Share

Chapter 09: Plan

Eight years ago...

May sarili palang opisina si Ma'am Olegario at nasa likod lang 'yon ng building namin. May sa apat na palapag itong gusali at puro mga opisina ng mga guro ang umu-okupa.

Bumungad kaagad sa amin ang bundok-bundok na mga kwaderno namin. Alam kong amin iyon dahil may color coding daw ang mga notebook sa bawat section na hawak ni Ma'am.

"Uh..." Napakamot ako ng batok. "Iuuwi ko ba 'yan lahat para ma-distribute sa Lunes, Kuya?"

"No, silly." Natatawa niyang iniabot sa akin ang isang susi. "Pinakita ko lang sa'yo so you'd know where you'd take your boy classmates on Monday. Sila ang pagbubuhatin mo niyan, hindi ikaw. This is the key. Kahit iwan nating hindi naka-lock, maaaring ang guwardiyang naglilibot ang makakitang hindi ito naka-lock. So, we better be sure."

"Uh... Thanks, kuya."

Bakit pati ang tawa niya, mababa din?

Doon kami pinaka-unang nagkausap. Doon kami pinaka-unang nagkakilala. I remember being so amazed by him. Being so infatuated by him.

"Do you already have
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status