Ang isa pa niyang kamay ay nakayakap sa akin habang nasa ilalim ng kumot kaya hindi ko na rin naramdaman ang lamig ng umaga.
Babalik na lang sana ako sa tulog at hahayaan ito nang marinig ang sigaw ni Seya."Ahh!" sigaw niya kaya dali-dali akong napabangon dahil na rin sa gulat at pag-aalala.Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya dahil sa akin pala siya nakatingin.
Dali-dali naman siyang pinuntahan nila Kuya, Ate, at Mama habang ako ay nanatili lang sa aking kama.
Napatingin naman ako kay Silas na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang pagtulog."Anong nangyari?" agad na tanong ni Kuya Elias sa kaniya.Nanginginig naman akong tinuro ng bata na pinagtaka ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Mama na mas lalo kong pinagtaka habang nagtataka rin na tumingin sa akin sina Ate at Kuya."Bakit?" naguguluhan na tanong ko kay Seya."Tita Vivi, nakita ko po kanina na parang may katabi ka sa ilalim ng kumot mo tapos parang nakayakap pa sa iyo tapos parang nakaunan ka pa sa kaniya," hinihingal na kwento ni Seya.Agad naman akong natigilan dahil doon.Dali-dali naman na lumapit si Mama sa akin at agad na tinanggal ang aking kumot sa katawan."Wala naman, Seya," wika ni Kuya sa kaniya."Pero sigurado po ako sa nakita ko," pagpupumilit pa ng bata.Hinawakan ni Ate si Seya sa braso at saka hinarap sa kaniya."Baka namamalikmata ka lang, okay? Imposible naman kasi na may pumasok na tao rito sa kwarto ni Tita Vivi mo," paliwanag ni Ate sa kaniya.Dali-dali naman tumango ang bata at saka inaya na siya nila Kuya para bumaba."Aray!" nagulat naman ako sa biglaang pagkurot ni Mama sa aking baywang."Ikaw talaga! Tinatakot mo pa ang bata," wika niya sa akin."Pero natutulog lang naman ako, Ma," naiiyak na paliwanag ko."Ay, sus! Tigilan mo 'ko sa mga kalokohan mo na 'yan, Averill," sabi pa sa akin ni Mama."Pero nagsasabi ako ng totoo, Ma..." bulong ko.Imbes na makinig ay malakas na lang nitong sinara ang aking pinto.Agad ko iyong ni-lock at saka naupo at doon na nga sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha.Bakit ba ayaw ako paniwalaan ni Mama? Ganoon ba kahirap bumuo ng tiwala para sa akin?Natigilan ako sa pag-iyak nang makita ang mga paa sa aking harapan. Pag-angat ko ng aking ulo ay nagsalubong na naman ang aming mga paningin... Silas.Umupo rin siya at saka nag-Indian sit sa harapan ko upang magpantay ang aming mga mukha."Matulog ka pa roon kung gusto mo," sabi ko habang patuloy ang paghikbi.Nagulat ako nang bigla niyang idampi ang kaniyang mga kamay sa aking mukha para tanggalin ang aking mga luha kaya napapikit ako dahil sa init ng haplos nito."Sorry..." saad niya.Agad akong napatingin sa kaniya matapos iyong sabihin.Sarkastiko akong tumawa. "Bakit ka nagso-sorry? Ano ka ba?! Hindi mo 'yon kasalanan, 'no. Nakalimutan ko lang kasi talaga na i-lock ang pinto.""Pero kung hindi dahil sa akin ay hindi matatakot ang bata at hindi ka pa makukurot ng Nanay mo," paliwanag niya.So, nakita at narinig niya pala..."Ayos lang. Sanay naman na ako," ngiting sabi ko sa kaniya.Bumuntong hininga siya na aking pinagtaka."Hindi ba't sabi ko sa iyo na huwag kang ngingiti sa akin kung hindi naman ito tunay. Minsan, ayos lang din magpakita ng kalungkutan mo dahil hindi naman ibig sabihin noon ay mahina ka," mahabang paliwanag niya sa akin.Dahil sa kaniyang sinabi ay mas lalo lang nagtuloy-tuloy ang aking mga luha sa pagtulo pero halos impit pa rin ang aking paghikbi dahil ayaw kong marinig nila Ate iyon.Sa hindi malamang dahilan ay agad ko siyang niyakap at saka umiyak sa balikat niya. Mas lalo lang akong nagkaroon ng lakas na ibuhos ang aking lungkot nang tapik-tapikin niya ang aking likuran.This is the first time that I cried on someone's shoulder and this is the first time that someone has let me lean on him.Ganito pala ang pakiramdam kapag may nakaantabay sa iyo na handa kang samahan sa pag-iyak mo.Mabuti na lang at kaya kong hawakan si Silas kaya ko nagagawa ang ganitong mga bagay pero mas maganda sana kung mahahawakan ko siya habambuhay...Natigil lang ako sa pag-iyak nang kumalma na ako. Agad kong pinunasan ang aking mga luha at sipon na kanina pa patulo-tulo."Maraming salamat," saad ko sa kaniya."Masaya akong nakatulong," wika rin nito sa akin.Tumango ako at pagkatapos ay nagtungo sa banyo upang naghilamos.Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin at halos ilang beses kong lunurin ang sarili sa kakahilamos dahil halatang umiyak ako gawa nang namumula ang aking ilong gano'n na rin ang aking mga mata.Hindi pwedeng bababa ako ng ganito ang itsura dahil alam kong magtatanong na naman si Mama at baka mag-alala na naman si Ate.Malakas akong bumuntong hininga at saka ngumiti nang pagkalawak-lawak kahit na peke ito.Paglabas ko ng banyo ay nagtaka ako nang hindi na maramdaman ang presensya ni Silas."Saan siya nagpunta?" tanong ko sa sarili.Napakibit-balikat na lang ako bago ko mapagpasiyahan na linisin ang aming pinaghigaan.Pagkatapos maglinis ay nagtaka ako dahil hindi pa rin siya bumabalik."Nasaan na kaya siya?" tanong ko sa sarili."Sino ang tinutukoy mo?" Nagulat ako dahil sa biglaang paglitaw ni Shi no Tenshi pagharap ko para sana buksan ang aking pinto."Lagi mo na lang ba akong gugulatin?!" inis na tanong ko rito."Sino ang tinutukoy mo sa sinabi mo?" Taas-noo na tanong niya.Napalunok na lang ako ng sarili kong laway dahil sa kaba.Hindi ko pwede na sabihin kay Tenshi kung sino ang tinutukoy ko dahil alam kong kukuhanin niya si Silas at kapag nangyari iyon ay hindi ko na matutupad ang pinangako sa kaniya.Pinangako ko rin na ibibigay ko lang siya kay Tenshi kapag nahanap na namin ang katawan niya."Si Seya ang tinutukoy ko." Kamot-batok na wika ko.Seryosong tumingin siya sa akin. "Huwag kang magsinulang sa akin, Vivi. Kilala na kita."Averill's POVIt's been 5 years since then... Life is life until now, but thankfully because of everyone's hard work, it's now paid off. It's been a while since Am-Am trusted one of his hotels to me. It's because of him that I've been living a good life, I also owe him a lot. Back then, as a student, I dreamt of having a house that my home can live in... and now, it's finally not only a dream because we currently live in a first class residential subdivision still here in Biñan, Laguna. It's really a dream come true. Vince is the one who recommended it to me and that's the reason why we're neighbors now... or so I thought? "Vince..." Halos hindi na ako nagulat nang pagbaba ko ng second floor ay nakita kong prenteng nakaupo sa sofa sa living room itong si Vince. Hindi man lang niya ako binigyan ng pansin at tinaas lang ang tasa na hawak-hawak niya na animo'y nagyayaya na magkape rin ako. "Kapal talaga ng mukha mo, ‘no?" ani ko sa kaniya habang patungong kusina para magkape. "Siy
Isang buwan na ang nakalipas at hindi pa rin nagbago ang buhay ko. Sinusubukan ko pa rin na kalimutan ang mga nangyari ngunit may pagkakataon talaga na bigla-bigla ko na lang ito maaalala."Huy! Nakatulala ka na naman," sigaw sa akin ni Vince.Tinarayan ko na lang ito at saka inayos ang tindig ko para salubungin ang mga customers.Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay hindi na ulit kami nagkita ni Kuya mabango at hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang panyo na pinahiram niya. Hanggang ngayon din ay wini-wish ko na magkita ulit kami para makapagpasalamat ako ng maayos sa kaniya at masauli na rin ang panyo niya.Isang linggo lang din matapos ng matindi kong break down ay tuluyan nang natapos ang hotel kaya itong si Vince ay todo trabaho para maturuan ako, at nang may sapat ng empleyado ang hotel ay tuluyan na itong binuksan para sa lahat."Vince, huwag mo nga akong guluhin! Hindi ba't naka-assign ka sa hotel sa Batangas?" naiiritang tanong ko sa kaniya.Natanong ko kasi noong nakaraang ar
