Share

Chapter 10: Camila

Isang purple daisy cami dress na lang ang sinuot ko dahil sabi ni Riel ay dadaan lang naman raw kami sa isang mall. Doon raw kami sa malapit na stuff toy store sa west entrance.

Sa totoo lang, gusto kong bawiin 'yung sagot ko sa kaniya. Aba, after noong meet up namin kaninang umaga, he rushed me to go home. Ngayong hapon daw magkita kami sa harap ng McDo na malapit lang sa bahay namin. Hindi raw niya ako susunduin directly sa amin dahil baka raw makita pa kami ni Creed.

Talagang siguradong-sigurado siya na papayag ako dahil ayan na nga, may plano na kaagad siya.

Umiinom siya ng McFloat nang bigla akong sumulpot sa harap niya at nameywang. Pinasadahan niya muna ang suot kong damit bago nangiwi.

"Ang ikli naman niyan pero sige, pwede na."

Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya at pinakatitigan siya. "Ano?"

"Hehe, wala naman. Tara na?"

Nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar bago siya binalingan ulit. Umirap ako. "'Di mo 'ko in-orderan? Peyk prends."

"Syempre meron. Ikaw na 'yan, e." Taas-b
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status