One night is all it takes. Si Celeste Ramirez ay isang nurse na tutok sa trabaho at walang oras para sa kahit anong abala—lalo na sa pag-ibig. Pero sa isang medical conference na puno ng alak, musika, at kasiyahan, nagising na lang siya sa isang hindi pamilyar na kama, walang saplot, at walang maalala,maliban sa mapusok na init ng isang gabing kasama ang lalaking hindi niya kilala. Ilang araw ang lumipas—dalawang linya sa pregnancy test ang bumungat sa kanya. Wala ito sa plano niya. Wala siyang balak maging ina. At lalong wala siyang ideya kung sino ang ama ng dinadala niya. Handa na siyang tapusin ang lahat ng tahimik at walang komplikasyon. Pero sa mismong clinic kung saan siya magpapalaglag, isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa kanya—ang bagong doktor na hahawak sa kaso niya. Ay ang lalaking kasama niya sa gabing iyon. Ito na kaya ang ama ng kanyang dinadala? O may mas higit pang rason kung bakit sila muling pinagtagpo ng tadhana?
View MoreTahimik ang buong biyahe namin ni Damian papunta sa hotel ballroom kung saan gaganapin ang recognition dinner ng hospital board. Ayon sa email na natanggap niya kaninang umaga, ito raw ay para parangalan ang mga “frontliner volunteers” na tumulong sa gitna ng bagyo. Pero alam ko sa loob-loob ko, hindi iyon purely recognition. Parte ito ng damage control ng ospital. They needed to polish their reputation after suspending two of their own doctors — lalo na’t kumalat na rin online ang ilang larawan naming dalawa sa evacuation center.Naka-gown ako ngayon, simpleng itim na may maliliit na beadwork sa neckline. Damian insisted na ipagamit ang stylist na kilala niya, pero tumanggi ako. Ayokong dumating na parang pinilit ipasok sa mundong hindi ko naman kinalakihan. Kaya ito, understated, elegant, pero hindi nakaka-intimidate. Damian, on the other hand, looked effortlessly commanding in his tuxedo. His presence alone demanded attention — kahit wala pa kami sa venue, ramdam ko na ang titig n
Kinabukasan matapos ang nakakapagod na pagvolunteer sa ospital noong kasagsagan ng bagyo, halos hindi pa ako nakabawi ng lakas. Magkahalong pagod at kaba ang bumabalot sa dibdib ko habang nakaupo sa gilid ng sofa. Si Damian, naka-upo sa dining table, nakasandal habang hawak ang tasa ng kape. Tahimik siya, pero alam kong pareho kami ng iniisip: ang tawag ng HR kagabi.“Celeste,” malamig pero mahinahon ang boses niya, “handa ka ba sa board hearing mamaya?”Humugot ako ng malalim na hininga. “Hindi ko alam kung may sapat na lakas ako, pero wala naman tayong choice, hindi ba?”Alam kong mali ang ginawa namin—sumugod kami sa ospital kahit suspended. Pero paano mo pipigilan ang sarili mo kung buhay na ng tao ang nakataya?Pagdating namin sa conference room ng ospital, ramdam ko agad ang bigat ng atmospera. Mahaba ang mesa, puno ng executives at board members. Nasa gitna kami ni Damian, parang mga akusadong inaantay ang hatol.“Dr. Damian Alcantara,.Ms.Celeste Ramirez,” panimula ng chairman.
