Share

Memories

Simula nang magtungo si Gilliane sa Hamburg, minsan na lang siya makauwi ng Pilipinas. Iyon ay noong pumanaw ang kanyang Lola Dianna. Wala nang naging dahilan upang umuwi dahil halos lahat ng kanyang kapamilya ay nasa iba't-ibang dako na ng Amerika. Wala na silang naiwang malalapit na kamag-anak sa bansa. Maging ang mga labi ng kanyang lola ay ipina-cremate ng kanyang mga magulang at dinala sa Germany kung saan sila lumipat.

Alam niya na magbabalik siya sa sa bansang sinilangan at kinalakhan. Plano na rin naman talaga niya noon pa na magbakasyon sila ni Stefan kung nakaluwag-luwag na ang schedule nila parehas. Hindi niya inakala na magbabalik siya sa ganitong sirkumstansiya. Hindi niya inakala na uuwi siya sa Pilipinas upang tumakbo palayo sa lalaking inakala niyang makakasama sa pag-uwi roon.

Siyempre ay nanalo si Gilliane nang ipaggiitan ni Phoebe na isama siya sa pag-uwi nito sa Pilipinas. Hindi siya sumama kahit na anong pilit nito sa kanya. Kahit pa nakailang pakiusap ng kanyang ina sa kanya ay hindi niya parin sinunod ang mga ito. Phoebe and Jerome stayed with her as long as they could. Ngunit kinailangan din ng dalawa na umuwi dahil sa kanya-kanyang trabaho at responsibilidad sa ospital. Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang umalis sina Phoebe at Jerome pabalik ng Maynila.

Dalawang linggo na ang nakakaran, nasisigurado ni Gilliane sa sarili na hindi siya sasakay sa eroplano at uuwi sa Pilipinas. Kahit na anong pilit sa kanya ng kaibigang si Phoebe ay hindi siya aalis sa Hamburg. Hindi niya maamin sa lahat na naghihintay pa rin siya kay Stefan na bumalik at hanapin siya. She still had hope in her heart that everything will be okay. She tightly held on it. She firmly believed that Stefan would go back to her and tell her how sorry he is for everything that happened in their wedding.

Nagtungo nga si Stefan sa bahay niya, ngunit hindi ang inaasahan ni Gilliane ang lumabas sa bibig ng dating nobyo. Ayaw itong papasukin ng kanyang ina noong una, ngunit sinabi niyang kailangan nilang mag-usap...

"I know 'I'm sorry' will never be enough, Gilliane. I know how hard it is for you. I don't even know what to say to make you feel any better. I have nothing to defend myself. I've been a horrible man to you.. I've been... I've been selfish and jerk. I didn't want to hurt you and seeing you cry because of what I did. I love you."

Stefan was one of the smartest men she knew, but in that moment, Gilliane thought he was the most stupid man ever. Hindi niya malaman kung maiinis ba siya o matatawa na lamang sa kanyang mga narinig dito. Hindi niya malaman kung saan nito napagkukuha ang mga lumabas sa bibig nito. Stefan had not been good at talking but he could have done better than that.

"You don't know" ang kanyang naging tugon.

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Stefan. "I don't know?"

"You said you know how hard it is for me. You don't know what I'm going through. Hard can't even begin to cover it. You don't know what I'm feeling. You'd never understand. Because you're the one who ran away. I was the one who left behind. No, you cannot say you know what I'm feeling. Ever."

Nagyuko ng ulo si Stefan. "You are right. I'm sorry."

"You humiliated me. You had to run away. You married someone else." Hindi niya napigilan ang pag-alpas ng lahat ng sama ng loob na nararamdaman niya na dama sa kanyang tinig. "I don't think I can ever understand. Why? How could you?"

Nanatili itong tahimik at nakayuko, hindi siya magawang tingnan ni Stefan sa mga mata.

"You've fallen out of love. I guess that's what happened, right? I couldn't understand how you actually did it. I want to understand because I want to fall out of love, too, Stefan. Just so things will get even between us. Just so I wouldn't hurt so much."

Stefan's eyes were tortured when he looked at her. " It just happened, Gilliane. I didn't plan on falling in love with someone else. When I found Jessieca, all I ever thought about was being with her."

"When did you meet her?" Hindi na niya kailangang itanong kung saan nagtagpo ang dalawa dahil alam na niyang sa ospital.

"A day after I proposed to you."

Hindi alam ni Gilliane kung ano ang mararamdaman sa isinagot nito sa kanya. "Wow," ang tanging lumabas sa bibig niya.

"One day, you'd meet someone and you're going to thank me for running away."

"Does that makes you feel good somehow?" tanong niya na may pait ang tinig.

H******n ni Stefan ang kanyang noo, muling humingi ng tawad, at pagkatapos ay umalis na.

Pag-alis ni Stefan, Gilliane spent five hours crying nonstop. Ngunit hindi iyon ang nag-udyok sa kanyang umuwi ng Pilipinas. Four days after, she grew tired of crying in bed all day. Sa unang pagkakataon mula nang hindi natuloy amg kanyang kasal ay lumabas siya ng bahay. She went out to see a movie. Cinemas had always been her happy place. Kahit na gaano kaabala sa ospital, sinisikap pa rin niyang manood ng pelikula, madalas na kasama si Stefan.

Habang nasa loob siya ng sinehan, hindi ang pelikula ang kanyang napapanood. Ang nakikita niya sa malaking screen ay ang mga nakaraan nila ni Stefan. The first time they met. The first laugh together. The first date. The first kiss. The first I love yous. The first anniversary. The first time they made love.

They had so much happy memories together.

Isang romantic-comedy ang pelikula na pinasukan niya, ngunit siya lamang ang humahagulhol sa hinagpis sa lahat ng mga nanonood. The happy memories hurt more than the betrayal and rejection, Gilliane realized.

Paglabas niya ng sinehan, nagtungo siya sa paboritong restaurant ni Stefan. She ordered her favorite food. The she saw them. Stefan and the woman he fell in love with. Hindi niya maalis ang mga mga sa dalawa kahit na anong utos niya sa sarili niyang wag itong tingnan. They looked so happy and so in love with each other.

Sa tagal nilang nagkasama, lubos na niyang kilala si Stefan. Kabisado na niya ang bawat gesture nito kahit ang kaunting pitik lang ng daliri nito. Alam niya kung kailan talagang masaya ang dating nobyo. Alam din niya kung hindi maganda ang mood nito sa unang tingin pa lamang. She could almost read what was on his mind. She could interpret a simple wave of a hand or blink in Stefan's eye. Noon lamang niya nakita na tumingin ang dating nobyo sa isang babae ng ganoon. Punong-puno ng pagmamahal at pagsamba ang mga mata nito. Hindi niya maalala kung may pagkakataon ba noong naunang panahonna tumingin nang ganoon sa kanya sa Stefan.

Hindi na gaanong napagmasdan ni Gilliane ang mukha nh babaeng ipinagpalit ni Stefan sa kanya. Hindi maalis ang kanyang tingin sa dating nobyo. He was really happy. It was the happiest face she had seen of him. Mas masaya kaysa noong magtapos ito sa med school. Mas masaya kaysa noong maging board certified surgeon ito. And in that moment, Gilliane knew. Stefan was never coming back to her. He was gone forever. She had given up before she reached the door out of the restaurant.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status