Share

Chapter 5

Isang linggo na ang nakalipas at ngayon na ang araw para makita kung nakapasa ba ako sa interview.

Katabi ko sina Mama at Ate at sabay-sabay na humihiling na sana ay nakapasa ako.

Gusto ko man tumawa dahil sa sitwasyon ni Mama ngunit hindi ko magawa dahil mas pinangungunahan ako ng kaba.

Paano ba naman kasi ay dala-dalawa ang hawak niyang rosaryo tapos tuloy-tuloy pa ang pagdadasal kaya mas lalo akong kinakabahan dahil sa kaniya.

"Ayan na!" sigaw ko nang lumabas ang isang notification sa aking laptop.

Isa-isa kong tinignan ang mga pangalan ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang hindi makita ang aking pangalan na nakalagay roon.

Niyakap ako ni Mama. "Ayos lang 'yan, 'nak."

Tumango-tango na lang ako at sinubukan pa rin ngumiti kahit na sobrang lungkot ko ngayon.

Nagtaka ako dahil may lumabas ulit na notification sa akin kaya tinignan ko ito.

"Ma! May batch 2 pa pala," sigaw ko sa kaniya.

Dali-dali naming tinignan ito. 

"Wah! Nakapasa ako! May trabaho na ako!" sigaw ko at saka sunod-sunod ang paghagulgol.

Niyakap naman ako ni Ate at ni Mama at saka binati ako.

"Congrats, Avi," bati sa akin ni Ate Maureen.

"Salamat, Ate," tugon ko.

"Huwag kang gagawa ng kalokohan doon, ha? Baka wala pang isang linggo ay paalisin ka na nila roon," paalala naman sa akin ni Mama habang nanlalaki pa ang mga mata na kinatawa ko na lang.

Napakamot pa ako sa ulo nang batukan niya ako.

"Seryoso ako, Averill," dagdag pa nito.

Tumikhim ako. "Opo. Noted."

"Diyan muna kayo. Pupunta lang ako sa bayan," biglaang wika ni Mama.

Nagtaka naman ako at nangunot ang noo. 

"Bakit, Ma? Anong gagawin mo roon?" tanong ko sa kaniya.

"Ano bang ginagawa sa bayan? 'Di ba namimili?" sarkastikong tanong din sa akin ni Mama kaya mas lalo akong napasimangot.

Pagkaalis ni Mama ay napatingin naman ako kay Ate nang makita na tumatawa ito mag-isa. Nangunot tuloy ang noo ko habang pinagmamasdan siya.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

"Hahandaan ka no'n ni Mama. Ayaw niya lang sabihin sa iyo." Taas noong saad niya.

I laughed. "Sige. Kunwari ay magugulat ako sa kaniyang sorpresa."

Napailing-iling na lang si Ate dahil sa aking sinabi.

Agad natuon ang pansin ni Ate sa taas nang umiyak si Seya. Patakbo siyang pumunta sa bata. Susunod din sana ako sa kaniya nang matigilan ako.

Nag-personal message kasi sa akin ang kumpaniya.

"Saktong 7 pm ang shift mo, Ms. Fuentes," basa ko sa mensahe na pinadala nila.

Agad din naman akong nag-message sa kanila pabalik.

"Copy. Thank you so much," message ko sa kanila.

Nag-seen na lang ito at hindi na nag-reply pa.

Napatingin naman ako sa taas ng hagdan nang maalala sila Ate. Susunod na sana ako sa kanila nang matigilan ulit dahil bigla na namang lumitaw sa harapan ko si Shi no Tenshi nang walang pasabi.

"Umalis ka riyan," utos ko dahil nakaharang siya sa dinaraanan ko.

"Kumusta?" tanong nito.

Nangunot ang aking noo ngunit agad akong napangiti nang malawak nang ma-realize na ito ang unang beses na nagtanong siya sa akin ng "kumusta".

"Ito, ayos lang naman. Nahinga pa. Kaya pa—" 

"Hindi 'yan," pagputol niya sa aking sasabihin.

