Share

CHAPTER 6: LEAVING THE MANSION

Pagbaba ni Haven sa taxi sa tapat ng kanilang bahay ay kaagad niyang napansin ang isang guard sa may shed. Paanong nagkaroon ng guard sa labas ng gate ng bahay nila? Her mom was never allowed to hire nannies or even guard. Sa kuripot na 'yon ng kanyang ina talagang napaka-imposible! She was the one who did all the household chores. Siya na talaga laba, taga hugas, taga luto basta lahat ng gawaing bahay siya ang gumagawa tuwing wala siyang pasok sa school. Habang ang kanyang ina naman lagi itong nasa shop.

Hindi kaya ginamit nito ang perang nakuha niya kay Marco?

Nilapitan niya ang gate at akmang bubuksan ito nang magsalita ang guard na marahil nasa edad trenta ito.

"Teka lang miss, bawal kang pumasok diyan."

"Po? Papaanong bawal ei bahay namin 'yan. Teka lang po nasa loob po ba si mama? I need to talk to her."

"Alam ko na ang galawang 'yan miss, wala ng nakatira diyan and that is banks property already, kala mo a hindi ako marunong mag english!" sabi nito na tumawa pa ng malakas.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status