at ang rason kung bakit umabot tayo ng tatlong taon dahil kailangan lang kita. Kailangan ko ang pera mo. Pera mo lang dahil sinuspinde ng tito ko ang lahat ng cards ko at pinalayas sa mansion namin.'

Mga salitang kanina pa umaalingawngaw nang paulit-ulit sa isipan ko. Mga salitang unti-unting pumapatay sa 'kin, dumudurog.

Ini-straight ko ng lagok ang alak sa kamay ko at ngumiti ng mapait.

Magiging masaya ba kayo kapag nawala ako sa buhay niyo?

Kinuha ko ang isa pang cocktail glass at inisang lagok ang laman niyon pagkatapos ay kinain ang olives na kasama. Kumunot ang noo ko nang mapansin na naubos ko nang lahat ang na-order ko. Sampung cocktail glass ang nasa harap ko, wala pa roon ang mga nauna ko nang in-order kanina. Wala, wala talagang epekto. Oras na siguro para magbago ng order. Iyong mas matapang.

Tinawag ko ang pansin ng bartender para umorder pa pero nangunot ang noo ko nang ibaba nito sa harap ko ang isang glass na mayroong laman na kulay pink na cocktail. May asukal sa bunganga ng glass at tatlong cherry na nakatusok sa bakal na stick.

Mapungay ang mga matang tumingin ako rito bago magsalita, "Hindi naman ito ang in-order ko. Bakit ito ang binigay mo?"

"May nagpapabigay po sa inyo, ma'am," nakangiting sabi nito sabay turo sa may likod ko.

Inirapan ko lang ito at hindi nag-abalang tumingin sa kung sino man ang nagbigay. Kinuha ko ang cocktail saka diretsong ininom iyon. 

Playboy iyun panigurado. Bakit? Natitipuhan niya ba ko? Natitipuhang lokohin? Malas lang niya! Wala na kong balak pumansin ng mga katulad niya. Mga manloloko. Mga manggagamit. Sasaktan lang din naman nila ako katulad ng mga tao sa paligid ko. Kunsabagay… Ang mga magulang ko nga hindi ako magawang mahalin, ibang tao pa kaya? Si Tyrone nga, binigay ko na ang lahat pero nagawa pa rin akong lokohin at ipagpalit sa hipon na iyon.

Napatigil ako at napahawak sa sintido nang maramdaman ko na parang umiikot ang paningin ko kaya napangiti ako saglit. Ito na yata ang sensasyon na kanina ko pa hinihintay. Kailangan ko na talagang um-order ng mas matapang na inumin para tuluyan nang makalimot.

"A shot of scotch, please," tawag-pansin ko ulit sa bartender habang nakataas ang isang kamay. “On second thought, make it double.”

Tumalima naman ito at binigay ang order ko. Inisang lagok ko rin ang mataas na tagay ng scotch at muli pa sanang oorder ng isa pa nang muling umikot ang paningin ko. Nanlalabo na rin ang mga mata at parang binabarena ang sintido ko. Sakit na kakaiba dahil sa tagal kong umiinom, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam na parang gumuguhit ng husto sa ulo ko.

Tumayo ako at pasuray-suray na umalis sa bar ng hotel resort na pinuntahan ko sa North Luzon. 

"Ma'am are you okay?" tanong ng lalaking dumalo sa 'kin nang nasa bungad na ako ng hotel na tinutuluyan ko.

Buti na lamang at maagap nitong nahawakan ang braso ko bago pa ako matumba sa sahig.

Tumango ako bilang sagot sa kanya. Sinapo ko ang ulo ko dahil bigla-biglang gumuguhit ang sakit na parang binibiyak iyon at literal na umiikot ang paningin ko. 

Tinignan ko ang lalaking nasa harap ko. Nanlalabo na rin ang mga mata ko kaya pilit kong kinikilala ito. "S-si-sino k-ka?" nanghihinang tanong ko.

"Staff po ako dito ma'am. Ihahatid ko na po kayo sa kwarto niyo," sabi nito saka inalalayan ako pumasok at iginiya sa elevator. "Which floor ma'am?" tanong pa nito nang maisandal ako sa gilid ng elevator.

Tinuro ko ang '7' sa mga button na naroon dahil hindi na ako makapagsalita dahil feeling ko ay masusuka ako anytime.

Nang makarating kami sa 7th floor ay inilalayan ulit ako nitong lumabas. 

"Anong room po kayo ma'am?" tanong nito.

Binuksan ko ang sling bag ko at kinuha doon ang card key ko para ipakita sa lalaki kung saang room ako nang may bumangga sa akin na kung sino man. 

Nasapo ko ulit ang ulo ko at napapikit dahil mas lalo akong nahilo sa impact ng pagkakabangga sa 'kin ng babae, base sa boses nito nang mapasigaw kanina. Nahulog ko rin sa kung saan ang key card ko.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay may tatlong key card akong nakita sa may harap ko at biglang namatay ang ilaw sa hallway. Nang magbukas ito ay kinuha ko ang key card na malapit sa akin at pumunta sa number na naka-engraved dito.

