Share

Chapter 2

Tumigil ang sinasakyan nila sa isang napakagandang hotel na hindi mabilang ni Liana kung ilang palapag iyon. The building was too tall to look at.

“Before we go down, let me just warn you. Don’t cause any scene. Dahil kapag ginawa mo iyon, you and everyone else on that goddamned bar will rot in jail. Understood?” Malamig ang tinig na babala ni Henry sa kanya.

Para namang isang maamong tupa na tumango si Liana dito. Kaagad na umibis ng sasakyan si Henry at ipinagbukas siya ng pintuan.

Pero para namang ipinako sa kanyang pagkakaupo si Liana. Hindi siya makagalaw at nakatingin lang siya sa kawalan.

Maya-maya’y narinig niyang tumikhim si Henry na bahagya pa niyang ikinapitlag. Naiinip na ito.

Nanginginig ang mga kamay na pinagsalikop niya ang mga iyon sa kanyang may kandungan. Pagkatapos ay sumulyap siya sa may entrance ng hotel, bago tiningnan ang lalaking nakakapit pa rin sa may pintuan ng sasakyan.

Nanghinang ang kanilang mga mata. Nasa anyo nito ang matinding pagkainip habang siya naman ay nakadarama ng matinding takot. Oras na bumaba siya sa sasakyang iyon, hindi na siya makakaatras pa.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago nakuhang igalaw ang mga paa. Bahagya pa niyang narinig ang marahas na paghugot ng hininga ni Henry.

Hindi niya alam kung para saan iyon, pero mabilis siyang kinapitan nito sa kamay at iginiya papasok ng hotel.

Tuloy-tuloy sila sa isang elevator doon. Pero napansin ni Liana na kakatwa iyon dahil nag-iisang button lang ang mayroon iyon.

Penthouse. Iyon ang nabasa niya.

Halos mabingi siya sa bilis at taas ng inaakyat noon. Napapitlag pa siya ng tumunog iyon at bumukas ang pintuan. Hudyat na kailangan na nilang lumabas.

At dahil hindi binibitawan ni Henry ang kanyang kamay, wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Tuloy-tuloy sila sa nag-iisang silid na naroon.

Padarag na binuksan ni Henry ang pinto. At walang ano-ano’y isinalya siya nito sa malaking kama na nasa gitna ng silid na iyon.

Nahihintakutang tinitigan niya ang lalaki habang nagmamadaling naghuhubad ng kasuotan nito. Wala itong itinira kahit isa, kaya mabilis niya itong tinalikuran.

Pagak namang tumawa si Henry. “What? Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking n*******d?” tanong nito sa kanya.

Hindi siya umimik. Pakiramdam niya nangurong ang kanyang dila.

Maya-maya’y naramdaman niyang lumundo ang kama. Then, Henry’s hand slowly caress her arm hanggang sa dumako ang mga iyon sa kanyang may batok and massage it gently.

Napasinghap siya ng malakas at mariing napapikit ang mga mata. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan sa uri ng paghaplos na ginagawa nito. May kakaibang sensasyong binubuhay ito sa kaloob-looban niya.

“You like it?” paanas na wika nito sa may punong tenga niya.

Doon siya tila natauhan at bahagyang pumiksi. Nakaloloko namang tumawa si Henry.

“Can you stop being hard to get? Alam kong matagal mo na itong ginagawa.” Sarkastikong wika nito.

Marahas siyang napalingon sa lalaki. Gusto niyang isigaw sa pagmumukha nito na nagkakamali ito, ngunit naipon lang ang mga iyon sa kanyang lalamunan. Dahil sinalubong siya nito ng isang mapagparusang halik.

Halos madurog ang mga labi niya sa uri ng ginagawa nitong paghalik. Tila wala itong pakialam kong nasasaktan siya.

Nagpumiglas si Liana, ngunit mas lalong naging marahas si Henry. Mabilis siya nitong inihiga at dinaganan. Halos madurog ang mga buto niya sa bigat nito.

Henry continued kissing her harshly. Mangiyak-ngiyak na siya sa ginagawa nito. Pakiramdam niya anumang sandali ay magdurugo na ang kanyang mga labi.

At hindi doon natatapos ang lahat, kasabay noon ang pananalakay ng mga kamay nito sa kanyang katawan. He roughly caressed her breast.

Namimilog ang kanyang mga matang napatitig sa lalaki. Nagliliyab ang mga mata nito sa tindi ng pagnanasang nadarama.

Maya-maya pa, humantong ang mga kamay nito sa zipper ng suot niyang damit. Kaagad nito iyong binuksan.

Nang akmang huhubarin na nito iyon, mabilis na tumanggi ang isip niya. Itinulak niya ito ng ubod lakas at patakbong lumabas ng silid.

Hindi niya ininda ang malakas na pagtawag ng lalaki. Mabilis siyang sumakay sa nakaabang na elevator at pinindot ng mariin ang close button. At bago tuluyang sumara iyon ay narinig pa niya ang malakas na pagmumura ni Henry.

A tear fell down on her cheeks. Napasalampak na lang siya sa elevator habang inaanalisa sa isip ang muntik ng mangyari.

Ilang sandali din siya sa ganoong posisyon, pagkatapos ay tumayo at inayos ang sarili. Ibinalik niyang muli sa pagkaka-zipper ang damit.

She comb her hair na bahagyang nagulo and wipe her swollen lips. Para bang sa paraan na iyon ay mabubura ang bakas na iniwan ni Henry.

She let out a long deep sigh nang bumukas ang elevator. Lakad-takbong lumabas siya doon. Alam niyang imposibleng abutan pa siya ng lalaki, ngunit maigi na iyong sigurado.