Seya's POV:I was so happy when Tita Vivi went home with a gift for me, just like what she promised but she failed one of her promises.She promised that they will went home together but why I didn't saw Tito Silas?For some reason, my tears started to fall that even my self can't stop it."What happened?!" Grandma shouted and panicked. My Mom even joined her but I ignored them.I hugged the teddy bear that Tita Vivi gave to me and sat on the sofa. I cried silently and let my tears fell from my eyes."Anong nangyayari?" Tito Elias asked and seems so confused."Hindi ko alam!" my Mom shouted because she don't know what to do to calm me."Bakit naiyak si Seya at bakit gano'n ang ekspresiyon ni Averill?" Tito asked again."Hindi rin namin alam, Elias," Grandma answered."Tatanungin ko lang si Avi—""Don't bother her," I said that made them stared at me.Mommy approached me and hugged me."Why? What happened?" she asked.I sobbed again instead of answering her questions."T-Tito Silas isn
"Tell me the truth. Something happened the day you went to the hospital, right?" he asked.I looked at him surprisingly when he mentioned the hospital."How did you know that I went to hospital?" I asked to him."I have a strong hearing ability, Avery, so I heard what Tita said to you," he explained.Napatango-tango na lang ako at saka pinagmasdan ang mga bituin na nagsisimula nang magliwanag sa madilim na kalangitan."What happened? Since that day, you acted strangely," he said.Napalunok ako ng sarili kong laway at saka tumingin sa kaniya at saka pilit na ngumiti."I just wanted to make memories with you for the last time," I murmured.His eyebrows met. "What do you mean?""I finally found your body, Silas," I said and looked away to him.Napapikit ako matapos kong maramdaman ang nanlalamig niyang kamay na hinawakan ang baba ko at saka hinarap ang mukha ko sa kaniya."Can you tell me where is my body?" naiiyak na tanong niya.Napakagat na lang ako ng aking labi bago dahan-dahan na t
Napatingin ako kay Silas nang lalo niyang hinigpitan ang pagkakakapit sa kamay ko."Ayos lang ba kung kasama mo ako? Paano kung sabihan ka nila na nababaliw na?" tanong niya sa akin."Huwag kang mag-alala dahil marami namang tao ngayon at saka huwag mo na 'yon problemahin. Magsaya ka na lang, okay?" sagot ko at saka nginitian siya.Nang magbago ang musika ay natigil ang lahat sa pagtalon. Kung kanina ay rock ang kantahan, ngayon naman ay romantic na.I intertwined my hands to his and smiled at him.Tinaas ko ang isang kamay ko gaya ng ginagawa ng iba. Pagtingin ko kay Silas ay hindi ko na naiwasan mapahagikgik dahil nakataas na rin pala ang kamay niya.Bawat lyrics ay sinasabayan naming lahat at bawat pagkanta namin ay siya namang pagsabay ng aming katawan sa pag-indayog.When I looked at him to check if he's still at my side, I was so surprised because I didn't expected that he's also looking at me.Naramdaman ko naman ang unti-unting pag-init ng mukha ko at para hindi niya mapansin
Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Silas. Hindi ko na siya masyadong nakausap pa dahil antok na antok na rin talaga ako kaya diretso akong nahiga sa kama nang hindi man lang nagpapalit ng damit."Bukas na lang ako magpapalit," bulong ko bago maramdaman ang antok at unti-unti nang nagsara ang mata ko.Nagising ako matapos maramdaman ang paglubog ng aking kama.Pagmulat ko ng aking mga mata ay nagsalubong ang aking kilay matapos makita na sobrang lapit ng mukha ni Silas.Mabilis ko namang nilayo ang mukha ko at bumangon."Magandang umaga," ngiting bati niya."Good morning too," bati ko rin dito at saka nagpasiyang maligo na at magpalit ng damit para presko.Paglabas ko ng banyo ay agad ulit na bumungad sa akin si Silas na nakangiti kaya napahagikgik na lang ako at saka tumingkayad para maabot ang kaniyang buhok at. inayos ito.Napansin ko na na-estatwa siya kaya natigilan naman ako sa aking ginagawa."Are you okay?" I asked to him."Keep doing that to me," he said and poin