Pagod na pagod ako. Para akong piniga—hindi lang sa katawan kundi pati sa puso. Hindi ko alam kung paano ako nakalabas sa ER kanina. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang bigat ng maliit na katawan ng batang sinubukan naming i-revive, ang malamig niyang balat, at ang mga huling iyak ng nanay niyang hindi na bumitaw hanggang sa huli.Nakatulala lang ako habang nakaupo sa passenger seat ng kotse ni Damian. Umuulan pa rin sa labas. Kumakalog ang bubong ng sasakyan sa lakas ng bagsak ng ulan. Wala kaming imikan mula nang lumabas kami ng ospital. Pareho kaming basang-basa, pareho ring duguan at pawisan ang mga uniporme namin.Humigpit ang hawak ko sa bag ko. Parang gusto kong sumigaw, pero wala akong boses na lumalabas.“Celeste,” basag ni Damian sa katahimikan. Mababa, halos paos ang boses niya. “You shouldn’t have been there. You’re pregnant. You put yourself and the baby at risk.”Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Kita ko ang pagod sa mukha niya—ang pulang mga mata, ang mahigpit na p
Pagkabukas ng mata ko, ramdam ko pa rin ang init ng labi niya sa akin. Damian was asleep beside me on the couch, his head tilted back, chest rising and falling steadily. Hindi ko alam kung paano nangyari—isang saglit lang ng kahinaan, ng pagkakahulog, at nadala na kami ng init ng sandali. Hindi iyon biro. Hindi iyon aksidente. I let him kiss me. I kissed him back.My lips tingled as I brushed them with the back of my hand. A whisper of shame mixed with something terrifyingly sweet curled inside my chest. Celeste, what did you just do?Before I could sink further into the thought, Damian stirred, eyes blinking open. His gaze immediately found mine. Walang salitang kumawala, pero ramdam ko ang bigat ng katahimikan. Then—like a reflex—he reached forward, brushing a loose strand of hair behind my ear. Simple. Intimate. My heart slammed against my ribs.Before either of us could speak, my phone buzzed violently on the coffee table. I snatched it up, expecting Clarice or maybe Jessa. Instea
Tahimik ang kwarto ni Damian, tanging kaluskos lang ng pages at tik-tak ng wall clock ang naririnig ko. Nasa opisina siya sa condo, nakaupo sa harap ng desk, habang ako naman ay nakasandal sa gilid ng shelf, hinihigpitan ang yakap sa sarili.Kanina pa kami nagbubukas ng folders at files na iniwan ng abogado. Statements, properties, records. Puro dokumento ng yaman ni Papa. Yaman na parang bigla na lang sumulpot.“Hindi ko maintindihan,” mahina kong bulong. “Nung bata ako… normal lang kami. Public school. Simpleng bahay. Kahit ang panggatas minsan, hirap pa si Mama. Then suddenly, years later… eto. Mansion. Company shares. How?”Damian glanced at me, may konting ngisi. “Maybe he was a secret genius in investments. Or… he hired someone like me in senior high school. Don’t underestimate my computer skills, Celeste. I could’ve built him an empire with just Excel and pirated Wi-Fi.”Napapailing ako pero napatawa kahit papaano. “Excel daw. Huwag mo kong pinaglalaruan.”“Serious ako.” Tumayo
Parang nawala ang dugo ko sa katawan ko. Hindi ko marinig ang sarili kong paghinga, pero ramdam ko ang matinding kaba na kumakain sa sikmura ko. Papa… collapsed? Critical?“Hello? Hello?!” halos pasigaw kong tanong, pero wala nang sagot. Dead line.Nabitawan ko ang phone ko sa sahig, at agad akong sinapo ni Damian bago pa ako tuluyang bumagsak.“Celeste, hey, look at me.” Mahigpit ang hawak niya sa balikat ko. “What did they say?”“Papa…” halos hindi lumabas ang boses ko. “Critical. They want me at the hospital. Now.”Mabilis siyang tumayo, kinuha ang susi ng kotse. “Let’s go.”Ang biyahe papuntang ospital parang multo—tahimik pero puno ng alingawngaw. Paulit-ulit sa utak ko ang huling beses kong nakita si Papa, kung paano siya tumingin sa akin na parang estranghero, kung paanong pinili niyang manatili sa bagong pamilya niya.And now he’s dying. And I have to face them.Pagdating namin sa ospital, sinalubong agad kami ng malamig na corridor at amoy antiseptic na masyadong pamilyar. Pe
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments