SINISTER'S POV:
Naging matiwasay ang panibagong linggo ko sa loob ng FGC at sa kabutihang palad ay wala pa naman akong nakakasalubong na problema kung kaya't nakahinga ako ng maluwag. Ngayong araw dadalaw ang CEO ng FGC kung kaya naghahanda ang bawat empleyado sa pagdating nito kasama si Maria na halos hindi magkandaugaga sa kakaparoo't-parito upang maisaayos ang paligid ng buong FGC branch. Mula sa aking kinatatayuan, natanaw ko ang isang mahabang pila ng mga empleyado sa magkabilaang bahagi ng hallway na malapit sa elevator. At dahil sa top floor ako naka-destino, wala akong ibang mapupuntahan bukod sa exit door. Nang bumukas ang elevator agad na nagsiyukuan ang mga empleyado pati na rin si Maria habang ako ay sumisilip lang mula sa halaman na nasa aking harapan. Isang matangkad na lalaki ang lumabas kasama ang isang sopistikadang babae na sa tingin ko ay sekretarya nito. "Maligayang pagdating Sir Duty," sabay-sabay na wika ng mga empleyado. Halos hindi ko makita ang itsura ng tinatawag nilang Sir Duty dahil masyadong mayabong ang halaman na kinaroroonan ko. "How's it going here, people?" mula sa baritono nitong boses, medyo pamilyar siya sa akin ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang 'yon. "We're fine, Sir. The FGC still it's peak as one of the leading companies in town," rinig kong sabi ni Maria. "Alright. Go back to your work and Miss Palarin, come with me in my office." Nagsimulang maglakad ang Boss ng FGC papasok ng opisina nito kasama ang sekretarya at si Maria. Tanging ang matipunong likuran na lamang ang nakita ko bago ako tuluyang lumabas mula sa aking pinagtataguan. "Hoy! Bakit nagtatago ka riyan?" kunot-noong tanong sa akin ng isa sa mga empleyadong nakakita sa ginagawa ko kaya naman nahiya ako bigla. "U-Uhm, wala. Naglilinis lang ako. Iyon ba ang Boss natin?" usisa ko sa kanya. "Oo. Once a month lang pumunta si Sir Duty dito. Ang gwapo, no?" Napangiwi ako sa kanyang tinuran. Base sa pustura at pananalita ng aming Boss, masasabi kong bata pa nga ito ngunit sumisigaw ang pagiging istrikto nito lalo na pagdating sa trabaho. Kung sabagay, ganun rin naman ang Daddy ko pagdating sa empleyado namin at isa pa, Boss nga naman siya. Nagpaalam na lang ako sa babaeng kumausap sa akin at saka nilagpasan ang pinto ng opisina ngunit ganun na lamang ang gulat ko nang lumabas si Maria mula sa pintuang iyon. "Sin! Sakto at nandito ka!" biglang sambit nito nang makita ako at basta na lang akong hinila papasok ng opisina. "T-Teka, bakit ka ba nanghihila?" bulong ko kay Maria hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob ng opisina ni Sir Duty. "Sir, siya po ang tinutukoy ko na naglilinis nitong opisina mo," ani ni Maria kaya naman napayuko ako at nayakap ang mop na hawak ko. Ni hindi ako sigurado sa itsura ko kung maayos pa ba ang damit at buhok ko gayong kanina pa ako nagpapaikot-ikot dito sa buong floor upang maglinis kahit wala namang lilinisin. "Hmm... What's her name?" usisa nito. "Sin Evangelista po," sagot ni Maria para sa akin. Parang gusto kong tumakbo palayo dahil hindi ako handa na harapin ang Boss namin. "Can you leave us alone, please?" pakiusap ni Sir Duty. Mukha naman siyang mabait at approachable ngunit sabi nga ng iba huwag kang magpapalinlang sa mga may maamong boses at mukha. "Sige, Sir." Iniwan kami ni Maria at nang sekretarya nito. Gusto ko sanang sumunod ngunit hindi ko kayang gumalaw sa kinatatayuan ko. Kaya naman nang tumayo si Sir Duty mula sa kinauupuan nito at naglakad palapit sa akin, nahugot ko ang sarili kong hininga nang yumuko siya at bumulong sa aking tenga. "It's been awhile, my lady. I didn't know I will find you here..." Naiangat ko ang aking mukha at ganun na lamang ang pagkagimbal ng aking pagkatao nang makilala ang taong nasa harapan ko. "D-Duane!?" nagugulat na wika ko at nabitawan ang mop na hawak ko. Umayos ng tayo si Duane at isinilid ang mga kamay nito sa bulsa ng kanyang pantalon at seryosong tumingin sa akin. "Why did you leave me at the hotel without waking me up?" aniya. Napatanga ako sa kanyang harapan. "A-Anong hotel? Sa pagkakaalala ko sa GMH tayo huling nagkita." Hindi ko talaga alam kung ano ang tinutukoy niya ngunit agad akong napalunok nang tignan niya ako ng pailalim na tila may ginawa akong malaking kasalanan sa kanya. "That night, you told me to take you away from this hurtful world, own you and do everything I want because you said your life was meaningless," humakbang ito palapit sa akin dahilan para maiatras ko ang aking paa palayo sa kanya. Sa bawat paghakbang ng kanyang paa ay tila hinahalukay ang aking kalooban dahil sa kaba na aking nararamdaman. "I followed what you wanted but you left me. Do you remember how you used to beg me to own your whole being while moaning my name, Sinister Creige?" Napasinghap ako nang bumagsak ang aking katawan sa malambot na sofa dahilan para ma-corner ako ni Duane. Hinahalukay ko sa aking isipan ang sinasabi niya ngunit kahit isa ay wala akong maalala nang biglang pumitik sa aking sintido ang isang alala- ang hubad nitong katawan na nakadapang natutulog sa ibabaw ng kama. "I-Ikaw yung kasama ko sa hotel ng gabing isuko ko ang sarili ko?" hindi makapaniwalang sambit ko. Duane put his hand on either side of me to stop me from doing whatever I was planning to do just to get away from him. He tilted his head. "Bingo, Sin. Sinister or whatever your name it is, you are mine. Mine alone." In an instant, Duane's lips were on mine regardless of the sweat on my face and the memory flashed through my mind of the night I gave myself to him. I never thought that we would meet in this situation and if I am unlucky - he is my Boss. Nang bitawan nito ang labi ko, sinapo niya ang kanang pisngi ko gamit ang malaki nitong palad at pinakatitigan akong mabuti sa aking mga mata. "Even if you hide your whole personality from me, I will still recognize you. Remember that I marked you the night you surrendered yourself to me, Sinister. You are the sin that I want to hold forever and you will never get rid of me." Akala ko ang pagpapakasal ko lang kay Mr. Wrights ang magiging problema ko pati ang pamilya ko ngunit hindi ko inaasahan na babagsak ako sa isang Duane Tyron Fullentes.SINISTER'S POV: "Kaya mo pa, Sinister?" usisa sa akin ni Saviel nang makasakay kami kay Homare at alam kong namumutla na ako. "H-Huwag mo akong kausapin!" "Hmp! Sungit nito. Kami na nga ang bahala sa anak mo at baka mahimatay ka bigla." Inirapan ko si Saviel at mahigpit ang pagkakakapit ko sa gilid ng upuan kahit na hindi pa man umaandar ay nahihilo na ako. Sa kamalas-malasan ay si Homare lang talaga ang tanging sasakyan namin pauwi ng Pilipinas. Humigpit ang pagkakahawak ko sa gilid ng upuan ng unti-unti nang umaangat si Homare at mariin akong napapikit at sa pagmulat ko ng aking mata, nasa rooftop na kami ng HuPoFEL. Agad akong naghalungkat ng plastic sa compartment at gaya ng dati, inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. "Ang weak mo talaga kahit kailan, Sinister. Kailan ka ba magbabago?" rinig kong sambit ni Saviel sa akin habang karga si Sin'ceré habang si Deiven ay na kay Sinji. Nang mahimasmasan ako, agad kong tiningala si Saviel na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko at
SINISTER'S POV: Hindi magkandaugaga si Saviel at Sinji sa pag-aasikaso sa kambal dahil ngayong araw ay uuwi na kami sa Pilipinas matapos ang limang taon na pagtatago ko mula kay Duty. "Bakit ba aligaga kayong dalawa?" hindi ko mapigilang magtanong dahil kanina pa sila paroo't-parito sa harapan ko habang umiinom ako ng kape sa hawak kong tasa rito sa sala ng hotel room na siyang tinutuluyan namin. Huminto si Saviel at Sinji at sabay silang napatingin sa akin. "Dapat ba mahinhing kilos lang?" takang tanong ni Saviel sa akin dahilan para masapo ko ang aking noo at ilapag sa coffee table ang hawak kong tasa at saka pinagsalikop ang aking braso sa ibabaw ng aking dibdib. "Mukha kayong sasabak sa isang dilubyo dahil dyan sa ginagawa niyo, pwede bang kumalma naman kayo?" Umupo si Sinji sa tabi ko, "oo nga naman mars. Bakit ba tayo nangangarag kung uuwi lang tayo sa Pinas?" Umangat ang isang kilay ni Saviel sa amin at saka ito pumamewang. "Hoy! Baka nakakalimutan mong iniwan mo ang mga
