Share

Chapter 11

Agad na nanginig kalamnan ko dahil sa pagiging seryoso niya.

"N-nagsasabi naman ako ng totoo..." bulong ko, sapat na para marinig niya.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang mga balikat ko at ngumiti sa akin.

"Nagbibiro lang naman ako," sabi nito.

Napahinga naman ako nang maluwag dahil sa kaniyang sinabi.

Alam kong mahirap magsinungaling sa tulad niya dahil talo niya pa ang Nanay ko dahil bawat detalye sa pagkatao ko ay alam na alam niya.

"Sige na. Bumaba ka na roon para makakakain," wika niya sa akin.

Tumango naman ako at mabilis na lumabas ng kwarto. Bawat pagdaan ko sa pagbaba ng hagdan ay sinisilip ko ang bawat sulok para mahanap si Silas.

Natigilan lang ako nang makita si Seya na nasa baba ng hagdan at nakangiti sa akin.

Ngumiti rin ako sa kaniya at dali-daling bumaba.

"Seya," tawag ko sa kaniya at niyakap siya. Niyakap din naman niya ako pabalik kaya gumaan ang aking pakiramdam.

Pagharap ko rito ay nagtaka ako dahil nakasimangot siya at ang kaniyang ekspresiyon ay tila na-guilty.

"I'm sorry, Tita Vivi," she whispered.

"Why?" Ngunot-noo na tanong ko dahil hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.

"Because of me you got ye—I just felt guilty," wika niya.

Nangunot ang aking noo sa pagputol niya ng kaniyang salita.

I tilted my head and hummed and asked her with my eyes to continue what she was gonna say a while ago.

Sunod-sunod siyang umiling at saka tinikom ang bibig.

Napabuntong hininga na lang ako at saka ginulo ang kaniyang buhok. Hindi ko naman pwede pilitin ang bata kung ayaw niya. Ayaw kong masanay siyang sagutin ang mga tanong na ayaw naman niyang sagutin.

Iniwan ko si Seya sa sala dahil nandoon din naman si Ate.

Pagpunta ko sa kusina ay nakita ko na naghuhugas si Kuya.

"May ulam pa riyan," sabi niya sa akin pagpasok ko.

Tumango na lang ako bilang tugon at habang kumukuha ng plato ay biglang nagsalita si Kuya.

"Iyong sinasabi ni Seya..." bulong niya.

"Ano?" tanong ko sa kaniya.

"Totoo 'yon, 'di ba?" tanong niya sa akin habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.

Seryoso rin akong tumitig sa kaniya at saka tumawa pagkatapos.

"Tinatakot mo lang sarili mo," panggagaya ko sa boses ni Mama at sa kaniyang palaging sinasabi.

Natawang napailing-iling na lang si Kuya.

Habang kumukuha ako ng kanin ay nagtanong na naman ito.

"Pero hindi nga ba? Paano kung may nagkakagusto sa iyong multo tapos hinahayaan mo lang?" tanong niya sa akin.

Hindi ako sumagot at nagsandok na lang ng ulam namin na sinigang na baboy.

"Hindi natin alam ang mangyayari kung magugustuhan mo rin siy—"

Bago niya pa ituloy ang kaniyang sasabihin ay sarkastiko akong tumawa.

Tinapik ko ang kaniyang balikat at saka nilagay ang plato sa lamesa.

"Wala tayo sa fictional world o sa isang nobela, Kuya, kaya itigil mo 'yang kakaisip ng ganiyan," saad ko rito.

He just shrugged and laughed. "Why not? There's nothing impossible."

"Ewan ko sa iyo!" sigaw ko sa kaniya.

Isusubo ko na sana ang unang kutsara na may lamang pagkain nang magtanong na naman si Kuya kaya napa-poker face ako.

Paano ko matutuloy ang pagkain kung tanong siya nang tanong? Baka hindi pa ako mabusog nito.

"Basta naniniwala ako sa sinabi ni Seya. Hindi mo ba nakita ang multo? Hindi ka ba natakot kasi katabi mo pa?" tanong niya sa akin.

Napangisi ako nang may maisip na isang ideya.

"Actually, naramdaman ko siya. Akala ko nga noong una ay si Seya lang kaya hinayaan ko lang pero hindi ko siya nakita. Siguro agad na naglaho nang sumigaw si Seya pero alam mo... nararamdaman ko pa rin na nandito 'yong kaluluwa sa bahay. Baka mamayang gabi, hindi naman ako 'yong tabihan kun'di 'yong iba riyan..." mahabang pananakot ko sa kaniya na may halong pagsisinungaling.

"Ih!" sigaw niya at saka parang kinilabutan kaya natawa na lang ako. Nakita ko pa ang pagtayo ng mga balahibo niya sa kaniyang batok.

"Naglaho? Ano 'yon sanggre?" makabuluhang tanong ni Kuya.

Napa-roll eyes na lang ako at saka nilunok ang nginu-nguya ko.

"Common sense, Kuya. At saka, hindi mo talaga maiintindihan ang sinasabi ko gawa nang hindi ka naman nakakakita ng multo," saad ko rito.

"Ay, sus! Kahibangan. Tinatakot mo lang ako. As if naman na gagana 'yan," sabi niya at saka sumasayaw-sayaw pa habang naghuhugas ng pinggan.

Napailing-iling na lang ako dahil sa naging akto niya.

"Hindi ka natatakot? E, halos maihi ka na nga riyan sa pwesto mo kanina," pang-aasar ko pa.

"Ay!" sigaw ko nang tapunan niya ako ng bula mula sa kamay niya.

Sinamaan ko naman siya ng paningin habang siya ay patuloy lang na nang-aasar.

"Bwisit ka! Kapag talaga nalagyan ng sabon 'tong pagkain ko, sa iyo ko ito ipapakain," inis na saad ko rito.

"Bahala ka riyan. Ikaw maghugas ng plato mo," saad niya.

Nang makita na konti na lang ang hugasin niya ay mabilis kong nginuya at nilunok ang bawat kanin at ulam na pumapasok sa bibig ko.

Mas lalo ko itong binilisan nang mapansin na bibibilisan na rin ni Kuya ang paghugas.

"Finish!" sigaw ko at saka mabilis na nilagay ang plato ko sa lababo bago pa siya makaalis.

Agad naman nagbagsakan ang mga balikat niya dahil alam niyang natalo ko na naman siya. Dinilaan ko pa ito bilang pang-aasar.

Tinabi ko muna ang plato at saka naghugas ng kamay. Mabuti na lang pala at hindi nabasag ang plato dahil masyado yatang malakas ang pagkakalagay ko sa lababo. Kung nabasag 'yon ay malilintikan na naman ako kay Mama.

"Babush!" pang-aasar ko pa at saka mabilis na tumakbo papuntang sala.

Natigil lang ako sa pagtakbo nang makita si Silas na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa akin. Marahil ay hinihintay ako...

Pasimpleng ngumiti ako sa kaniya ngunit agad na nalipat ang pagngiti ko kay Seya nang mapansin na sa akin nakatuon ang paningin niya.

Sinenyasan ko si Silas na sumunod sa akin kaya mabilis naman akong umakyat at pagpunta ko sa kwarto ay sakto naman na nakita ko siya roon na naka-dekwatro ang upo.

"Saan ka pumunta kanina?" kalmadong tanong ko sa kaniya.

"Kailangan ko pa bang sabihin sa iyo?" tanong din niya sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status