Pagpasok ko sa loob ay hindi ko na pinansin pa iyung staff na tumawag sa akin. Ang gusto ko lang sa puntong ito ay humiga at matulog dahil sa sakit at hilo na nararamdaman ko.

Ilang sandali pa habang nakahiga ako ay may nararamdaman akong h*******k sa leeg ko. Pinilit kong imulat ang mabibigat na mga mata ko para mapagsino ito.

"B-babe?" Blurred man ay nakilala ko ang wangis nito kahit malamlam ang ilaw sa kwarto.

Hindi siya sumagot at pinagpatuloy lang ang ginawang pagh***k sa leeg ko. Nagdulot iyon ng kakaibang kiliti at sensasyon na pumapawi sa sakit ng sintido ko. Mayamaya pa ay naramdaman kong naglakbay ang mga h***k niya, pababa hanggang sa maabot niya ang pinaka iingatan ko.

Hindi ko magawang mag-isip nang maayos dahil sa ginagawa niya at ang tangi kong nagawa ay sumabay sa agos. Para akong mababaliw sa sarap na hatid ng mga ginagawa niya. Ito na yata ang sinasabi nilang sarap na parang nasa langit.

Ilang beses pa kaming nag-niig nang gabing iyon bago kami iginupo ng pagod.

-----------

Nagising ako sa pagsigid ng sakit sa ulo ko. Nasapo ko ito at saka bumangon ngunit nanlaki ang mga mata ko nang biglang may lumabas na lalaki mula sa bathroom at nakatapis lang ito.

"Your payment is on the bedside table. Nilakihan ko na at mukhang malaki ang pangangailangan mo sa pera at ngayon lang ako nakatikim ng virgin na escort," sabi niya sa mapang-uyam na tinig.

"S-sino ka?" nauutal na tanong ko. "Ano ginagawa mo dito sa room ko? Ano ginawa mo sa 'kin?" Tinignan ko sarili ko. "Bakit wala akong saplot?" Ramdam kong nangingilid na rin ang luha ko kasabay ng pagguhit ng sakit sa pagkababae ko nang umayos ako ng upo.

Ano ba nangyari kagabi? Bakit wala ako maalala?

Kumunot ang noo ko nang ngumisi ang lalaki at napailing-iling. Matamang tumingin ito sa akin at parang sinusukat ako.

"Nakukulangan ka ba sa presyo ko? O bagong istilo ninyo iyan para ma-hook ako? Well! Unfortunately for you. Hindi mo ko makukuha sa panggaganyan," tahasang sabi nito sa akin. "So… name it." sabi pa nito at kinuha ang isang leather cheque book holder, nagsulat siya roon ng mabilis.

"What?" Naniningkit ang mga matang tanong ko dahil ayaw mag-sink in sa utak ko ang mga nangyayari.

Tumaas ang kilay ko nang makita ko na cheque ang hawak niya at nilapag iyun sa harap ko. Para akong nanliit sa ginawa niya. 

'Ano ba akala nito sa 'kin? Prostitute?' sigaw ko sa isip ko.

Marahas na kinuha ko ang unan at nanginginig sa galit na binato iyung lalaki bago pa ito makalayo sa akin. Narinig ko pa itong marahas na nagmura.

Mabilis na tumayo ako at itinapis ang comforter sa katawan ko. Kinuha ko ang cheque at ang sobre na may lamang pera bago lumapit sa kanya. Inipon ko ang lahat ng lakas na meron ako ngayon para maisampal sa kanya ang mga binigay niyang pera.

"For your information, hindi ako prostitute para bayaran mo ang dangal ko! Pagbabayaran mo itong hayop ka!" nanggagalaiting sigaw ko sa kanya at hindi ko na napigilan ang umiyak.

Napaigtad ako nang marahas niyang hinawakan ang dalawang braso ko ng mahigpit.

"P'wede ba! Ikaw itong pumasok sa kwarto ko at humiga diyan sa kama ko tapos ngayon aarte ka na parang pinagsamantalahan kita? Alam mo luma na sa 'kin iyan. Ilan na kayong mga gold digger ang nagtangkang i-hook ako  Well! sorry sa 'yo dahil hindi iyan effective sa akin," nakatiim bagang na sabi nito sa akin na halatang nagpipigil ng galit. Madilim din ang mga mukha nito at nagtiim-bagang.

Wala sa sariling tumingin ako sa paligid. Napahawak ako sa noo ko nang mamalayan kong nasa maling kwarto pala ako.

Anong ginagawa ko dito?

Nagmamadaling kinuha ko ang mga gamit ko saka lumabas sa kwartong iyon ng walang lingon-likod.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status