DUANE TYRON'S POV: "HOY! WALA ka bang balak na pumunta sa VIP room at doon magpakalunod ng alak?" sita sa akin ni Thunder nang hindi ako gumagalaw mula sa pangangalumbaba ko sa loob ng bar counter kahit na may mga customer na at si Thunder ang tumayong bar tender ngayong gabi. "Wala, kaya huwah mo akong pansinin at magtrabaho ka na lang!" balik na singhal ko rito kaya napakamot na lang si Thunder sa kaniyang batok. "Hirap sa inyong mga broken ginagawa niyong kanlungan ang alak. Bakit hindi kayo maghanap ng babae!? Ang hihina niyo!" rinig ko pang bulong nito habang inaasikaso ang isang customer. "Kung sabihin ko kaya sa asawa mo na may kabit ka?" Marahas na napalingon si Thunder sa akin at inambahan ako ng suntok. "H-Hoy, wala kang narinig at huwag mong sasabihin sa asawa ko ang tungkol doon. Busy siya sa e-sports no!" "Buti pinapayagan pa ang asawa mo na maglaro? Pinikot mo lang yata si Fumiko para patulan ka." Ngumiwi ito sa akin at ni-head lock ako bigla ngunit kahit anong g
~ FIVE YEARS LATER ~ DUANE TYRON'S POV: "HOW many times do I have to tell you that you need to revise this report!?" sigaw ko sa aking sekretarya dahil araw-araw na lang ay puro palpak na report ang binibigay nito sa akin na pati schedule ko ay hindi niya magawang ayusin. "I-I'm sorry Sir, I will work on that." "Get out before I fired you!" Kinuha nito ang folder na ibinagsak ko sa aking mesa kanina at saka ito nakayukong kumaripas ng takbo palabas ng opisina ko. Pabagsak akong naupo sa swivel chair ko at hinilot ang aking sintido. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko mula nang umalis si Sinister sa HuPoFEL. Tinanong ko si Luther Aqueros kung na saan ang asawa ko ngunit wala itong ideya. Nagising na lang daw isang araw si Doc Gun at nang bibisitahin nito si Sinister at ang mga bata ay wala na ang mga ito. Kahit sa CCTV ng building ay walang nakuha kahit isang footage at hanggang sa lumipas ang limang taon na wala akong balita sa mag-ina ko. Limang taon. Limang taong nag
SINISTER'S POV: SAPO ang aking bibig upang pigilan ang napipintong pagsusuka ko, hinalungkat ko ang compartment na nasa harapan ko gamit ang libre kong kamay at nang makakuha ako ng plastic ay doon ko nilabas ang sama ng loob ko dahil sa mabilisang byahe mula Pinas hanggang Hawaii nang lumapag si Homare sa rooftop ng hindi ko kilalang building at mukhang pagmamay-ari ito ng Bloodfist. "Ano ba yan Sinister!? Ilang beses ka nang nakasakay kay Homare, nahihilo ka pa rin?" Hindi ko magawang barahin si Sinji dahil abala ako sa pagsusuka. Sinong tanga ang masasanay sa ganito kabilis na sasakyang panghimpapawid kung sa land transportation pa nga lang bawal na ang high speed? Buti sana kung katulad nila ako na malakas ang resistensya na dumaan sa iba't-ibang training lalo na't delikado ang kanilang trabaho. "Hayaan mo na mars. Kapag broken kailangang ilabas ang sama ng loob sa pamamagitan ng pagsusuka." "Ay sabagay. Pag lasing nga tayo kailangang walang hungover para hindi tayo magsabi n
SINISTER'S POV: Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang manganak ako at sa loob ng nakalipas na mga araw ay mas pinili kong palakasin ang katawan ko dahil aalis ako sa lugar na ito na malayo sa kung na saan si Duty. Akala ko ay mahal niya ako ngunit nagkamali ako nang marinig ko ang pag-uusap nilang dalawa ni Luther. Hindi ko aakalain na papaikotin lang ako ni Duty sa mga kamay niya para makapaghiganti sa nanay ko at ginamit niya lang ako para punan ang hustisya na gusto niyang makuha para kay Tita Calia. Minsan napapaisip na lang ako kung ano pa ba ang purpose ko rito sa mundo at kung bakit nadadamay ako sa problema ng ibang tao? I just wanted to live my life in peace but those people around me didn't let me. Gusto kong sumbatan, saktan at awayin si Duty ngunit para saan pa? Magsasayang lang ako ng oras at panahon kung aawayin ko lang siya lalo na't inanakan niya lang naman ako at ang kambal namin ang siyang naging bunga ng isang gabing pagkakamali. Akala ko kasi ay si Duty n