Napataas naman ako ng kilay at saka nag-cross ang legs at pagkatapos ay tinignan siya mula ulo hanggang paa—ay, wala pala siyang paa.

"Ano ba ang gusto mong sabihin?" tanong ko sa kaniya ngunit hindi ito nagsalita.

Nanatili lang ang seryoso niyang tingin sa akin.

Umakto naman ako na nag-iisip sa harapan niya.

Ngumiti ako rito. "Kung ang trabaho ko ang gusto mo malaman, nakapasa ako!" masayang sabi ko.

"Yeh—eh..." Agad akong natigilan nang hindi man lang ito natawa.

Napa-roll eyes na lang ako dahil sa inis.

Hindi ba pwedeng magpakita naman siya ng konting excitement kahit na peke ito?

"Hindi 'yan ang gusto ko malaman. Ang tinatanong ko at kumusta 'yong anino na nagpapakita sa iyo?" paglilinaw niya sa kaniyang tanong.

"Kung kanina mo pa sana nilinaw iyong tanong mo, e 'di sana hindi ako nagsayang ng laway, 'di ba?" sarkastikong tanong ko rito.

"Sagutin mo na lang ang tanong ko," sabi nito.

"Sa loob ng isang linggo, pansin ko na mas madalas siyang magpakita sa akin," paliwanag ko, "well, alam kong ako lang naman ang nakakakita sa kaniya pero sa paglipas ng araw, mas dumadalas ang pagpapakita niya sa akin. Siguro ay isang beses ko lang siya nakikita na nakadikit kay Ate sa isang araw pero araw-araw siyang nakadikit kay Ate, ha."

"Anong gusto mong ipahiwatig?" tanong nito.

Agad na bumagsak ang aking balikat dahil akala ko ay agad niyang maiintindihan ang aking sinasabi.

"Tila may gusto siyang sabihin sa akin na hindi ko alam," sagot ko.

"Ah!" sigaw ko nang may maalala. 

Lagi kong nakakalimutan ipakita kay Shi no Tenshi ang larawan na kinuhanan ko noon pero hindi na ngayon.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"May papakita lang ako sa iyo," sabi ko.

Dali-dali kong binuksan ang files ng laptop at hinahanap ang larawan na kinuhanan ko.

"Ito!" sigaw ko at pinakita sa kaniya.

Nang tignan niya ang larawan ay biglang nangunot ang kaniyang noo na pinagtaka ko.

"Kailan pa 'yan?!" tila galit na tanong niya na pinagtaka ko.

"Isang linggo na ang nakakaraan," sagot ko habang nagtataka na tinignan siya.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" mabilis na tanong nito.

"Iyon na nga, e... nakakalimutan ko kasi." Kamot-batok na wika ko rito.

Napatitig ako sa kaniya nang manatili na naman siyang tahimik.

"Bakit? Ano bang sinasabi sa sulat? Anong ibig sabihin?" tanong ko rito.

"Basta. Huwag mo na lang tangkain na tanggalin 'yang kwintas na binigay ko sa iyo," seryosong sabi niya.

Nangunot ang noo ko. "Bakit naman? Ano ba kasing mangyayari kapag tinanggal ko 'to?"

Hinawakan ko ang pendant ng kwintas at pinaglaruan iyon sa sariling kamay.

"Hindi ko rin alam..." bulong nito.

"E 'di, pwe—" I immediately tilted my head when he disappeared again out of nowhere.

Ang gulo niya talaga kausap kahit kailan! Ni hindi man lang ako binati sa pagkakatanggap ko sa trabaho.

"Ay, oo nga pala," bulong ko sa sarili at dali-dali na umakyat sa taas upang maghanda ng damit para sa trabaho mamaya.

Simpleng white t-shirt at pantalon lang ang susuotin ko dahil hindi naman mall ang kumpaniya para mag-crop top ako.

Matapos maghanda ay agad kong sinilip sila Ate sa kwarto nila.

