NINONG MAFIA, I'm the Real Heiress

NINONG MAFIA, I'm the Real Heiress

last updateLast Updated : 2026-11-05
By:  CALLIEYAH JULYUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
5 ratings. 5 reviews
8Chapters
196views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis: Isang nakakagulat na tawag ang natanggap ni Joyce Lhexine “Joyceia” Esguerra mula sa abogado ng kaniyang mga magulang. Isang balita na hindi niya inaasahan, balita na magbabago sa takbo ng kaniyang buhay. Nag-aaral siya sa UK at hindi pa siya ulit nakaka-uwi sa Pilipinas. Dahil sa tawag na natanggap niya ay wala siyang choice kung hindi ang umuwi na sa Pilipinas. At dito niya makikilala si Atlass Romano Vizente isang kilalang batang mafia na siya rin pa lang ninong niya. Guwapo, makapangyarihan at magaling sa negosyo. Ano kaya ang magiging papel nito sa buhay niya?

View More

Chapter 1

C-1

JOYCE LHEXINE

“Joyceia, your parents are in the hospital. They were in an acc*dent.”

“P–Po?” nauutal na sambit ko dahil parang hindi ko ma-process ang narinig ko.

“Kailangan mong umuwi,” sabi niya sa akin.

“Kumusta po ang kalagayan nila?”

“Hindi maganda ang lagay nilang dalawa. I’ll send your ticket. My secretary already booked you a ticket para makauwi ka agad,” sabi niya sa akin.

“Okay po, attorney. Ikaw po muna ang bahala sa parents ko,” sabi ko sa kanya.

“Okay, call me kapag nakasakay ka na sa eroplano,” sagot niya sa akin.

“Okay po, attorney.”

Nang mawala na ang tawag ay nagmamadali na akong nag-ayos ng mga gamit ko. Kailangan kong ayusin ang mga gamit ko dahil kailangan kong umuwi sa Pilipinas. Nagpop-up na sa email ko ang plane ticket ko. Mamayang gabi pa ang flight ko kaya naman pupunta na muna ako sa school dahil kailangan kong magpaalam na uuwi ako sa Pilipinas. 

Hindi ko kasi alam kung ano ba ang naghihintay sa akin sa pag-uwi ko. Lalo pa nasa ospital ang parents ko. Nag-iisang anak lang nila ako, wala akong kapatid kaya ako talaga ang dapat na naroon. They send me abroad to study dahil mas naniniwala sila na mas gaganda ang lahat sa buhay ko.

Kaya ginagalingan ko rin talaga sa school para maging proud sila sa akin at para hindi masayang ang lahat ng pinaghirapan nila. Malapit lang naman ang school ko sa apartment ko kaya naman naglakad na ako papunta doon. Mabuti na lang at mabilis lang silang kausap kaya naman nagawa ko naman agad ang mga kailangan ko.

Bumalik ako sa apartment ko para ayusin na ang iba ko pang mga gamit. Kaunti lang naman ang mayroon ako dito. Kahit pa may pera ang parents ko ay ayaw kong maging maluho. Mas gusto ko kasi na gamitin ng maayos ang pera ko.

Alam ko na kapag ginawa ko ito ay magiging mas masaya ang parents ko. Hindi ko naman kasi kailangan na maging maluho.  Ano naman ang gagawin ko sa mga bibilhin ko. Dito sa ibang bansa, hindi naman mahalaga sa kanila kung mayaman ka o hindi. Sa Pilipinas lang talaga ang may gap sa pagitan ng mayaman at mahirap. Dito, afford nila ang designers item. Sinusuot at ginagamit nila araw-araw. Hindi nila kailangan na ipagyabang ang mayroon sila.

Oo, may mga b*lly rin naman pero wala pa namang gumawa sa akin ng gano’n. Third year na ako at peaceful naman ang lahat sa buhay ko. Nagsisimula pa lang ng school year dito. May mga kaibigan na ako dito, may mga exchange students na galing sa Pilinas kaya kasundo ko rin talaga sila.

After I packed my things ay na ligo na ako at naghanda na para umalis. I double checked my things para wala akong makalimutan. Nang matapos na ako ay nagbook na ako ng cab papuntang airport. Mabilis lang ang lahat, hindi ko nga alam kung bakit ba parang ang bilis lang ng oras ngayon. Nagpadala ako ng mensahe kay attorney.

Wala naman akong ginawa sa flight kung hindi ang matulog. Wala rin naman kasi akong gagawin. Wala ako sa mood para manood ng movie kaya natulog na lang ako. Kakain lang ako kapag ginising na ako. Komportable ako habang nasa biyahe ako. 

Nang makalipas ang mahabang oras ng biyahe ay nakalapag na ang eroplano na sinasakyan ko sa Pilipinas.  Limang taon lang naman akong nawala pero marami na ang nagbago maliban klima na mainit. May sumundo sa akin kaya naman sa ospital na agad kami dumiretso at hindi sa bahay namin.

