Share

Chapter 12

Napa-roll eyes na lang ako. Napaka-baduy talaga kausap! Imbes na sagutin ang tanong ay tatanungin din ng isa pang tanong.

"Malamang. Kung gusto mo na hanapin natin ang katawan mo ay dapat alam ko kung saan ka nagpupunta para naman mahanap kita agad kapag nahanap ko na ang katawan mo," mahabang paliwanag ko sa kaniya at saka naupo sa sofa na hindi kalayuan sa pwesto niya.

"Nagpunta lang ako sa kusina niyo kanina. Balak ko lang sana takutin ang Mama mo kaso nga lang ay hindi pala siya nakakakita ng multo," tila malungkot pa na wika niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis na lumapit sa kaniya at saka piningot ang tainga.

"Aray! Aray!" sigaw niya.

Mabilis ko rin naman na tinigil ang pagpingot dahil naaawa rin naman ako rito.

Kaluluwa na nga, sasaktan ko pa? Ayaw ko nang madagdagan pa ang sakit na naramdaman nila noong pagkamatay nila.

"Bakit mo 'yon ginawa?" nagtatakang tanong ko habang dinuro-duro siya.

Ngumuso pa ito. "Gusto ko lang naman siya gantihan dahil sa ginawa niyang pagkurot sa iyo."

Napabuntong hininga na lang ako matapos iyong marinig.

Mukhang may isang multo ulit na nangangailangan ng pangaral ko.

"Alam mo, hindi mo naman na 'yon kailangan gawin, e. Hindi mo dapat ginagantihan ang isang tao kahit na ikaw mismo ang sinaktan dahil karma na ang bahala sa kanila kaya ang kailangan mo lang gawin ay hintayin ang karma nila," mahabang pangaral ko sa kaniya.

Sinandal ko ang aking kamay sa kama. "At saka, Nanay ko siya. Para sa akin ayos lang 'yon pero hindi ko sinasabi na normal 'yon, ha. May mga time na nananakit si Mama ng pisikal pero wala akong magagawa dahil iyon ang way ng kaniyang pangangaral which is mali."

"Mali?" tanong niya sa akin habang nakakunot ang mga noo.

Tumango-tango ako. "Pwede mo naman pangaralan ang anak mo sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanila. Hindi mo naman sila kailangan saktan ng pisikal o bitawan ng kahit anong masasakit na salita dahil posibleng iyon ang magiging daan para mapalayo ang loob nila sa iyo o mas malala pa ay magkaroon sila ng trauma."

Napatango-tango naman siya. "May punto ka naman."

Tumingin ako sa kaniya at saka dinuro ulit siya.

"Huwag mo na ulit 'yon uulitin. Isa pa, ay multo ka na. Wala ka ng magagawa pa kun'di manood na lang," sabi ko sa kaniya.

Agad akong tumayo matapos siyang pangaralan at saka naghanda ng gamit para sa trabaho.

Napatingin naman ako sa kaniya nang maramdaman ang isang mabigat niyang pagbuntong hininga.

"Tama ka. Isa lang akong multo..." bulong nito.

Napailing-iling na lang ako nang hindi niya naintindihan ang aking sinabi.

Lumapit ako sa kaniya at tinapik-tapik ang braso niya dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Hindi iyan ang gusto ko sabihin. Ang ibig kong sabihin ay 'wag mo ng subukan pang ipagtanggol ako dahil kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko," mahabang paliwanag ko sa kaniya.

Bumuntong hininga ulit siya na nagpataka sa akin at nagpakunot ng aking noo.

May mali ba sa paliwanag ko?

"Kung kaya mo na tumayo sa sarili mong mga paa, e 'di sana hindi ka umiiyak katulad kanina. Ibig sabihin lang no'n ay nasaktan ka kaya pinaghihiganti kita," mahabang paliwanag pa niya sa akin.

Napailing-iling na lang ulit ako at saka umupo ulit sa tabi niya ngunit ang braso ko ay nasa balikat pa rin niya.

"Gaya nga ng sabi mo, hindi porket umiiyak ay mahina na. Sadyang sa iyo ko lang talaga naibuhos ang emosyon ko na matagal ko nang tinatago," makabuluhang saad ko rito at saka ngumiti nang pagkalawak-lawak.

Tinapik ko pa ulit ang kaniyang balikat.

"Maliligo na ako kasi may pasok pa ako. Kung aalis ka, katukin mo lang ang pinto ko sa banyo at magsalita," saad ko rito at saka pumasok na sa banyo.

Habang naliligo ay hindi ko maiwasan na mapaisip kay Silas.

We're getting closer each day and I'm getting afraid of it. I mean, this is my first time to be friends with a ghost like him, unlike Shi no Tenshi who's a grim reaper...

I'm also afraid that what if one day Tenshi finds out the truth that I hid something from him? He finds out because of the others not because of me?

"Sasabihin ko rin naman sa iyo, Tenshi. Hindi lang ngayon. Sa tamang panahon na," bulong ko sa sarili at saka mabilis na nagbalnaw.

Nang matapos maligo ay pagbukas ko ng banyo ay napangiti ako nang bumungad sa akin si Silas.

"Gusto mo ba umalis?" nagtatakang tanong ko.

Umiling-iling siya. "Gusto ko sumama sa iyo."

Napataas bigla ang aking kilay. "Siguro mas maganda kung hindi ka muna pupunta roon lalo na't may iba pa lang tao na nakakakita rin sa iyo roon."

"Ano naman masama roon?" inosenteng tanong niya sa akin.

Napabuntong hininga ako at napakamot na lang sa aking batok.

"Baka kasi hindi siya makapag-focus, ganoon na rin ako," paliwanag ko.

"Hindi naman kita guguluhin," saad niya sa akin.

"Kahit na," seryosong wika ko rito.

Ngumuso naman siya. "E 'di, dito lang ako sa bahay mo?"

"Gano'n na nga." Patango-tangong wika ko rito.

Lumabas na ako ng kwarto at iniwan siya matapos niyang mapagpasiyahan na sa bahay na lang muna siya.

Siguro ay dadalhin ko siya sa parke sa mga susunod na araw para naman ay may libangan din siya.

Hindi naman dahil kay team leader kaya ayaw ko siya dalhin sa trabaho. May bali-balita kasi na anti-ghost daw ang may-ari ng kumpaniya.

Kung sakaling totoo man iyon ay mas maganda kung makaiwas nang mas maaga. Ayaw kong masaktan pa si Silas dahil sa akin, dahil sa kapabayaan ko.

May nabalitaan din kasi ako noon kay Shi no Tenshi na may panlaban na ang mga tao sa multo, sa panahon ngayon. Kahit na hindi ko pa nakikita at nalalaman kung ano 'yon ay hindi pa rin ako payag para roon.

Ayaw ko kasi na masasaktan ulit ang mga multo. Labis na ang sakit na naramdaman nila noong buhay pa sila, dadagdagan pa ba natin na ngayon ay kaluluwa na sila?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status