Napataas ang aking dalawang kilay at napangiti nang makitang tulog na tulog silang dalawa.

Mabilis ko silang kinumutan at saka hinalikan sa noo.

"Sleep tight," I whispered.

Bago pa ako lumabas ay nilibot ko pa ang buong kwarto. Napahinga naman ako nang maayos nang makita na wala rito ang anino na palaging nakasunod sa kanila.

Pagbaba ko ng hagdan ay agad akong natigilan nang makita ang tumatakbong anino.

Agad ko itong hinabol.

Posible kaya na siya na itong laging nakasunod kanila Ate?

"Anong ginagawa mo rito?" matapang na tanong ko nang tumigil siya kakatakbo.

"S-sorry..." bulong nito.

Nangunot ang aking noo dahil tila pamilyar sa akin ang boses niya.

"Hindi ka pa pala nahuhuli ni Tenshi." Hindi makapaniwalang saad ko sa kaniya.

Akmang pipitikin ko na ang aking daliri nang pigilan niya ako.

"Huwag!" sigaw niya.

"At bakit naman?" tanong ko rito.

"Gusto ko muna mahanap ang kaluluwa ko bago ako tumawid sa kabilang mundo," sagot niya.

I tilted my head. "What do you mean?"

"Noong isang linggo, nang mahanap mo ako rito sa bahay niyo ay hindi ko naman talaga sinasadya na mapunta rito. Gusto ko lang naman takbuhan ang babaeng pilit na kinukuha ako, kinuha na nga niya ang kaluluwa ko, e!" sigaw nito.

Nanlaki ang aking mga mata. I never heard something like this before.

"Then why are you here again?" tanong ko sa kaniya.

"Nakita niya na naman ako. Hindi ko alam pero agad kong naisip na takbuhan ay itong bahay niyo," paliwanag pa nito, "akala ko ay makakapasok pa siya pero nagtaka ako dahil hindi na. Tila may pumipigil sa kaniya. Nakita mismo 'yon ng dalawa kong mata, promise!"

Napa-roll eyes naman ako. "Wala ka naman ng mata."

"Grabe ang harsh, ha," saad niya at napa-cross arms.

Napaseryoso ulit ako. "Sino ang babae na tinutukoy mo?"

"Hindi siya pamilyar sa akin. Basta naalala ko lang ay pareho sila ng buhok ng kumuha rin sa mga kasama kong multo noon. Ako lang ang nakatakas, kaya lang... anino na lang ang natira sa akin," mahabang sagot niya.

Napatango-tango na lang ako.

"Kung nasa kaniya na ang kaluluwa mo. E 'di, hindi mo rin ito makukuha," wika ko sa kaniya.

Agad siyang natigilan at tila natauhan.

"Tama ka nga..." malungkot na wika niya.

Agad kong pinitik ang aking kamay at saka lumabas na si Tenshi.

"Hindi ka na makakatakas ngayon!" sigaw ni Tenshi sa kaniya.

Bago pa tuluyan higupin ng pinto ang anino na 'yon ay ginawaran ko siya ng isang ngiti.

Ngiti na nagpapasiguro na kung nasaan man siya ngayon ay magiging ayos lang siya.

"Tensh—"

"Busy ako ngayon, Averill." 

Natigilan ako dahil matapos niya iyong sabihin ay agad din siyang naglaho.

Hindi naman halata na ayaw niya makipagkausap sa akin.

Napakibit-balikat na lang ako at dinuyan-duyan ang sariling mga kamay habang ako ay naglalakad ngunit natigilan na naman ako nang makita ang anino na nasa hagdan.

Imposibleng ito ang anino na nakausap ko kanina lang dahil nakita mismo ng dalawang mata ko na nahigop na siya ng pinto.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at ramdam ko na bawat hakbang na ginagawa ko ay siya namang pagtuon ng pansin niya sa akin.

Ilang dipa na lang ang layo niya sa akin nang matigilan ako.

"Sino ka ba talaga?" Naguguluhan na tanong ko sa kaniya.