Nais ko na kasi agad na makita ang parents ko. Tuwing bakasyon ay sila lang ang pumupunta sa akin sa UK. Ang mommy at daddy ko, ayaw nilang mapagod ako. Ayaw nila na umuwi ako sa Pinas at kahit ako ay tinatamad rin talaga. Dahil kapag bakasyon sa school ay namamasyal kami ng parents ko papunta sa iba’t ibang bansa. Family travel namin.

“Kumusta ang flight mo?” tanong sa akin ni attorney.

“Okay naman po. Kumusta po ang kalagayan ng parents ko?” tanong ko sa kanya.

“Lumalaban sila, nasa ICU at hindi pa rin nagigising. They are now in a comatose stage at kahit ang mga doktor ay hindi alam kung kailan ba sila gigising,” sagot niya sa akin.

“Gusto ko po silang makita.”

“Let’s go,” sabi niya sa akin.

Pagod man sa biyahe ay wala akong balak na ipagpaliban ang pagpunta sa kanila. Gusto ko silang makita, gusto ko silang alagaan dahil ako ang anak nila. Nanghihina ang mga tuhod ko nang makarating na kami sa ICU. Mula dito sa labas ay nakikita ko ang parents ko. Maraming aparato ang nakakabit sa katawan nila. 

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Ang buong akala ko ay hindi ako iiyak, pero ang makita sila na ganito ay dumud*rog sa puso ko. Hindi ko akalain na makikita ko sila na nasa ganitong kalagayan. Pumasok na ako sa loob at naiwan lang si attorney sa labas.

“Mama, papa, i missed you both.. Miss na miss ko na po kayo pero bakit naman po ito ang nangyari sa inyo?”

“Mama, papa, ‘wag niyo po akong iiwan ha. Lumaban po kayo para sa akin. Pangako po, aalagaan ko kayong dalawa. Dito lang po ako sa tabi niyo, hindi na po  ako aalis,” kausap ko sa kanila kahit pa hindi ako sigurado kung naririnig ba nila ako. Ang mahalaga sa akin ay ang malaman o maramdaman nila na narito na ako. 

Ang sakit para sa akin na makita sila na nasa ganitong kalagayan. Sariwa pa sa alaala ko ang mga magaganda nilang ngiti. Na kapag nakikita nila ako ay alam ko, ramdam ko na sobrang saya nila kahit ako ay gano’n rin naman. 

May time limit lang ang pagdalaw sa kanila kaya naman lumabas na agad ako. May malapit na hotel dito kaya nagbook na lang muna ako para malapit lang sa kanila. Wala pa akong balak na umuwi sa bahay namin dahil alam ko na magiging malungkot lang ako doon. Naroon naman ang matagal na naming kasambahay. Sure naman ako na hindi nila pababayaan ang bahay namin.

“Sure ka ba na dito ka na muna, iha?”

“Yes po, attorney. Mas mabilis ko pong mapupuntahan ang parents ko.”

“Okay, mawawala ako ng ilang araw dahil may kailangan lang akong asikasuhin. Kaya mo naman na ang sarili mo. kapag may kailangan ka ay tawagan mo lang ang number na ito. Siya ang bahala sa ‘yo,” sabi niya sa akin at may binigay siyang calling card.

“Ingat ka po, attorney.”

“Ikaw rin,” sabi niya sa akin at lumabas na siya dito sa hotel room ko.

Ako naman ay inayos na ang mga gamit ko. Nilagay ko na muna sa may closet dito ang mga damit ko. Nang matapos na ako ay humiga na ako sa may kama.

“Kaya mo ito, Joyceia. Wala ibang aasahan ang mama at papa mo kung hindi ikaw lang,” kausap ko sa sarili ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

Rachel Dela Vega Matucad
Rachel Dela Vega Matucad
matutunaw den yang depensa sa makalaglag panty mong ninong joyce......... ganda ng flow ng story highly recommended
2026-11-05 10:11:30
0
0
Joyce
Joyce
Love the story ...️... kunwari takot at ayaw pa sa una ...... sa una lang pabebe muna kahit poging pogi naman sa ninong nyang Bata pa ......
2026-11-04 21:59:03
1
1
Rachel Dela Vega Matucad
Rachel Dela Vega Matucad
highly recommended more update pa please
2026-11-04 20:31:24
1
1
Rachel Dela Vega Matucad
Rachel Dela Vega Matucad
more update pa dito please
2026-11-04 05:23:27
1
0
Rachel Dela Vega Matucad
Rachel Dela Vega Matucad
ang ganda unang chapter pa lng ramdam na agad ung bigat ng emosyon may bago na nmn aabangan gudluck sa bago mong story author callieyah ...🫶
2026-11-03 21:42:49
1
1
8 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status