Pagkalabas ng hotel ay mabilis siyang pumara ng jeep at sumakay doon. Hindi niya alam kung nasaang lumalop siya ng Maynila, basta’t ang nasa isip niya ay makalayo sa lugar na iyon.

**

“Liana! Liana!” ang malakas na tawag sa kanya ng kapitbahay nilang si Aling Perla. Hindi niya alam kong anong oras na, pero may palagay siyang wala pang tatlong oras ang naiitulog niya ng mga sandaling iyon.

Hindi na sana niya iyon papansin dahil sa sobrang antok na nadarama, ngunit wala naman itong tigil sa pagkatok. Mag-uumaga na kasi ng makauwi siya kanina.

“Ano ho iyon?” tanong niya dito na bahagya pang nakapikit ang mga mata.

“Ano ka ba namang bata ka! Kanina pa ako kumakatok dito,” bungad nito sa kanya sabay pahid sa mga pawis na gumiti sa mukha nito. May katirikan na rin pala ang araw ng mga oras na iyon.

Kunot-noong pinagmasdan niya si Aling Perla. Kapansin-pansin ang pagkabalisa sa anyo nito. Bigla siyang kinabahan.

“May nangyari ho ba?” ang hindi na niya napigilang itanong. Bahagya ng nawala ang kanyang antok dahil sa nakikitang itsura nito.

“Ang nanay mo nasa presinto nakakulong.” Walang kaabog-abog na pagbabalita nito.

“Ano ho!?” malakas na wika niya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nawala ng tuluyan ang kanyang antok na nadarama.

“Paano ho siya nakulong? Saang presinto ho siya naroroon?” sunod-sunod na tanong niya dito.

“Aba’y ano pa, eh ‘di dahil sa sugal. Nahuling nandaraya ng mga kalaro niya kanina d’yan sa may kanto. Ay di ayon… ipinakulong siya. Panay din daw ang pasabit, wala naman palang ibabayad.” Salaysay nito.

Tarantang hindi malaman ni Liana ang gagawin. Hindi pa man nawawala ang iniwang problema niya kagabi, dumagdag pa ito.

Wala sa loob na hinayon niya ang silid ng kanyang ina. Natitiyak niyang tulog pa hanggang ngayon ang bunso niyang kapatid na si Lester.

Narinig niyang napataltak si Aling Perla. “Ang maigi pa, puntahan mo muna ang iyong ina sa presinto. Ako na muna ang bahala kay Lester.”

Nahihiyang nilingon naman niya ito. “Salamat ho, Aling Perla… Mabuti na lang at lagi kayong nandyan para sa amin ng kapatid ko,” aniya dito sa nangingilid na mga luha.

“Naku! Wala iyon! Ikaw talagang bata ka, oo. Sino pa bang magtutulungan kundi tayo-tayo lang din.” Palatak nito.

Napangiti naman siya dito. Kahit mahirap at sa eskwater lang sila nakatira, marami pa rin sa mga kapitbahay nila ang may mabubuting loob. Mabilis niyang natatakbuhan ang mga ito kapag may pangangailangan sila.

“Aba’y ano pang itinatayo-tayo mo d’yan. Magbihis ka na at puntahan mo na ang nanay mo,” pagtataboy nito sa kanya.

Mabilis naman siyang sumunod. Nagpalit siya ng isang asul na t-shirt at medyo kupas na pantalon. Itinali niya lang ng kung papaano ang mahabang buhok, bago nagmamadaling lumabas ng kanyang maliit na silid.

Nasa may salas na si Aling Perla at inaabangan siya. Lumapit ito sa kanya.

“O, ito… Alam kong walang-wala ka ngayon, kaya’t tanggapin mo na.” Anito sabay abot ng dalawang daang piso sa kanya.

“Naku, huwag na ho Aling Perla,” mariing tanggi niya kasabay ng pag-iling. “May pera pa naman ho akong natatabi, iyon na lang ho ang gagamitin ko.”

Ngunit hindi naman nagpatinag ang may-edad na babae. Ito na mismo ang naglagay ng pera sa kanyang bulsa.

“Huwag mo ng tanggihan. Malaki ang ibinigay na tip sa akin kahapon ng sineserbisan ko, kaya may pera pa ako.” Anito.

Ang tinutukoy nitong pagse-service ay ang pagiging on-call masahista nito. Magaling magmasahe si Aling Perla at subok na subok na niya iyon dahil ilang ulit na rin siyang nakapagpamasahe dito.

Nahihiyang tiningnan niya ito. “Ganoon ho ba? Hindi ko na ho ito tatanggihan. At ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ho ako sa inyo,” aniya sabay yakap dito.

“Naku! Naku! Oo na… Oo na…” anito sabay tapik sa likod niya. “Ikaw ay magmadali na ng malaman mo kung ano na ba lagay ni Cely sa presinto. Bakit ba ‘yang nanay kaytanda-tanda na wala pa ring ipinagbago.” ngunguto-nguto pang sabi nito.

Hindi niya rin alam ang sagot sa katanungan nito. Mula ng magkaisip siya ay ganoon na ito. Kinukunsinti naman ito ng kanyang Itay, kaya mas lalo lang itong nasanay.

At nang mamatay sa aksidente ang kanyang ama, kung kanino-kanino na silang kamag-anak nangutang para lang sa bisyo ng ina. At kinalaunan ay hindi na ito pinagbigyan pa.

Napabuntong-hininga siya at tsaka lumabas ng kanilang bagay. Habang daan ay iniisip kung ano ang pwede niyang gawin upang tumigil na ang ina sa mga bisyo nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status