Subalit matigas ang ulo niya dahil ayaw niyang makinig. Imbis na pansinin ang pagsuway nito sa kanya, mas lalo pa siyang gumiling nang gumiling. Kung ano ang mga sayaw na sinasayaw niya sa club ay ganoon ang ginagawa niya. Kagat ang labi at ang mga mata niya ay nang-aakit. Kitang-kita niya ang pagpigil ng binata na maglabas ng emosyon. Panay ang hinga nito nang malalim. Mas lalo siyang nag-iinit pag tumatama ang mga mata niya sa pants nito na basang-basa dahil sa kagagawan niya. Manyak ba ako? No! Hindi, hanggat maaari nga ayokong dumikit sa mga lalaki pero anong nangyayari sa akin. Natutuwa pa siya sa ginagawa niya hanggang sa dumako ang tingin niya sa malaking vase na may malaking picture frame. Automatic na tumigil ang pagsayaw niya at parang napaso na pinatay ang music. Nakukunsensya siya, alam niyang may babae itong mahal at alam niyang posibleng masaktan ito. Hindi siya babaeng kaladkarin, o babaeng walang dignidad para mang-akit ng lalaking may kasintahan. Muli siyang bumali
Dali-daling umalis si Mia sa silid ng binata. Ayaw niyang magising ito na nananatili pa siya sa kuwarto nito. Naligo siya upang mahimasmasan at matapos ayusin ang sarili ay nagtungo siya sa kusina upang magluto. Nasa kalagitnaan pa lang siya ng pagluluto nang marinig niya ang pagbukas ng ref. Nang lingunin niya kung sino iyon parang may kumakarera sa loob ng dibdib niya. Lihim siyang napalunok habang nakatingin sa umiinom na binata. Malamig na tubig ang iniinom nito sa umaga. When Jondray's deep, piercing blue eyes stared at her. She couldn't stop looking at his handsome face, admiring his angular features and piercing eyes. Para siyang nahi-hipnotismo habang nakatingin sa kulay asul nitong mga mata. "Good morning." His deep, somber, yet somehow comforting voice sounded: it sent her heart beating like a drum. She was so stunned that she couldn't find the words to respond, not even a thank you or good morning. Sinundan niya ang bawat kilos ng binata hanggang sa lumakad ito papalap
Umupo siya at saka chineck ang isang bag na puno ng mga drugs. “Ngayon ang lakad natin para makipag-transaksyon kay Mr. Kim. Isa sa mga kasamahan ni Mr. Wong sa organisyon.” Aniya. “Inayos na namin lahat.” Sabi ni Cooper. Itinapon ni Mirko ang sigarilyo na nasa kalahati pa ang upos at saka mabilis na ikinasa ang baril na hawak. “Nangangati ang mga kamay kong kalabitin ang gatilyo ng baril na hawak ko.” “Ready to ramble?” Sabay na sabi naman ng dalawa niyang kaibigan na sina Alvan at Cooper. “Tayong apat lang ang lalakad. Hindi ko muna pasasamahin si Cyrus. He needs to give his full attention and focus to Mia; she is our ace in the hole.” He said. Nanunudyo na tumingin si Mirko sa kanya. “Bantayan? O, protektahan at alagaan habang wala ka?” "Fuck you! Mirko. Just focus on the assignment and get it done." He answered, clearly annoyed. Tatawa-tawa lang loko sa isang tabi. Wala siyang panahon makipag-asaran ngayon sa kaibigan niya. Gusto muna niyang mas makilala ang dalaga bago ni
KUMAKAIN si Mia mag-isa ng hapunan na walang kasalo. Nang matapos nilang magbaliw-baliwan ni Cyrus ay nagpaalam ito na may pupuntahan lang daw saglit. Samantala si Jondray naman ay wala pa rin, umaga na iyon umalis ngunit hindi pa rin bumabalik. Siguro ay kasama ng binata ang kasintahan nito tuwing linggo. Nakakainis mang aminin pero nasasaktan siya sa isipang iyon. Hanggang kailan ba niya isasaksak sa isip niya na isa lamang siyang maid. Pero ang isip niya habang tinatakwil si Jondray at pilit binabaon sa limot ang mga nangyari kagabi, mas lalo pa ‘yatang hinahanap ng isip niya ang binata. What happened to her? Did she fall in love with that man? “Enjoying your dinner?” “Ay, gwapong butiki ka!” Mabilis na gumalabog ang puso niya ng marinig ang boses ni Jondray mula sa likuran niya. Nagulat siya dahil kanina pa niya iniisip ang binata tapos bigla-biglang susulpot. Pero mas nagulat siya sa lumabas mula sa kanyang bibig. Anong sabi niya!? Gwapong butiki. Nang humarap siya sa binata