Napataas ang aking kilay nang hindi siya magsalita kaya agad ko siyang inabot gamit ang aking kamay. Ngunit bago ko pa man siya mahawakan ay agad siyang naglaho.

Napaatras ako bigla dahil doon, dahil sa gulat. Ito ang unang beses na nakita ko siyang naglaho...

"Averill, buksan mo ang pinto!" Napatalon ako sa gulat nang marinig ang sigaw ni Mama sa labas.

"Saglit lang, Ma!" sigaw ko pabalik.

Pagpasok ko sa kumpaniya ay agad akong sinalubong ng iba ko pang kasamahan.

Akala ko ay magce-celebrate pa para sa pampa-welcome pero agad kaming pinasabak sa trabaho.

Bawat isa sa aming bagong pasok ay katabi ang team leader ng bawat department kaya halos dumoble ang kaba ko.

"Hello, ma'am. How may I help you?" tanong ko nang may tumawag na naman, wala pang 5 minutos matapos ang pakikipag-usap sa isa pang customers.

Agad kong natanggal ang isa sa headphone na nakakabit sa aking tainga.

Akala ko ay isang malambing na tono rin ang ibubungad sa akin nito ngunit tila isa itong tigre na nagwawala.

"Okay, ma'am. We'll do it right away," mahinahon na saad ko pero sa kaloob-looban ay gusto ko na rin ito sigawan.

Agad kong sinabi ang request ng costumer sa nasa harap ko na ka-team ko rin.

Nag-thumbs up naman siya na pahiwatig na ayos na.

"Ma'am, you can check it again. Is it okay now?" tanong ko.

"Oo, ayos na," tila labag pa sa loob na sagot nito.

"Thank—" Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay agad niyang binaba ang tawag.

Napakagat na lang ako sa aking labi at saka napasandal sa upuan dahil sa stress.

Agad akong napatingin kay team leader nang tawanan ako nito.

"May nakakatawa ba, leader, sa ginagawa ko?" masungit na tanong ko rito.

He cleared his throat. "Nothing. You're just funny."

"Pa'no mo naman nasabi? Hindi naman ako clown sa isang circus," sarkastikong saad ko rito.

He giggled. "Masanay ka na sa ganiyang customer. Isa pa lang 'yan sa libo-libong makakausap mo pa."

Agad akong napatingin sa kaniya nang magsalita siya sa wikang Tagalog.

"Mas pumopogi ka pala kapag nagta-Tagalog," bulong ko.

He hummed. "What did you say?"

"Nothin—Hello, this is from the Taculy Company. How may I help you?" Mabilis kong inayos ang aking upo at seryoso ngunit mahinahon akong nakipag-usap sa caller.

Marami pa akong nakausap na customer hanggang sa mag-out na kami.

Alas singko ng umaga kami pina-out at parang lantay na kalansay akong naglalakad sa daan.

Hindi pa nagigising si haring araw kaya madilim-dilim pa rin at ramdam pa rin ang lamig ng hamog.

Natigilan ako sa paglalakad nang may nakasalubong.

Isang kaluluwa...

Nangunot ang aking noo nang tila mapansin na wala siyang galos, saksak o anumang palatandaan na namatay ito. Pero halata naman na bago pa lang ito.

Napailing-iling na lang ako at saka mahinang tinapik-tapik ang pisngi.

"Huwag mo na lang pansinin, Avi," bulong ko sa sarili.

Nang akmang malalagpasan ko na siya ay nagulat ako dahil biglang lumapit sa akin ito.

Pipitikin ko na sana ang aking daliri nang matigilan ako.

"Ang gwapo..." bulong ko.

OMG! Hulog ka ng langit. Tila nawala ang pagod ko matapos makita ang iyong kaguwapuhan. Kung buhay ka lang ay papakasalan na talaga kita, as in agad-agad!

Nang magising sa katotohanan ay agad kong binago ang aking ekspresiyon at kunwari ay nagseseryoso.

"Anong kailangan mo?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status