ANMELDENHindi kailanman nasiyahan si Felize sa pakikipagtalik sa kanyang asawang si Christopher. Sa halip, nakuha niya ang kasiyahang iyon mula sa isang OB-GYNEcologist na inirekomenda ng kanyang biyenan. Ang doktor na nagngangalang Dominic San Diego, ay siya palang first love ni Felize. Ang muling pagkikita nila ang naging simula ng muling pag-usbong ng kanilang pagmamahalan. Ngunit ang ipinagbabawal na ugnayang iyon ay nahadlangan ng kanilang mga katayuan sa buhay. Magkakaisa kaya ang kanilang pag-ibig, o babalik sila sa kani-kanilang mga asawa? “Makipaghiwalay ka na sa asawa mo.” — Dominic “Gagawin mo rin ba ang ganoon? Makikipaghiwalay ka rin ba sa asawa mo?” — Felize
Mehr anzeigenSA OSPITAL..“Nasaan na si Alice?” tanong ni Christopher kay Felize, na abala sa pagbabalat ng mansanas na iniutos niya kanina.“Nang lumabas ako sa banyo, sinabi niya na kailangan na niyang umuwi. Nagliligalig na ang anak niya at hindi tumatahan nang wala siya,” sagot ni Felize.Biglang hinawakan ni Christopher ang mansanas na kalahati pa lang nababalatan mula sa kamay ni Felize. Nagulat ang babae sa kanyang ginawa.“Mananatili ka rito ngayong gabi,” utos ni Christopher habang kumagat sa mansanas. “Maawa ka naman sa mga magulang ko. Matatanda na sila at kailangan nilang magpahinga. Hindi sila dapat manatili sa ospital.”“Pero sinabi ng mga magulang mo na huwag akong mananatili dito sa ospital, Christopher,” mahinang tugon ni Felize. “Sinisikap nating magkaanak. Natatakot akong mahawa o makakuha ng virus dito.”“Ah, manahimik ka nga! Isa na namang palusot,” pasaring ni Christopher. “Nandito ka lang sa loob ng kwarto, hindi ka naman nag-iikot sa ospital. Hindi lalapit sa’yo ang virus.
“Gusto kong makausap si Dominic, Ma..” Lumabas si Hilary mula sa kanyang silid, mabigat at pasuray-suray ang kanyang mga hakbang.Maghapon na siyang umiiyak; namamaga ang kanyang mga mata at kumikirot ang ulo dahil sa sakit at pagkadurog. Sa kabila ng matinding pagod, pinilit ng batang doktor ang sarili na hanapin ang kanyang asawa. Lunurin man siya ng dalamhati, binalewala niya ang hungkag na kirot sa kanyang sikmura—wala siyang naisubo ni isang pagkain mula pa kaninang umaga.“Magpahinga ka muna, Hilary. Ako na ang kakausap kay Dominic at papupuntahin ko siya sa silid mo,” pakiusap ni Karmen habang nagmamadaling sumunod sa anak. “Huwag muna ngayon,anak. Masyado ka nang mahina.” Pinagmasdan niya ang anak na may lumalaking pag-aalala.“Hinding-hindi siya pupunta sa silid ko, Ma. Ako ang kailangang lumapit sa kanya,” giit ni Hilary habang nagpupumilit magtungo sa sala ng napakalaking bahay, kung saan inaasahan niyang matatagpuan ang kanyang ama at asawa na nag-uusap.Ngunit pagdati
Sa loob ng malamig at magarang tahanan ni Hilary, lason ang namamayaning hangin sa loob. Matapos mawalan ng malay si Hilary, dinala siya sa kanyang silid, iniwan si Dominic na mag-isa upang harapin ang galit ng tatay ni Hilary na si Arnulfo. Ang matandang lalaki ay nakaupo na tila isang hukom sa kanyang silyang may mataas na sandalan, ang tinig ay punô ng mapanlibak na pananalita ng isang tipikal na mayamang matapobre habang minamaliit hindi lamang si Dominic, kundi pati ang payak na pinagmulan ng kanyang mga magulang."Huwag niyo ng idamay ang mga magulang ko dito, Sir. Ako na lang ang husgahan niyo," mariing sabi ni Dominic, mababa ang boses ngunit may diin ang bawat salita. Mariin niyang pinagdikit ang kanyang mga ngipin hanggang sa mangalay ang kanyang mga kalamnan sa mukha."Hindi mo nauunawaan ang mga kahihinatnan ng ginagawa mo!" singhal ni Arnulfo, yumuko bahagya pasulong. "Nalimutan mo na ba na lahat ng tinatamasa mo ngayon—ang bahay na ito, ang reputasyon mo, ang titulo mo—
Habang papalayo, malayang iniisip ni Dominic ang kanyang kapakanan. Ibinubulong niya ang mga salita habang papalayo kahit siya lang ang nakakarinig."Malapit ko ng gawin ang pinakamahalagang desisyon sa aking buhay. Ang pakikipaghiwalay sa kanya ang tanging paraan upang wakasan ang cycle ng sakit sa pagitan natin.Sa buong taon ng pagsasama natin, namuhay tayo sa ilalim ng iisang bubong, ngunit hindi talaga tayo naging magkasama. Sa loob ng maraming taon, tiniis ko ang katahimikan, umaasang magbabago siya, hinabaan ang aking pasensya hanggang sa halos wala ng matira. Sa wakas, naunawaan ko na isa lamang akong tao; kahit ang aking pasensya ay may hangganan.Hindi lang ito dahil may ibang babae na ngayon sa puso ko—bagaman marahil ay nandoon na siya sa simula pa lang. Matagal ko nang pinagbabalakan ang desisyon na makipaghiwalay bago pa man muling nagtagpo ang landas namin ni Felize, ang aking first love.Ilang buwan na ang nakalipas, kumonsulta ako sa isang family lawyer at nagsubmit


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.