Umiba na ang aura nito, umaliwalas bigla ang mukha nito ng makita ang kabuuan niya at tinitigan siya. Sinuri nito ang itsura niya mula ulo hanggang paa. She was wearing a beautiful white dress that reached down to her ankles, and she had her hair pulled up into a high bun. She looked absolutely stunning. Ang binata pa ang bumili nito at ipinasuot sa kanya para daw maayos ang itsura niya pagbisita sa kanyang pamilya. “What a beautiful lady.” Manghang komento ni Cyrus sa kanya. “Pwedeng sumama?” “No, you can’t.” Mariin na pigil ng binata kay Cyrus. Cyrus instantly smiled while looking at her. "Why? Are you going on a date?" “Just shut the fuck up.” Seryosong wika nito na pareho nilang ikinatahimik ni Cyrus. “Let’s go, Mia.” Anito. Jondray took her by the arm and pulled her towards his car, opened the passenger seat for her, and let her inside. Parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan niya dahil sa simpleng paghawak nito sa kanya. Kaagad na kumabog ng mabilis ang puso ni
Tumango siya sa kapatid niya na mukhang nahihiya kaya naisip umalis. Binalingan naman niya si Jondray na kanina pa tahimik sa tabi niya nang umalis ang kanyang ina’y. Kumunot ang noo niya dahil umiikot ang tingin nito at sinusuri ang mga nakasabit na picture frame sa ding-ding nila. Tumigil ang mga mata nito sa family picture nila. Kung saan kumpleto pa sila at buhay pa ang kanyang tatay. Tumikhim muna ang binata na mukhang may gustong itanong. “Nasaan na ang tatay mo?” Malungkot na ngumiti si Mia. “Wala na siya. Matagal na rin siyang patay.” May simpatya na tumingin sa kanya ang binata. “Sorry. Hindi ko na dapat tinanong pa iyon.” Nginitian niya ang binata at saka tumayo upang kunin ang picture frame nila na nakasabit. Nang makuha niya iyon, muli siyang umupo sa tabi ni Jondray. “Namatay siya na tanging sulat lamang ang iniwan sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko iyon binabasa dahil masakit sa kalooban ko ang naging dahilan kung bakit siya namatay.” Muling bumalik sa isip ni Mia
ININAT NI Mia ang mga braso niya kasabay ang pagmulat ng mga mata niya at magaan ang pakiramdam niya na umupo mula sa pagkakahiga. Nang masilaw siya liwanag na tumatagos sa kurtina na puti mula sa bintana ng silid niya ay bumangon na siya ng tuluyan. Ang gaan ng pakiramdam niya sapagkat iba ang pakikitungo sa kanya ni Jondray simula nang magpunta sila rito sa kanila. Alam niyang palabas lamang ang lahat, alam niyang pagpapanggap lamang ang lahat pero masaya siya kahit na hindi totoo ang meron sa pagitan nila. Akmang aalis na siya sa pagkakahiga para ayusin ang sarili ng bumukas ang pinto ng silid at pumasok mula doon si Jondray na may dalang maliit na tray at puno ng pagkain ang nasa tray na dala nito. May isang basong gatas, tinapay, palaman at prutas. Tahimik lamang itong naglalakad at kunot ang noo niyang sinundan ng tingin ang binata, inilapag nito ang dalang tray sa side table. Kakain siya sa loob ng kuwarto? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng lalaking ‘to. Pagka-usa
Inabutan kaagad sila ng menu pagkaupo nila at pumili sila ng kakainin nila para sa agahan. Ang alam ni Mia, nag-agahan na ang binata kasabay ang mga kapatid niya at ang kanyang Nanay, pero heto mukhang sasabayan siya ulit nito kumain. Malakas kumain ang binata pero ang pangangatawan nito ay mala-adonis. And yeah, pinagpapantasyahan niya iyon habang naghihintay sila sa order nila. “Tahimik ka.” Pansin ni Jondray sa kanya. Naglalaro ka kasi sa isip ko. Ayun ang gustong sabihin ni Mia. “Ah, wala naman kasi akong dapat sabihin.” “Bibigyan kita ng pahintulot na magtanong sa akin, And after that, I will ask you a questions as well.” “Kahit ano?” Paninigurado niya sa binata. Tumango-tango ang binata. Argh! Pagkakataon na niya itanong ang buong pangalan nito. Umayos si Mia nang upo at saka pinagkatitigan ang binata na komportableng nakasandal ang likod sa upuan habang nakatitig rin sa mga mata niya. Walang kurap-kurap na nagtanong si Mia. “Ano ang buo mong pangalan?” Jondray smiled at