LOGIN“I have to have him, by hook or by crook.” Iyan ang nasa isipan ni Atharie habang patuloy na tinititigan ang litrato ni Idris Elorde. Masayang-masaya ang mukha nito habang isinusuot ang singsing kay Shannon Baylon, ang girlfriend nito na ngayo’y fiance na. Nag-iiyakan pa ang mga ito habang nakaluhod ang lalaki. Magarbo ang buong kapaligiran. Bawat detalye ay tinandaan ni Atharie. Hindi siya makakapayag na hindi sa kanya mapunta ang lalaki. Kahit matagal nang namumuhi sa kanya ang lalaki. Halos itaboy siya nito na parang basura. Dahil isang babaeng pamigay ang tingin nito sa kanya. Ngunit hindi siya magpapatalo rito. Kailangan niyang makaganti. Kailangan sa kanya mapunta si Idris!
View MoreUmirap ako nang sa ika-pitong pagkakataon ay hindi sinagot ni Idris ang tawag ko.“Save you, save you ka pang nalalaman. Wala ka pala eh.” kausap ko sa cellphone.Tinigilan ko na ang pagtawag.Buti at hindi pa rin ako naka-block sa kanya.Tatlong araw na ang nakakaraan at hindi pa kami ulit nakakapag-usap.Na-busy na rin ako sa trabaho.Isang buwan nalang ay graduation na ni Cede kaya halos hindi na siya pumapasok sa trabaho.Ako lahat ang sumasalo sa mga naiwan niyang gawain.Hinahatian niya nalang ako sa gabi kahit sinabi ko nang ako na ang bahala.Mas gusto kong makapagpahinga siya para mas makapag-focus siya sa pag-aaral niya.Bumalik ako sa computer.Buong araw akong nakaharap doon.Nakalimutan ko na ring mag-tanghalian.Hapon nang bumaba ako sa opisina.Lumabas ako para mag-drive thru nalang.Pagtapos ay bumalik ako sa aking opisina.Hinarang ako ng isang empleyado bago ako makapasok.“Ma’am, nasa email niyo na po ‘yung pang next month na storyboard. Paki-check nalang po.”“Ah g
Umatake agad ang kanyang pabango sa aking ilong.I know it’s Idris.Halos kaladkarin niya ako nang makaalis kami sa dancefloor.Tumawa ako.Umaakyat muli ang tama ng alak sa akin.Ang sakit sakit na ng paa ko kaya naman sinubukan ko iyong tanggalin.Agad niya akong nilingon.Narinig ko ang mura niya.“Akala ko matutumba ka na.”Binitawan niya ako at alam niyang inaabot ko ang strap ng aking heels.Sinandal niya ako sa wall ng hallway papunta sa fire exit.Pinatayo niya ako ng maayos pagkatapos ay lumuhod siya.Na-out balance ako nang dungawin ko siya sa aking paanan at halos matumba.Tumawa ako habang siya ay nagmumura.“Damn, Atharie. Umayos ka. Tatanggalin ko ang sapatos mo!” galit niyang sabi.“Nahihilo ako.” tawa kong muli.Sinilip ko siya ulit at muli akong nahilo.Kaya tumingala ako at pumikit.Hinihintay siyang matapos.Narinig ko pa ang bulung-bulong niya.“Why do you love these damn shoes? Ang pula-pula na ng talampakan mo.”Naramdaman ko nalang ang muling pag-akay niya sa ak
Matinding panenermon ang inabot ko kay daddy nang makapasok siya sa bahay.Iyak na ako nang iyak habang yakap ako ni Shanne Baylon.“Kung aalis ka, umalis ka nalang! ‘Wag ka nang maninira ng mga hindi mo naman gamit.”Galit na galit si daddy nang madatnan ang kwarto ng kanyang anak.Mas lalong nagpapatong ang galit ko para sa kanya.Hindi na mailigtas ng pagmamahal ko para sa kanya ang disappoinment na nararamdaman ko.“Bakit galit ka? Buti nga hindi ko sinunog ‘tong bahay niyo!”Isang lumalagitik na sampal ang binigay niya sa akin.Agad na napasigaw si Shanne.“Greg! Ano ba?!”Agad siyang humarang sa amin ni daddy.Niyakap niya ako at itinulak si daddy.Bumuhos ang luha sa aking mga mata.Ang sikip sa dibdib ko ay nagpapahirap sa aking huminga.“Hindi ako papayag na ginaganyan mo ang anak mo! At ano gagawin mo rin kay Shannon ‘pag may nagawa siyang hindi mo gusto?!” sigaw nito.Dinuro ako ni daddy.“Hindi niya katulad si Shannon! Malala ang batang ito. Kung sino pa ang may kinalakiha
Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang mga kasama ko.Ang iba ay hindi ko kilala.Si Wyna lang ang talagang close ko rito.Pero lahat naman ay common friends na rin.Malaki ang circle ko.Pero wala akong itinuturing na bestfriends o kung anuman na pinaka malalapit na kaibigan.Si Cede lang ang maituturing ko na pinakamalapit na kaibigan. Maingay na ang mesa namin.Ang iba ay lasing na nang dumating.Galing daw sila sa isang bar bago pumunta rito.“Nagpa-party rin pala ‘yang loser na ‘yan?”Narinig ko sa isa sa mga babaeng nasa table namin.Medyo tipsy na ito dahil nakahilig na siya sa kausap niyang babae rin.Sinundan ko ang tingin nila at nakita si Idris na may kausap na isang lalaki.Pareho ng suot niya kanina ay iyon pa rin ang suot niya.The thing is hindi na niya kasama si Shannon.Bumalik siya?“You’re so mean. Ni-reject ka lang eh.” tawa naman ng kausap niya.Umirap naman ang babaeng lasing.“He is such a loser. Siguro ginayuma niyan si Shannon. Hindi sila bagay.”Tumaas


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews